CHAPTER 02

1700 Words
Mabilis na inihinto ko ang kotse ko sa tapat ng bahay ni Eiji Fujido, isa sa mga malapit na kaibigan ko. May clinic sa loob ng bahay niya kasi isa siyang Japanese- Filipino Doctor at pagmamay-ari niya ang Clinic na 'yun. Ito rin kasi ang unang bahay na madadaanan ko dito sa village bago pa ako makarating sa mismong bahay ko. Tinanggal ko ang suot kong seat belt saka mabilis na binatuhan nang tingin ang babaeng nakasakay sa passenger seat ng kotse ko kung saan ay mahimbing siyang natutulog ngayon. I just roughly slap her face to wake her up. Im not gentleman--- you all must know it first. Agad din naman siyang nagmulat ng mga mata niya at nagtama pa ang mga mata namin. “Get out.”Malamig na tono na sabi ko sa kanya at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya sa akin saka nauna nang bumaba ng sasakyan ko. Sarado na ang lahat ng ilaw sa bahay ni Eiji kasi past 12 AM na pero alam kong nasa loob lang siya kaya naman nag-door bell na ako do'n nang ilang ulit. Naramdaman ko naman ang ginawang paglapit nu'ng babae sa tabi ko so I gave her a gaze. Mukhang malala nga ang inabot niya sa lalaking gustong pumatay sa kanya— I mean kay Fevor. Yeah, I know him kasi saktong pupunta rin ako sa place niya nu'ng harangin naman ng babaeng ito ang kotse ko. Wala naman talaga akong balak pumunta sa kanya ngayon pero pinilit niya lang ako, luckily— nagkaroon ako nang rason para hindi na pumunta pa. No more information because it's private. Basa ang damit niya. Maputik. Madumi. May mga sira ang laylayan nito at may mga stain din ng dugo 'yung suot niyang puting damit. Basag ang labi niya at halos nangitim na rin ang ilang parte ng mukha niya dahil siguro sa suntok na natamo niya kay Fevor. Tsk. This is what I hate about Fevor. Dapat, kung gusto niya talagang patayin ang babeng 'to— he should have just shot it in the head para naman wala nang kahirap-hirap pa di ba? Isang putok lang ng bala tapos na sana-- pero look? Nakatakas pa ang babaeng 'to, so stupid! Maya-maya pa ay bumukas na 'yung pinto at lumabas si Eiji na nakapang bahay na. Mabilis niya akong binatuhan nang tingin saka niya tiningnan ang babae sa tabi ko. “Gamutin mo siya," sabi ko at hindi ko na hinintay pa ang isasagot ni Eiji at tuluyan na akong pumasok sa loob ng clinic niya at naiwan sila sa labas. Dumiretso ako sa kusina niya at kumuha ng alak do'n at mabilis na ininom 'yun. “Maupo ka lang. Gusto mo ba nang maiinom? Ikukuha lang kita ng tubig.”Malambing na rinig kong sabi ni Eiji doon sa babae. Napapa iling na lang ako. Paano ba ang maging mabait? Hahaha. DAMN! Narinig ko ang mga yabag ng paa ni Eiji palapit dito sa kusina hanggang sa tuluyan na nga siyang nakapasok at agad na nagtama ang mga mata namin. Mabilis siyang lumapit sa tabi ko. “Ano na naman ba 'tong gulong pinasok mo?” Mahina pero may diin na tanong niya sa akin. Kumukuha siya ng tubig sa ref niya habang ako naman ay patuloy pa rin sa pag inom ng alak ko. “She’s just lucky na ako ang nakita niya kanina at hiningan nang tulong, dahil kung hindi— pinag pye-pyestahan na siya ng mga bulate sa lupa.”Walang emosyon na sagot ko sa kanya habang nakaupo na ako ngayon dito sa stool. "You mean, hindi ikaw ang may gawa no'n?” Tanong niya pero hindi ko na siya sinagot pa. “Well, is she really lucky na ikaw ang hiningan niya ng tulong? O baka naman mas malala ka pa.”Tanong niya pa at may laman ang mga salita niya na 'yon. Alam ko kung anong pinupunto niya kaya naman hindi ko maiwasan na mapangisi. “Kapag mapapakinabangan ko siya--- maswerte siya. Pero kung wala akong mapapala sa kanya, ibabalik ko siya kay Fevor-- or worst, pwede naman na ako na ang pumatay sa kanya na naudlot lang kanina.” Sagot ko sa kanya at uminom na lang ulit ng alak. Napapailing na lang si Eiji sa sinabi ko at walang salita na lumabas na ng kusina para puntahan 'yung babae sa labas. Pinagpatuloy ko na lang ang pag inom ko hanggang sa magsawa ako at naisipan ko na lumabas na rin. Nang maabutan ko sila na wala sa sala ay dumiretso ako sa second floor kung saan nandu'n 'yung clinic, masyado akong pamilyar sa lugar na 'to kaya wala akong kahirap-hirap na hanapin sila. Bukas naman 'yung pinto nu'ng clinic niya kaya hindi ko na kailangan pang kumatok. Pumasok ako sa loob no'n at nakita ko na nakaupo 'yung babae do'n sa solo bed nitong kwarto habang nakaupo naman si Eiji sa bangko at nakaharap du'n sa babae at nililinisan 'yung labi niyang may sugat. Sumandal ako dito sa pinto habang pinapanood sila. “Ano bang pangalan mo?” Walang emosyon na tanong ko do'n sa babae. Binatuhan niya ako nang tingin at ilang segundo siyang nakatitig sa akin bago siya umiling, hindi ko naman maiwasan na mapakunot ng noo dahil doon. “Wa--- wala kasi akong pangalan.”Mahinang sabi niya. I can't help it but to smirk in annoyance. “Niloloko mo ba ako?” May pagbabantang tanong ko sa kanya. I don't have f*****g time sa mga ganong biro. Masyadong maliit ang pasensya ko lalo na sa mga babaeng mahihina tulad niya. “Hi—hindi kita niloloko, wala talaga akong pangalan kasi.... wala akong matandaan. Nagising na lang ako sa club tapos tinatawag nila akong-- B- Belle. Wala talaga akong matandaan, pangalan, edad, kung saan ako nakatira at kung sinong pamilya ko, wala talaga," sabi pa niya. “Alam mo bang isang Doctor ang kaharap mo ngayon? Pwede niyang sabihin kung nagsasabi ka ng tototo o nagsisinungaling ka lang,”sabi ko patungkol kay Eiji. Binatuhan ni Eiji nang mabilis na tingin 'yung babae bago niya ako tiningnan. “Baka nasa state of shock siya kaya halos mawala ang kanyang mga alaala. Sa ngayon, mas makakabuti kung hindi mo muna siya tatanungin ng kung ano-anong mga bagay para na man makapag pahinga ang isip niya at hindi siya malito," sabi sa akin ni Eiji. Hindi na lang ako umimik at umayos na ako sa pagkakatayo. “Sa kotse na lang ako maghihintay. Pababain mo na siya pagkatapos ay resitahan mo rin siya ng mga gamot. Iuuwi ko siya sa bahay,”sabi ko kay Eiji at hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya at tuluyan nang tumalikod para makababa. Hindi naman ako naghintay nang matagal dito sa kotse dahil makalipas ang ilang minuto ay nakita kong lumalabas na ng bahay 'yung babae at si Eiji. Mabilis kong tinapon 'yung sigarilyo ko sa lupa saka tinapakan 'yun at lumapit sa kanilang dalawa. “Pumasok ka na sa loob ng kotse.” Utos ko do'n sa babae pero hindi ako nakatingin sa kanya kundi kay Eiji. Walang salita naman na sumunod 'yung babae at tumalikod na sa amin. “Totoo bang wala siyang maalala?”Mahinang tanong ko kay Eiji ng kami na lang dalawa ang nandito. “Pwedeng totoo kasi posible naman 'yon dahil sa sobrang takot o sa trauma. Hindi ko masabi na sigurado ako kasi hindi ko naman area ang psychology.” Sagot niya. Tumango-tango na lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon. “Sige salamat," sabi ko na lang kanya. “Na resitahan ko na siya ng gamot. As soon as possible sana ay maibigay mo 'yon sa kanya, kailangan niyang ma-take 'yon lalo na ang pain reliever,”sabi pa niya pero hindi ko na lang siya sinagot saka tumalikod na papunta sa kotse ko. Tuluyan na akong sumakay at walang salita na pinaandar 'yon. After 5 minutes ay nakarating na ako sa bahay ko, malapit lang naman ang bahay ko sa bahay ni Eiji kaya nakarating din kami agad. Walang salita na bumaba ulit ako ng kotse ko matapos ko 'yung i-garahe. Nilabas ko 'yung susi nu'ng bahay saka pumasok na sa loob. Awtomatikong bumubukas ang ilaw ng bahay ko kapag may gising na tao kapag gabi. Naramdaman ko naman na nakasunod sa akin 'yung babae. “Sumunod ka sa akin.” Walang emosyon na sabi ko sa kanya at dumiretso na ako paakyat ng hagdan. Wala siyang imik habang sumusunod sa akin papuntang 3rd floor. Tumigil ako sa harap ng isang itim na pinto at binuksan ko 'yun saka pumasok sa loob. “Dito ka matutulog ngayong gabi,”sabi ko at binuksan ko 'yung ilaw no'n saka ko siya binatuhan nang tingin. “Sa—salamat.” Mahinang sabi niya at napangisi naman ako dahil du'n. "Wag kang magpasalamat, dahil baka pagsisihan mo rin 'yan sa huli. Hindi mo pa ako kilala. Malay mo, mas malala pa ako sa taong gustong pumatay sa'yo." Paunang wika ko at dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. "Pero wag kang mag alala, hanggang may pakinabang ka sa akin. Ligtas ka. Gusto ko lang din na ipaalam sa'yo na kilala ko ang taong tinakbuhan mo." Dagdag na saad ko pa at nahalata ko naman agad ang pagkabigla sa ekspresyon ng mukha niya. "Kaya kitang ibalik sa kaniya sa kahit anong oras na naisin ko."At hinawakan ko ang baba niya saka marahas na inangat ko 'yon upang magkasalubong ang mga mata namin. "Pero hindi 'yon mangyayari kapag sinunod mo lang ang lahat nang gusto ko. Dahil kung laruan ka ni Fevor, tiyak na magagamit kita at may pakinabang ka sa akin." At saka marahas ko rin na binitawan ang baba niya kaya agad na napabaling ang ulo niya sa may gilid. Napa angat na lang ulit ang sulok ng labi ko at tuluyan nang lumabas ng kwarto na 'yon. Tama! Magagamit ko siya laban kay Fevor. Kilala ko ang lalaking 'yon at alam ko na hindi siya titigil hangga't hindi niya nakikita ang laruan niya. Ikababaliw niya 'yon kapag hindi niya napatay ang babaeng 'yun kaya magandang pagkakataon 'to para pumasok ako sa eksena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD