Chapter 70 Nang nakaalis na si Paolo, pinunasan ko ang luha ko. Pinagdadasal ko na lang na sana maging okey din si Paolo. Sana matagpuan niya ang babaeng mamahalin niya at magmamahal sa kanya, bagay na hindi ko magawa sa kanya. Namamayagpag pa rin ang karera ni Kai at ang kanyng onscreen loveteam na si Zanjo. Animo’t wala nang sinuman ang makakaagaw pa sa kanilang tinatamasang kasikatan. Sa mga panahong iyon, hindi ko maramdaman si Zeke. Napapanood ko lang siya sa TV sa mga interviews bilang Senador. Akala ko kapag mag-artista ako, mapapalapit kami dahil dati naman siyang artista bago naging politico. Hindi pala ganoon kadali ang tatahakin ko tungo sa kasikatan. Nang mga panahong iyon, tinatawag na si Kai bilang Superstar. Siya na ang kinikilala bilang pinakamabenta sa mga endorsements a

