KASALUKUYAN lang na tinutuyo ni Hellmohr ang kaniyang basang buhok ng gabing ‘yun gamit ang puting tuwalya niya. Pasado alas dyis na ng gabi ng mga sandaling ‘yun. Halos kababalik lang nila ni Lucan sa Quezon City. Mag-isa na naman siyang bumalik sapagkat iniwan niya ulit doon si Belle upang makapag ensayo pa. Buong linggo na mananatili ang dalaga sa rancho para sa ensayo na ginagawa nito upang ihanda si Belle sa lahat ng pwedeng mangyari. Hindi nag tagal ay pabagsak na lang siya na naupo sa kama niya. Nakasuot lang siya ng puting bathrobe at wala siyang kahit na anong saplot sa kaniyang panloob. Habang tahimik pa rin niyang pinapatuyo ang kaniyang buhok ay hindi niya maiwasan na alalahanin ang naging final plot ng fake background para kay Belle na sinang-ayunan naman nilang lahat. Belle

