CHAPTER 94 Awards Night Iyon ang unang pagkakataon na nakasama ako sa ganoon kagrandiyosang gabi ng parangal. Isang pagtitipong napakatagal kong inasam at hinintay. Ito ay isang pagkakataon na sa hinagap ay hindi ko naisip na ako ay mapabilang. Kung ano ang pakiramdam, hindi ko maipaliwanag. Sari-saring emosyon ang aking nararamdaman. Nahihiya, natatakot, kinakabahan, napapahanga sa mga bigating artista at mga management ng mga networks kasama na ang mga bigating mga directors. Marami ring mga pulitiko na nagbigay suporta kay Zeke. Lahat sila ngayon ay kahalobilo ko na. Lahat naroon para sa isang natatanging gabi ng parangal. Napabuntong-hininga ako. Naalala ko na naman si Paolo. Kung sana nandito lang si Paolo. Kung hawak niya ang kamay ko ngayon, sana hindi ako nenerbyosin ng ganito.

