Chapter 89 “Bakit ngayon pa?” garalgal ang boses ko. “Kailan ba dapat? Kapag hindi ko na kaya pang layuan ka? Kapag hindi ko na kayang bumuo pa ng sarili kong pangarap? Rose mahigit isang taon na. Halos dalawang taon na nga ako sa piling mo pero mukhang nakulong na lang ako sa pagiging magkaibigan natin at hindi na ako pwede o makatawid pa sa puso mo.” “I’m sorry.” “No, Rose. You should not be, sorry. Hindi mo naman kasalanan na wala ka sa akin maramdaman. Wala ka naman talagang ginawang mali. Saludo nga ako sa’yo eh kasi pinatunayan mo sa akin kung gaano ba dapat magmahal. Inilalaban mo hanggang dulo ang pagmamahal mo samantalang ako, mahina. Ang pagkakaiba lang siguro natin, ikaw alam mong may nararamdaman din sa’yo ang mahal mo pero ako kasi, mukhang inilalaban ko lang ang wala. Ga

