PAGPAYAG

1433 Words
Chapter 3 Bumuntong-hininga si Tatang. Parang alam ko na. Nawalan na agada ko ng ganang kumain lalo pa’t hindi na sa akin makatingin si Tatang. Ngunit sa pagkakataong ito. Hindi na ako papayag pa. Hindi ako mananahimik lang. Ipaglalaban ko ang gusto ko. Ipipilit ko sa kanila kung ano sa tingin ko ang dapat, tama at makakatulong sa aming naghihikahos na pamilya. “Malayo kami sa’yo. Paano kung may mangyari sa’yong masama? Kumakain pa naman tayo, anak ng tatlong beses isang araw. Pagod ka na ba sa bukid? Ayaw mo na ba kaming makasama? Napapagod ka na bang mag-alaga sa akin?” si Nanang. Hindi ko malunok ang nginunguya kong pagkain. Masakit sa loob na para sa kanila naman itong gagawin ko pero bakit parang hindi nila ako maintindihan. Gusto kong maluha sa sama ng loob pero pinipigilan ko ang sarili ko. Nauulit na naman yung ginawa nila noong 18 ako na hindi pagpayag. “Hindi ka pa nga ni minsan natulog sa ibang bahay tapos gusto mo mangamuhan agad sa malayong lugar? Delikado ang Manila. Kung may mangyari sa’yo doon, hindi ka namin agad matutulungan. Making ka sa akin anak dahil napagdaanan ko na ‘yan noon.” “Pero Nang, sapat na lang ba sa inyo ang kumain ng tatlong beses isang araw na kanin lang at ulam na kinukuha ko lang sa mga pananim ko? Kuntento na ba kayo sa ganitong buhay? Ni hindi ako makapag-aral, hirap punan ang pangangailangan ng mga kapatid ko sa pag-aaral samantalang sa public school lang naman sila nag-aaral. At ako Nang, Tang? Kailan ba ako huling bumili ng damit ko? Kailan baa ko nakaalis sa bayang ito? Ni sapatos Nang, Tang wala ako. Kahit nga tootbrush ko, bukang-buka na. Naisip ba ninyo kung ano naman ang gusto ko? Naisip ba ninyo kung ano naman ang pangangailangan ko bilang tao?” “Rose! Tama na! Huwag mo naming sagutin ng ganyan ang Nanang mo? Kumakain tayo oh? Mamaya na ‘yan pag-usapan. Tapusin na muna natin ang pagkain.” “Hindi pa ba sapat na nandito ako ng ilang taon na’t nakatali na sa inyo? Hindi pa ba sapat ang paninilbi ko? At tignan ninyo ang hitsura ko? Mukha pa ba akong 21 years old? Mukha akong matanda sa edad ko dahil sa sunog na ako sa araw. Kung ito ang buhay na gusto ninyo, pwes sa akin hindi. Higit pa rito ang pangarap ko. Hindi ko kayo minamaliit pero hindi ako gagaya sa inyo. Hindi ako tatandang mahirap. Hindi ko ipalalasap sa anak ko ang hirap na pinalalasap ninyo sa akin, sa amin ng mga kapatid ko. Hindi ako gagaya sa inyo!” tumaas ang boses ko. Tigib ng luha ang aking mga mata. Blag! Malakas na sinuntok ni Tatang ang mesa. Tumaob ang pinggan niya. Lahat kami ay nagulat. Noon lang nagalit si Tatang ng ganoon sa akin pero hindi na. Hindi na ako papipigil pa. Luluwas ako ng Manila hindi para sa akin kundi para rin sa aking pamilya. Tumayo ako. Ipinaramdam ko sa kanila na galit din ako. “Rose! Tapusin mo ang kinakain mo.” Mahina at malambing pa rin ang boses ni Nanang. Nakikiusap. “Ayaw ko! Tang! Nang! Ayaw ko na! Pagod na pagod na ako sa bukid ngunit may nangyari ba? Guminhawa ba ang buhay natin? Kahit pa siguro habang buhay akong magta-trabaho diyan sa bukid na ‘yan hindi ako aasenso. Hindi tayo giginhawa. Tignan ninyo si Diane, Tang, Nang, nakalayo na yung kababata ko sa akin. Napagawa na nila ang bahay nila, nakakapag-aral ang mga kapatid niya sa private school. At ako? 21 na ako pero heto ako’t nakapasan pa rin sa inyo. Puro pangarap na lang ba ako? Kailan ba pwedeng magdesisyon ako para sa sarili ko? Kailan ba ako magkakaroon ng boses sa pamilyang ito? Nang, Tang, dalaga na ako. Matured na. Si Diane, 18 lang nang umalis siya, ako 21 na pero bakit hindi pa rin ninyo ako mapayagang umalis? Bakit hindi pa rin kayo sa akin nagtitiwala? May ginawa ba ako? Ganoon na lang ba ako katanga sa tingin ninyo na hindi ko kaya ang sarili ko? Ang unfair naman ninyo. Ang kitid kitid naman ng utak ninyo para isipin na hanggang dito lang ako kasi mapapahamak lang ako! Kung kayo napahamak, sa tingin ninyo, ganoon na rin agad ang kapalaran ko?” Lumapit sa akin si Tatang. Itinaas niya ang kanyang palad para sampalin ako pero sumigaw si Nanang. “Huwag Dante. Huwag mong saktan ang anak mo!” “Bastos na eh!” “Hindi, Dante. Nagsasabi siya ng totoo. At tama ang anak mo, hayaan natin siyang hanapin ang swerte niya sa buhay.” Pinunasan ko ang luha ko. Tumingin ako kay Nanang. Humihikbi. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako sa kanila sumagot ng ganito. “Halika nga rito.” Dahan-dahan akong lumapit kay Nanang. Umupo ako sa tabi niya. “Hindi na ba magbabago ang isip mo?” Tumango ako. “Papayagan na ninyo ako?” Tumango si Nanang. Hinawakan niya ang kamay ko. “Pasensiya ka na anak. Natatakot lang kasi akong magaya ako sa’yo. Nasabi ko na ito noong 18 ka at sasabihin ko uli. Ayaw ko anak na paglupitan ka, na magahasa kagaya ng ginawa ng amo ko noon sa akin. Ayaw kong maulit iyon sa’yo pero tama ka. Nasa tamang edad ka na. Kaya mo na ang sarili mo. Maaring ang nangyari sa akin ay hindi mangyari sa’yo. Na baka nga pareho kayo ni Diane ng kapalaran.” “Salamat Nang. Salamat sa pagpayag.” “Tanungin mo ang Tatang mo kung papayag siya.” “Tang?” “Paano ang pamasahe mo?” Noon ay napangiti ako. Alam ko nang pumapayag na rin si Tatang. Dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Yumakap din siya sa akin at huminga ng paumanhin. Parang sa wakas nabigyan ako ng pakpak para malaya nang makalilipad. Sinabi kong si Diane na lang ang bahala sa lahat at babayaran ko na lamang siya kapag sumahod ako. Pumayag ang mga magulang ko at natuwa ang aking mga kapatid para sa akin. Nang nag-eempake ako ng aking mga gamit, doon ko napagtanto, luma na pala ang mga damit kong pamasyal noon. Nalakihan ko na ang mga dati kong mga damit. Bitin na sa akin. Pati ang kaisa-isang sapatos ko, niluma na ng panahon. Dahil malayong matangkad ako kay Diane, hindi naman niya ako mapahiraman ng damit at sapatos. Wala na rin panahon pa para mamili kami. Sinabi niyang suotin ko na lamang kung anong kasya sa akin at sa Makati na lang kami bibili ng bago kong maisusuot. Yung pinakamaayos na damit ang naisuot ko ngunit luma na talaga at bitin sa akin. Mukha akong basahan kumpara kay Diane ngunit hindi ipinaramdam ng kaibigan ko na iba akong tao. Hindi niya ikinahiya ang hitsura ko. Ang suot ko, ang kaitiman at kagaspangan ng buhok ko. Ganoon pa rin ang turing niya sa akin. Kagaya pa rin siya ng Diane na kababata ko. Hindi siya binago ng Maynila. Nasa bus pa lang kami ay hindi na ako magkamayaw sa pagsilip-silip sa aming mga nadadaanan. Maliwanag na mga ilaw, nagtatayugang mga gusali. Naglalakihang mga Malls. Maraming mga sasakyan at di magkamayaw na paroon at paritong mga tao. Ito yung buhay na pinangarap ko noon. Ito ang City na gusto kong makita at matirhan. Naluha ako sa saya. Sa wakas, magkakaroon na ng bagong kuwento ang buhay ko. Unti-unti ko nang makakamit ang pangarap ko at ng pamilya ko. Huminto ang taxi na sinakyan namin ni Diane sa isang malaki at magarang bahay. Iyon na raw ang bahay ni Miss Kai. Ang aking magiging amo. Nakaligtaan kong pilitin si Diane na magkuwento tungkol kay Miss Kai tungkol sa tunay nitong ugali sa likod ng camera. Hindi ko alam kung nakaligtaan o may tinatago lang siya. Nang makapasok kami sa mansiyon ng artistang amo ko ay nakita ko siya. Napanganga ako sa kagandahan niya. Kung nagandahan ako kay Diane, milya-milya ang layo ng ganda ni Miss Kai. Para siyang dyosa ng kagandahan. Gandang hindi ko alam kung totoo o isang aparisyon. Para kasing napakasarap dasalan para mabahagian ako. Ngunit ang gandang iyon na nakikita ko, may nakatago pa lang ugaling kailangan kong pagtiisan. Kailangan kong lamunin ang pride. Kailangan kong lunukin ang luha at pasakit para lang maging katanggap-tanggap sa kanya. Kailangan kong panindigan na ito. Kailangan kong tiisin para sa aking pamilyang umaasa. Ngunit nakatakdang may makikilala akong lalaki. Lalaki na laman ng aking mga pangarap. Iikot na ang kuwento ko at ramdam ko, ito na ang simula ng pagbabago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD