Venice's POV Tiptoe .. Tiptoe .. Tiptoe .. Hmmm... tulog pa rin? Binalik ko sa sulok ng kwarto ko yung schoolbag ko pagkatapos kong silipin si Jerwin na nagpapaka-Sleeping Beauty pa rin sa kama ko. Ang sarap ng tulog... Kainggit.. Samantalang ako, ilang oras nakatutok sa mga homework at libro ko. In fairness, I feel like a real student! I mean, I AM a real student, pero iba pa rin ang feeling pag kinarir ang pag-aaral. Tinignan ko ulit si Jerwin. Wala na yatang balak gumising. o_O Umupo ako dun sa kama, katabi nung naghihilik na tao, tapos pinindot-pindot ung pisngi nya. Ako: Sunshine.. Gising na.. Baka hindi ka na makatulog mamayang gabi.. Gising na... Huy~ -___- Tama bang deadmahin ang pagiging good samaritan ko dito?? At humihilik pa habang dinedeadma ang beauty ko?!? Tina

