Pansit. Tinapay. Malamig na tubig sa isang pitsel. Mga plato, and CHOPSTICKS.
Those are the only things you can see on the top of the table. WALANG KANIN, WALANG KUTSARA'T TINIDOR!
"Sorry, girls. We don't eat heavy meal in the morning e." Nakangiting inform sa amin ni Ma'am.
"Uhm, okay lang po." Sagot sa kanya ni Shaheen.
"Salamat nga po pala rito." Pasalamat ko naman.
Hintayin ko na lang matapos si Ma'am, pati na rin ang asawa niya at si Leyla. 'Pag tapos na sila, tsaka na ako kakain. Mukhang nagmamadali na rin naman sila.
"Naku, it's nothing. Please feel at home. Iiwanan ko na muna kayo rito sa bahay ko ha? May mga iniwan din akong books sa table dyan sa salas. Nagpasama ako rito sa asawa kong kumuha ng mga iyon sa library kagabi. Malakas ang loob kong maraming lalabas na questions sa contest bukas na nanggagaling sa mga books na 'yon so please, take time to read and understand." And she's down to her last feed.
"We'll surely do that, Ma'am." Himok naman ni Shaheen sa kanya.
Habang nagto-toothbrush si Ma'am ay tumayo naman na 'yong asawa niya't sumunod na rin si Leyla.
Ang bilis nila kumain!
"Magse-seven na! Mali-late na naman tayo, anak." Sabi ni Ma'am kay Leyla habang naghuhugas ito ng mga pinagkainan nila. "Hmmm, Lysanne & Shaheen," Harap niya naman sa amin. "Alam na ng buong faculty na excused na kayong dalawa sa klase ngayon at bukas. So please do your best. Aagahan ko ang pag-uwi ngayong hapon para mai-review ko pa kayo nang sabay. Do you know the reason why dito ko kayo pinagre-review at hindi na lang mismo sa sarili niyong mga bahay?"
Nagkatinginan muna kami ni Shaheen at sabay na napailing sa kanya.
"Because I want you to help each other. Mayroong alam ang isa na hindi pa nalalaman ng isa..."
Katulad na lang ng pagkahulog ko sa kanya. Naku sigurado, wala siyang kaideya-ideya!
"...sharing of ideas, that's it! The best pair wins if they both know the answer. Hindi okay na 'yong isa lang ang may alam samantalang 'yong isa ay nganga lang, 'di ba? Siyempre 'yong walang alam, magkakaroon ng kutob..."
Oh no, 'wag kang kutoban Shaheen! Baka never mo na talaga akong pansinin pagkatapos ng contest natin. Huhu
"...and then isa-suggest niya dun sa may alam 'yong kutob niya. At 'yong may alam naman, kung hindi pa siya sigurado, papaniwalaan niya rin 'yong sinuggest ni walang alam. Dyan na magsisimula ang pagkakaroon ng mali. Sayang ang points niyo. Dapat pareho kayong sigurado."
Ako lang naman 'yong sigurado eh. One sided love 'to, Ma'am! Shet. Ang pait!
"Ma, tapos na ako rito. Tara na't mali-late na tayo! Hayaan mo na 'yan sila, kaya na 'yan nila. Ang tatalino ng mga 'yan e!" Sabay hila ni Leyla kay Ma'am. Nauna naman ng lumabas 'yong Daddy niya kanina pa. Nakapagpaandar na nga ng kotse sa garahe nila.
"Sige na. Magreview talaga nang maayos ha! Share of ideas din please." Pahabol ni Ma'am bago pa siya tuluyang mahila palabas ni Leyla rito sa loob ng bahay nila.
Hindi ko naiwasang mapatingin kay Shaheen nang marinig ko 'yong mahinang pagtawa niya sa tabi ko.
"Ang kulit lang ni Ma'am, haha." Sabi niya.
"Yeah, sobrang big deal sa kanya itong pagrereview nating dalawa." Natatawang sagot ko na rin sa kanya.
Nakakahawa tawa niya eh. Hay!
Huminto siya bigla sa pagtawa kasabay nung paghinto rin ng mga mata niya sa mukha ko.
Hay, ano na naman bang meron sa mukha ko at nakatitig na naman siya sa akin nang ganyan?
"Uhm, sandali." Excused ko. Tumayo ako para sana pumunta roon sa may sink nang magtanong siya...
"Saan ka?"
"Uhm, maghahanap lang sana ng kutsara't tinidor." Sagot ko. Ngayon ko lang napansin na hindi pa rin pala siya kumakain.
"Hindi ka marunong mag chopsticks?" Nakataas kilay niyang tanong. Nakakahiya tuloy -_-
"H-hindi eh."
"Come here, I'll teach you."
"H-ha, wag na. Kukuha nalang ako n--"
"Lysanne, isa. Magsasayang na nga ako ng laway para turuan ka, tapos hi-hindi ka pa?"
Shaheen's sungit mood is on. Hay!
"Sabi ko ngang behave na lang ako." Saka ako naupo ulit sa upuan ko sa tabi niya.
"Good. Ito hawakan mo." Bigay niya sa akin nung chopsticks niya. Ipwenesto niya 'yon nang maayos sa naghihintay kong kanang palad. Sandali pang nagkaroon ulit ng contact ang mga balat namin sa kamay. Napalunok tuloy ako pero hindi ako nagpahalata.
Her skin on mine is killing me!
"Look," Pagtawag pansin niya habang inaalalayan ng mga kamay niya 'yong kamay kong may hawak ng chopsticks ngayon. "Nilagay ko 'yong isang chopstick between your thumb and ring finger. Then itong isang chopstick naman ay sa index and middle finger mo. Tandaan mo."
"Yeah." Tango ko.
"As you can see, kailangan stabilized 'yong pagkakapwesto mo ng chopstick sa ring finger mo para stable lang siya. Mas comfortable kasi sila gamitin if you'll only move the chopstick on your index and middle one." Ginalaw-galaw niya 'yong kamay ko, testing the stabilization of the chopstick on my ring finger. "Now try to pick this." Tapos naglagay siya ng piece of chicken(na galing doon sa pansit) sa plato ko.
Sinubukan kong sundin 'yong instruction niya pero unsuccessful kasi nanginginig ako. Naghiwalay 'yong chopsticks sa kamay ko at ngumiti 'yong karne kasi hindi suspended 'yong flight niya sa bunganga ko.
"Haha, here let me help you." At nakangiting ibinalik niya ulit sa kamay ko 'yong chopsticks. But this time... nakasuporta na 'yong right hand niya sa right ko. Which means...
Gusto ng lumabas ni heart sa dibdib ko. Uwaaaaaahhhh!!!
"Ganito lang." Then sinimulan niya na ang paggalaw ng mga kamay namin. Nakuha namin 'yong karne at dinala namin 'yon sa bunganga ko.
Hmmm, saraaaappp! Mas masarap sana kung may halong pagmamahal niya :(
"Now, ikaw na lang ulit." Nakangiting sabi niya at naglagay muli ng karne sa plato ko.
At dahil magaling ako... alam ko na kung paano! Yey, pero imbes na sa bunganga ko 'yon idiretso ay mabilis na isinubo ko mismo 'yon kay Shaheen.
"Masarap?" Tanong ko agad.
"H-ha? Oo, m-masarap." Sagot niyang ngumunguya.
Hindi ko naiwasang mapangiti sa kanya nang harap-harapan. Mukhang hindi niya kasi inexpect na sa kanya ko isusubo 'yong karne. Ayan at mamula-mula na naman ang magkabilang pisngi niya't hindi na naman siya makatingin nang diretso sa akin.
Ang kyut! Parang ang sweet lang namin ngayon. Hihi, kenekeleg eke. Shet!
"Thank you, teacher!" Masayang pasalamat ko sabay kiss sa pisngi niya.
Score! Haha
"Y-yeah, you're welcome." Sagot niya at hindi na niya ako muling tinignan pa.
Lihim na natawa na lang ako. Kanina kasi 'yong cheeks niya lang ang mapula... pero 'yong ngayon buong mukha niya na. Haha!
--
"Do heavier objects fall more slowly than lighter objects?" -Ma'am
"No." Sabay naming sagot ni Shaheen.
7:30pm, kasalukuyang nagqu-question and answer na kami rito sa salas nila Ma'am. Kaninang pagkatapos naming makapagdinner ay balik na ulit sa pag-aaral. Ayon kay Ma'am, ito na raw ang pinakafinal test namin sa kanya dahil itatanong niya na sa amin kahit na 'yong mga hindi niya pa naituturo sa amin.
Kapag naipanalo namin ang contest bukas, exempted na kami sa 2nd prelims and 2nd grading final test!
"Okay, why no?" Tanong ni Ma'am. Nag bato-bato pik ulit kami ni Shaheen dahil pareho naming ayaw mag explain pero wala kaming choice.
Gunting sa kanya, papel akin. Tsk -_-
"Okay, why no Lysanne?" Ulit ni Ma'am.
"No, because for example, if an object is heavier the force of gravity is greater, but since it has greater mass the acceleration is the same, so it moves at the same speed like if we neglect air resistance. Now if we look at Newton's second law, F = ma. The force of gravity is F = mg, where m is the mass of the object and g is the acceleration due to gravity. Equating, we have mg = ma. Therefore, a = g. If there was no air resistance, a feather would fall at the same speed as an apple."
"Wow." Sabay-sabay kaming napalingon kay Leyla. Tama, may audience pala kami.
Si Leyla at si miming meow na katabi niya.
"Very good, Lysanne. Now, another question, why do objects float in liquids denser than themselves?"
Bato-bato pik! Bato sa'kin, gunting kay Shaheen. Haha, her turn!
"Why, Shaheen?" Tanong sa kanya ni Ma'am. Huminga muna siyang malalim bago sumagot.
"If an object were completely immersed in a liquid denser than it, the resulting buoyant force would exceed the weight of the object. This is because the weight of the liquid displaced by the object is greater than the weight of the object since the liquid is denser. As a result, the object cannot remain completely submerged so it floats."
"Wow." Si Leyla ulit. "Meow!" Sinabayan na ni Miming.
"Wow, parang nagbasa talaga kayo ha. Sige nga, ano 'yong scientific name for that phenomenon?" Si Ma'am.
"Archimedes principle." Magkasabay naming sagot. Napapalakpak si Ma'am kaya't natutuwang napangiti kaming pareho.
Ang sarap sa pakiramdam na makita ang guro niyong nasisiyahan dahil sa inyo ^_^
"Siguraduhin niyo na lang na mananalo talaga tayo bukas ha! Ito, last ng tanong and then magpahinga na kayo dahil 8:30 AM bukas ay magsisimula na ang contest but from 1st years muna. Pero 'yong registration is 7-8 AM lang so 7 dapat nandoon na tayo. Kaya ipahinga niyo 'yang mga genius 'yong utak nang maaga ngayon. Para relax kayo bukas!"
"Yes, Ma'am." We said in chorused again.
"Okay, Leyla pakibigyan mo nga sila ng tigi-isang paper at ballpen." Utos niya sa anak. "We'll be having a problem solving. Kanya-kanya kayong sagot pero gusto ko, parehong tama at pareho ang mga sagot niyo." Muling harap niya sa amin.
Bumalik si Leyla at binigyan kami nag tig-iisang papel at ballpen ni Shaheen.
"Okay, here's the question. An archer pulls back 0.75 m on a bow which has a stiffness of 200 N/m. The arrow weighs 50 g. What is the velocity of the arrow immediately after release? Go."
Hmmm... energy method!
5 minutes and we're done!
"Tapos na?" Tanong ni Ma'am sa aming dalawa.
"Opo." Sagot namin.
"Okay, check niyo muna kung magkaparehas kayo ng sagot. If yes, kayong dalawa na mismo ang mag explain sa akin kung paano niyo nakuha ang sagot."
Inilapit namin sa isa't isa 'yong papers namin at kapwa napangiti nang makitang iisa lang ang sagot namin.
"Pareho po." Nakangiting balita ko kay Ma'am.
"Okay, explain. Ikaw na mauna, Lysanne."
Tumango ako, "I've solved this by using energy method. I've equated the potential energy of the bow to the kinetic energy of the arrow. I thought of the bow as a type of spring. And the potential energy of a spring is (1/2)kx2, where k is the stiffness and x is the amount the spring is stretched, or compressed. Therefore, the potential energy PE of the bow is: PE = (1/2)(200)(0.75)2 = 56.25 J. While the kinetic energy of a particle naman is--"
"Oops, let's have Shaheen explain that part." Putol sa akin ni Ma'am. Sabay kaming napatingin kay Shaheen. Saglit na ngumiti muna siya sa amin bago ipinagpatuloy ang paliwanag.
"The kinetic energy of a particle is (1/2)mv2, where m is the mass and v is the velocity. The arrow can be treated as a particle since it is not rotating upon release. Therefore, the kinetic energy KE of the arrow is KE = (1/2)(0.05)v2 and if we assume energy is conserved, then PE = KE."
"And solving for the velocity of the arrow v, you get?" Tanong ni Ma'am sa aming dalawa.
"v = 47.4 m/s" Sabay naming sagot.
Sa sobrang saya ni Ma'am ay napalundag siya nang nagpapalakpak. Sumabay sa kanya si Leyla at napasabay na lang din sa kanila 'yong pusa.
Hindi mawala-wala ang tawa at ngiti sa mga labi namin ni Shaheen sa eksenang 'yon sa salas kanina. Nandito na kami ngayon sa kwarto at kapwa nakahiga na sa kama.
"Lysanne?" Mahinang tawag niya sa akin. Nang mapatingin ako sa kanya ay sa kisame lang naman siya nakatungo.
Tinanggal ko na muna ang glasses ko at maayos na inilagay 'yon sa bedside table.
"Yeah?" Sagot ko.
"Sana manalo tayo bukas."
"Of course." Sabay tingin sa kisame.
"I swear to God, kapag nanalo tayo bukas, tatanggapin ko na na ikaw na talaga ang magiging Valedictorian ng batch natin this graduation."
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya ulit.
"And that means?" Hindi ko naiwasang itanong.
"I'll stop hating you." Diretso niyang sagot.
"And you'll start loving me?" Mabilis kong dugtong.
"Ha?!"
"JOKE! Haha."
Ito na naman ako! Wew, haha makatulog na nga lang.
Tumalikod na ako sa kanya, "Good night, Shaheen. Good luck and may God bless us bukas."
"Teka lang, humarap ka nga muna ulit dito!"
Yiiee, pilitin mo muna ako. Haha
"Ayoko, tulog na tayo." Sagot ko sa kanya instead.
"Lysanne, isa! Ano 'yong sabi mo kanina? Start loving you?"
Narinig naman pala niya eh -_-
"Oo, as a friend! Or kahit as a classmate na lang kung ayaw mo pa rin akong maging friend kahit hindi mo na ako hate." Sagot ko.
Sandaling katahimikan...
"Ah, okay. I'll try." Sabi niya.
"You'll try what?"
"M-mahalin ka bilang kaibigan. Basta!"
Hanggang kaibigan na lang ba talaga?
Uwaaahhh Lysanne maghunos-dili ka!!! Hindi ka niyan papatulan dahil mas straight pa 'yan sa'yo! Correction: Sauna ra diay ka straight kay hiwi naman ka run. -Bulong ni Ego
"Basta?" Tanong ko na lang sa kanya.
"Basta mananalo tayo bukas! PERIOD! Good night!" Sagot niya at tumalikod na rin.
Of course. Hahayaan ko ba namang makita kang malungkot kapag natalo tayo? :)