CHAPTER 87 Sa kagaya kong may mga gustong patunayan at bawiin, naroon ang pagpupurisgi na gagawin ang lahat maipanalo lang ang aking laban. Kahit pa alam kong nagkakapangalan na ako, lalo kong pinagbubuti ang aking pag-aartista. Alam kong abot kamay ko na ang dati'y akala ko imposible kong maabot. Hindi na ako yung dating ako na isang fan lang na nakikipagitgitan sa maraming tao para lang makita ko ang aking idolo. Ngayon kasama ko na sila sa mga pelikula at entablado. Hindi na ako yung bibili ng ticket, ticket ko na ang binibili nila. Hindi ko na rin kailangan pang manggupit ng kanilang mga litrato o magpi-print para lang magkaroon ng souvenir sa kanila. ngayon kasama ko na sila sa mga litrato. Ngayon, katapat ko na sila. Nakakatrabaho ko na ang mga big stars at nakikilala na rin ako sa

