Three

1658 Words
THIANA WHY aren't you eating, Tia? Should I spood feed you?" Tanong ni Elyson saakin. Bakit ba ako nakaupo sa lamesa kasama ang pambirang to? It had been almost 3 weeks since kidnap-in niya ako. On the first day na kasama ko siya, tinangka kong tumakas pero kamalas malasan, mayroong wolf sa gubat. But my tries didn't end there, kahit muntik na akong maging dinner ng isang wild animal. I tried atleast 6 times more pero everytime na tatakas ako, lagi akong minamalas. One time, nakarating ako sa sa ilog at muntik nang malunod. Sobrang lalim pala non. Then meron ding muntik na akong matuklaw ng ahas, nasugatan ako ng nakakalason na halaman, naligaw ako and many more. But in every situation, laging naroon si Elyson para iligtas ako. Everytime din ay nahuhuli niya ako at ibinabalik sa bahay. At tuwing nahuhuli niya ako, he's always asking me full of sarcasm like he's mocking my effort to get away from him. Hindi ko siya pinansin at nagsimula na akong kumain. Habang kumakain ako, nakaupo sa harapan ko si Elyson at nakahalumbabang nakatitig saakin. Kanina, hinila niya ako palabas ng kwarto ko at pinilit na pinaupo sa lamesa. Pagkaupo ko, mayroon ng iba't ibag klase ng pagkain ang nakahain. It wasn't just any food, those are my favorites. Maging juice ay ang favorite kong flavor. Paano natutong magluto ang lalaking to? Kumakain din ba sila ng human food? I want to ask him those pero baka isipin niyang interesado akong malaman ang mga bagay tungkol sakanya. Instead I asked another question. "Hey bampira, kailan mo ba ako pakakawalan? Wala kang mahihita saakin. I have no money or anything. My blood is the ordinary type. Anywhere, makakahanap ka ng kaparehong blood type ko." Saad ko. Tinitigan lang ako ni Elyson. Hinintay ko siyang magsalita. "So you knew I was a vampire?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. What kind of stupid question is that? "Why are you looking at me like that? Kung alam mo naman palang bampira ako, why the hassle of trying to run away?" May ngising aniya. I glared at him na lalo lang ikinalawak ng ngisi niya. I really hate this guy. Nakakainis siya. "As for your question, kailan kita pakakawalan? Hmmm." Umakto itong nag iisip. Maya maya ay matamis na ngiti ang ibinigay niya saakin. "I also don't know~" pakantang sagot niya. "Haaaaa...." Sometimes, I really can't tell if he was the same person who did that horrible thing to me. Is this the true him? What about that aggressive behavior? Does he have a twin? "Do you have a sibling? Like a brother?" Wala sa sariling tanong ko. "Hmm? Yes, I do." Eh? "His name is Cion. He looks like me, though I'm more handsome." Don't tell me, I'm righ--- "Tia, don't think about something absurb. There's only one me." Ha? Heck, how did he .... Does he really have a mind reading ability? "It's written all over your face. And I told you to not think something absurb. I have none. There's no such ability." Tumatawang aniya. Sinimangutan ko lang siya at inirapan. LATER that afternoon, gaya ng nakagawian ko tuwing hindi ko ginagawa ang aking escape adventure, nasa kwarto ako at nagbabasa ng libro. All the books here are interesting. Lahat din ay hind ko pa nababasa kaya hindi ako nabobore. *knock knock* Narinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto at ang pagbukas sara nito pero hindi ko ito binigyang pansin. Iisa lang naman ang kasama ko sa bahay na to that is none other than that vampire jerk, Elyson. I continue to focus on my book while sitting on the chair by the window, without giving a damn about him. Akala ko ay magsasalita siya or lalapit saakin pero ilang minuto na ang nakalipas ay naroon parin siya sa harapan ng pinto. I didn't turn my head towards him neither he called for my attention. But I can see him through my peripheral vision. Nakatayo siya at nakatitig lang saakin. Kumunot ang noo ko. What's his deal? Huminga ako ng malalim, isinara ang librong hawak ko at binalingan siya. "What?" Matamis siyang ngumiti at nagsimulang maglakad palapit saakin. Doon ko lang napansin na may dala pala siyang paper bag. Kunot noong itinuro ko ang hawak niya. Ano kaya yun? Imposibleng damit yun dahil pinamili na niya ako last week, hindi rin pwedeng pagkain yun dahil lagi niya akong pinagluluto. Books kaya? Nakangiting inilabas niya ang laman ng paperbag. Lalong nangunot ang noo ko nang makita kung ano iyon. The thing inside the paperbag was a rectangular box. It has a picture on the side of what's inside. It looks like a child's toy. "Ano yan?" Tanong ko. The picture on the box shows a stack of seems like wooden sticks or bricks? It also has numbers on one end. "Never heard or seen jenga?" Nagtatakang tanong niya. Am I supposed to know what that thing is? "No? I'm not a child to play with toys." Mahina siyang natawa. "Yes this is a children's toy but many adults also play this." I let him continue to speak. "This is a game called jenga. It is played by taking a block at any layer and placing it on top of the tower to create another layer. You can only use one hand at a time and only 1 block can be removed at a time. The objective is to get the block without making the whole tower fall. The player who makes the tower fall, loses." Mahabang paliwanag niya. "Easy right?" Tumango ako habang nakatingin sa jenga. "And ofcourse, since it's us two who will be playing, why don't we have a little bet?" Nagdududang mga mata ang ipinukol ko sakanya. Itinaas ni Elyson ang kanang kamay niya. "It will be a fair game. I will not do anything funny." Aniya. "So the bet will also be simple." Itinaas niya ang tatlong daliri sa harapan ko. "The loser have to grant the winner's wishes, three times." Hmm... Fair enough. "LET'S play another round!" Hindi ko pinansin si Elyson nang sabihin na naman niya yun. We already played 3 rounds at lagi siyang talo. "You were lying when you said you don't know jenga, right? How could you trick me like that!" Nakasimangot na ani niya. "I did not tricked you. I really don't know jenga up until now. Sadyang magaling lang siguro ako." Mayabang na saad ko sakanya. Lalo siyang napasimangot. "So, in conclusion, you have to grant me three wishes. Dapat nga 9 kasi tatlong beses kitang natalo pero dahil mabait ako, let's settle in 3." Nakangising sabi ko. Natawa ako nang lalo siyang bumusangot. "Kahit dinaya mo ko, sige. Let me hear your three wishes." Umakto akong nag iisip. Actually, wala din akong maisip. Should I ask him questions instead? Marami akong tanong sakanya and maybe this is the right time para maitanong ko yun. Should I ask him to let me go? Nah, hindi siya papayag. Should I ask for something? Clothes, books, my phone, anything? Napabuntong hininga ako, wala talaga akong maisip na pwedeng hilingin. Malalim akong nag iisip nang walang ano ano'y hinila ako sa braso ni Elyson palapit sa kanya. Ipinuwesto niya ako sa dibdib niya na para bang pinoprotektahan ako. *Bang!* Napapitlag ako dahil sa malakas na pag sabog. Lumipad sa hangin ang mga gabok at may maliit na debris din galing sa nasirang pinto at ibang parte ng bahay ang tumilapon sa banda kung nasaan kami ni Elyson. Wh-what was that? Sinubukan kong lingunin ang pinto na nasa likurang bahagi ko pero hindi ako hinayaan ni Elyson. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya. Ang isang kamay niya nakapulupot sa baywang ko at ang isa ay nasa likod ng ulo ko. "Brother..." "Woah, he really did it." "Ely, this is crazy." "Uncle with really kill you, Couz'." Habang nakatalikod, narinig ko ang boses ng mga babae at lalaki sa likuran ko. Tiningala ko si Elyson, nakaharap siya sa mga taong nagsalita. He was glaring at them. His eyes became redder. I felt his grip on my waist tightened. "What do you think you're doing?" May bahid ng pagkainis na aniya. Mahinang natawa ang mga kaharap niya sa sinabi ni Elyson. "This is crazy. You're definitely crazy, Ely." Saad ng isang babae. Dahan dahan ay pinakawalan ako ni Elyson pero nasa baywang ko parin ang braso niya. Humarap ako sa mga bagong dating at hindi naman ako pinigilan ni Elyson. My eyes widened when I saw the space where the door was supposedly in. Wala na ang pinto, maging ang frame ay wala. Ang floor din beyond the door ay wala. The only thing left there was a huge crater. Butas din ang kisame at bubong. Gosh, what a grand entrance. Binalingan ko ng tingin ang apat na bagong dating. Dalawang lalaki at dalawang babae. Maputla ang mga mukha nila, ngunit mapula ang mga mata at labi. Kamukha ni Elyson yung isang lalaki at babae. Mga kapatid niya? "Elyson, man, have you lost your mind?" Natatawang ani nung isang lalaki. "Shut up, Cain." Iritang sagot ni Elyson sa lalaki. Pinagmasdan ko ang tinawag niyang Cain. Kulay navy blue ang buhok nito, maybe hair dye? Kasingtangkad ito ni Elyson at mayroong nakakalokong ngiti. He's also handsome. Katabi niya sa kanan ang isang magandang babae. Her curly hazelnut colored hair is long. Hanggang baywang niya ito. Sa kaliwa naman ni Cain, nakatayo ang lalaking kahawig ni Elyson. Is he Elyson's brother? Kulay itim ang may kahabaan nito g buhok. Mas maliit siya ng kaunti kay Cain pero matangkad parin. I think Elyson told me his brother's name is Cion? And lastly, yung babaeng kahawig rin ni Elyson. She's so beautiful. She looks like Elyson and Cion pero kulay hazelnut ang kulot nitong buhok. Lahat sila ay maganda at gwapo. Are all vampires handsome and beautiful? Is that a requirement to become one? Natatawang saad ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD