“ACHER...” Niyuko ni Archer si Amber ng tawagin niya ang pangalan nito. Nakaupo ang binata sa malaking sofa sa may sala. Samantalang siya naman ay nakahiga sa may hita nito. Nang matapos ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa ay umupo sila roon. At dahil parang nanghihina siya dahil sa halik na ipinagkaloob sa kanya ni Archer ay humiga siya sa hita nito. Pinapabangon nga siya ng binata pero nagmatigas siya. Sinabi niyang kasalanan nito kung bakit para siyang nanghihina kaya dapat pagbigyan siya nito sa nais niya. Tinawanan nga siya ng binata sa sinabi niya. Wala pa daw second round iyong kissing scene nilang dalawa pero suko na siya agad. Sinimangutan lang naman niya ang binata. Pero mayamaya ay hinayaan na din siya nito na humiga sa hita nito. Sinusuklay-suklay pa nga nito ang mahabang

