CHAPTER 34: Prince Charming

1497 Words
Venice's POV "WHAAA?? Really?!? Sumulpot sya?!?" I trudged slowly sa tabi ni Kenny -- low batt na ang energy level ko, kaya sapilitan pa yang paglalakad na yan. Sheena and Anthony are walking behind us, pasimpleng landi yang si Anton eh. Sa totoo lang, amazingly lutang ang utak ko the whole day. Siguro dahil ang aga-aga namin nakauwi kagabi from the party -- umaga na. -___- Kaya today, sa sobrang pagod ng brain ko, halos wala akong maalala sa mga lectures, classes, kahit lunchtime, di ko maalala ang kinain ko. Extreme case of floating above the atmosphere ito. After ng mga last classes namin, sabay-sabay na kaming naglalakad papunta dun sa school gates.. Kinuwento ko sa kanila yung sudden appearance ni Geena sa so-called "Engagement Party" namin ni Jerwin--minus the "I'll take him back" speech bago umalis si girlaloo. Sheena: Di ba na-llink kay Jerwin un dati? Eh di nag-pyesta ang mga fafarazzis? Ako: Hmmm... di naman.. Konti lang naman kasi yung mga umaaligid na camera... Kenny: So ano? Anong verdict natin kay ex? Ex? Ayaw magpaka-ex ni ex at hindi ko rin naman alam kung ex na talaga siya baka ex-ex-an lang. Pero syempre, dahil ayokong mabomba ng mga delikadong tanong, di ko sasabihin yun. Ako: Breast friend, maganda naman ako di ba? Kenny: Gusto mo bang sumagot ako ng "oo"? Ako: Bakit?! May iba pa bang sagot dun?! Kenny: Ay! Oo nga no! Sige, breastie, oo! Maganda ka! Patok sa masa ang beauty natin! Mga dyosa tayo! Ako: Friend! Kung dyosa tayo, eh ano na lang sya?!? 5 times pa ang ganda ni ate! Breast friend, tinalbugan tayo! Kenny: *gasp* Bounced?! Ako: Bounced na bounced. T-T Sheena: Ang gulo niyo mag-usap. Kenny: Che! Wag kang magulo dyan. Usapan to ng mga dyosa. Sheena: *gasp* You mean, hindi ako dyosa? O_O Ang sakit naman! Kenny: Ay! Dramahan ba ako!??! Lumabas kami ng schoolgates na, as usual, debate nanaman ang ginagawa nung dalawa. Bakit raw hindi dyosa si Sheena? Di vah, ganda ng topic? -__- Tumingin ako sa paligid para hanapin ang Sunshine kong driver.. pero instead na ung black pick-up truck ang nakita ko, ung silver na family van ng mga Santos ang naka-park. Oh Lord, anoh nanamang event ito? T-T Bumukas yung pinto nung van, at lumipad si Jean na diretso kagad sa usual greeting nya sa'kin: Flying Hug, with matching lambitin sa leeg ko. Naka-uniform pa ang bata, galing pa yata sa school nila.. Ako: Jean??! Anong ginagawa mo dito? Jean: May meeting si kuya with some producers. Sabi nya sunduin daw kita. Punta ka sa bahay! Sheena: Sino yan? Napatingin si Jean dun sa mga people sa likod ko -- ngayon nya lang yata na-realize na may kasama pala ako. Then, all of a sudden, napansin kong natulala ang bata. Jean: *bulong* Prince Charming.... Eh!? Tama ba yung rinig ko?? It couldn't be, right? Sino naman ang tatawagin niya nun? Si Anton? Eh mas appropriate kung sinabi nya: "Frog Prince".. at wag na natin simulan kung bakit hindi pwedeng maging si Kenny yun.. Sino pa bang tao sa likod ko? Jean untangled her arms from around my neck and sprung papunta sa mga kaibigan ko -- all-smiles pa ang loka. O_O Jean: Prince Charming! Kenny: Ay! Where? Oh di vah, ang vakla, "Where" kagad ang reaction. Jean: You! Biglang niyakap ni Jean si Kenny -- and halos mahulog-hulog ang puso ko. Na-shock din sina Sheena at si Anton.. Pero wala pa yatang 1 minute, na-realize ni Anthony ang nangyayari, avah, humagalpak ng tawa ang mokong! Kenny: Uh, excuseeeee me! *tingin sa'kin* Sino ba 'tong bubwit na to at bakit sya nakalambitin sa'kin?! Jean: Oh.. Tinanggal ni Jean yung arms nya and stared giddily at Kenny. Hindi ko kinakaya ang powers ni sister-in-law! Hindi ako makapagsalita! Jean: My name is Jeanette. You can call me Jean. I know we just met, but, Prince Charming.. I love you already. Kenny: Ay! Bruhilda ka! Anthony: BWAHAHAHAHAHAHAHA I love you daw, Kenny! Hinila ko bigla si Jean sa tabi ko -- far away from Kenny na parang konti na lang eh ilalambitin na sya patiwarik. O_O Ako: J-Jean! Ano ka ba?! Wag mo ngang pag-tripan ung kaibigan ko. O_O Jean: Ate naman, mukha ba kong nang-ttrip? This is love at first sight! Brrr.... Kakilabot pakinggan. Kenny: Hoy! Anong love at first sight ka dyan?!? Hindi tayo compatible, sister! At hindi ako Prince Charming! Ako. Si. Cinderella. Jean: It's okay, Prince Charming. I accept you for whatever you are.. or kahit sino pa gusto mong maging. Kenny: Uh, ew. Ako: My golay. Tama na nga yan. Tumingin ako kay Anthony na halos mangiyak-ngiyak na sa sobrang kakatawa. Ako: Hoy Anton, may balak ka bang mabulunan kakatawa dyan?! Anthony: But-- WAHAHAHAHA si Kenny raw...WAHAHAHAHA Di na yata nakatiis ang mind ni Sheena dahil alam nyang wrong.. ang girl na magkagusto kay Kenny. Mali talaga. O_O Lumapit sya kay Jean.. Sheena: Jean, right? I'm Sheena, friend ako ni Kenny tsaka ni Venice. Alam mo, I understand naman na gwapo si Kenny.. Kenny: Maganda. Maganda ako. Sheena: And as long as hinde sya magsalita.. hindi sya gumalaw... Tumingin kaming tatlo kay Kenny. Sheena: At siguro, basta hindi na rin sya huminga.. mapapagkamalan talaga syang fafable. Boy na boy, di ba? Kenny: Hoy, alalay ng dyosa, may patutunguhan ba yang sinasabi mo?! Sheena: Manahimik ka nga dyan, Kenny. Anyway.. *balik tingin kay Jean* Kaya lang, Jean, wag mong sayangin ang puso mo kay Kenny dahil kahit anong pilit mo. Kahit anong ganda mo.. kahit anong gayuma pa ang ipainom mo jan the only way na magkakasundo kayo, eh kung mag-eexchange kayo ng mga tips sa paglalandi ng mga fafa. Jean: Manang. O_O OoO Sheena: M-M-Manang?!?! M-Mukha ba kong "Manang"?!?! "Ate"! "Ate" ang dapat na tinatawag mo sa'kin! Ako: Ah hahaha.. Syempre naman, Shee, "ate" lang dapat.. Batang-bata ka pa eh.. Pasensya na, medyo sensitive si Sheena sa edad nya. -__- Hinila ko si Jean patago sa likod ko.. Namumuro na sya eh. Avah, hindI ko na kaya kung dalawa na ang maglalambitin sa kanya patiwarik. Anoh na lang sasabihin ko sa kuya nya? "Sorry, pero di nakaya ng powers ko ang combined forces ni Sheena at ni Kenny"? Ako: Sige ha, alis na kami.. May gagawin pa yata kami eh.... Bye! Kinaladkad ko si Jean pabalik sa family van nila -- laking pasasalamat ko na lang kasi nagpakaladkad sya. T-T Pero ang bata talaga ayaw paawat.. Papasok na nga lang ng van, may last hirit pa. Jean: *balik tingin kina Sheena at Kenny* Bye, Prince Charming! Manang! T^T I'm sure... Bagyo ng tawag at text ng mga reklamo ang matatanggap ko mamaya. T-T Dumating kami sa bahay nina Jean.. Di ko na natanong kung bakit kailangan akong pumunta dun eh pwede naman akong ibaba sa sarili kong bahay di ba? Tuloy-tuloy ang dakdak nung bata tungkol kay Kenny, hindi na ko nakasingit hanggang sa nakarating na kami dito. T-T Pumasok kami sa loob, sabay diretso sa kitchen kasi gutom na raw si Jean. Dapat lang. Pagkatapos ba naman nung energy outpour nya kanina, sinong di magugutom dun? Ako: Hello, Aling Ligaya. Jean: Hi, Happy! Merienda time! Aling Ligaya: Ay oo. Sige, sandali lang. Naupo kami ni Jean dun sa counter habang nag-pprepare si Aling Ligaya ng kakainin namin. Jean: Oo nga pala, ate. Malapit na Valentines day. Anong regalo mo? Ako: Regalo? Para sa Valentines? Di ba dapat ako ang binibigyan nya ng regalo? Jean: Ano ba. Syempre, dapat may gawin ka ring special for him. Di ba dapat give and take ang relationships? Eh.. Relationship-kuno lang naman kami.. Ako: Eh anong bibigay ko? Di ba pwedeng hug na lang? Jean: Ate naman, you're so cheap. How about a custom-made photo album nyong dalawa? Ako: I won't have time to do something like that. Jean: Hmm.. an ipod? Ako: Doesn't he have one already? Jean: He has the old version. Get him the latest one. Ako: But I'm broke. T-T Jean: Ano ba yan? Umikot si Aling Ligaya and then put two plates ng grilled cheese sandwiches sa harap namin. Aling Ligaya: Aba'y bakit hindi mo na lang ipagluto ng Valentine dinner? Jean: Hey, that's a good idea! Ako: Uh huh.. Last time na nagluto ako, muntik nang masunog yung bahay namin. Jean: Ate.. What can you do? O.O Aling Ligaya: *natawa* Mag-aasawa ka, hindi ka marunong magluto? Ako: Aling Ligaya naman.. Kasalanan ko bang hindi kami nagkakasundo ng stove? -___- Aling Ligaya: Ay, bata ka.. Dumaan ka dito tuwing hapon, at tuturuan kitang magluto. Ako: Weh?!? Talaga?!? Aling Ligaya: Syempre.. Alam mo bang magaan ang loob ko dyan kay Sir Jerwin.. Pano na lang ako matatahimik kung ang napangasawa niya eh puro prito ang ipakin sa kanya? Ako: Truth is... Kahit prito, Aling Ligaya, takot ako. Nagkatinginan silang dalawa ni Jean.. tapos sabay na sabay pa silang nagtawanan. Ibang klase talaga ang bait ng mga tao ngayong araw na itoh.. -___- Oh well.. but at least, may magtuturo na sa'kin magluto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD