CHAPTER 75 "Huwag kang umiyak, Jane. Alam kong wala akong karapatang sabihan ka nito ngunit tandaan mo ang lahat ng sinabi at ginawa niya sa’yo. Nandito na tayo sa maruming mundo ng showbiz. Ang mahina, napag-iiwanan, ang pikon laging talo at ang balat-sibuyas walang kalulugaran dito. Ikaw rin Rose, makinig kayo sa akin. Kailangan nating tibayan ang loob natin. Ipakita natin sa kanila na kahit walang-wala tayo. Wala pa tayong talent, wala pa tayong pangalan sa industriya. Oo nga't galing tayo sa wala, inaalipusta dahil walang alam sa pag-aartista ngunit alam kong magkakapangalangan din tayo. Gagaling din tayo at uungusan din natin sila,” payo ni Paolo sa amin. Nakita kong pinipigilan ni Alex ang kanyang galit. “Tama ang sinabi ni Paolo. Hayaan mo siya. Hindi man ngayon ngunit gugulatin

