MATEO POV "Sige Sir Mateo, wala naman talaga akong planong manghimasok rito, Sobrang sorry talaga!" Hinawakan ko ang kamay ni Carla, "Wag kang mag alala, kapag natapos na ang kasal nila, tsaka kita ipapakilala bilang kasintahan ko sa lahat ng tao." "Kasintahan? Eh di ba ang sabi mo sa akin itatago nating dalawa ang relasyon natin?" "I used to say that pero sa ngayon, wala na akong nakikita kahit na katiting na dahilan para itago ito." "Salamat Sir Mateo, ang bilis naman ng mga pangyayari." "Yes that is true! At sisiguraduhin ko sayo na kapag ikinasal na tayong dalawa, mayroon ka nang magiging share sa mga mamanahin ni Leo." Namutla si Carla sa saya pero itinuloy ko ang pagsasalita ko. "Pero sa isang kondisyon." Nawalang bigla ang excitement sa mukha ni Carla sa sinabi ko sa kanya.

