PABABA si Amber ng hagdan patungo sa unang palapag ng bahay nila. Wala siyang ideya kung bakit naroon si Archer. Wala siyang ideya kung ano ang ipinunta nito roon. Nagulat na nga lang siya ng katukin siya ni Yaya Meding at sinabi nitong may naghihintay sa kanyang bisita sa baba. At mas nagulat siya ng malaman niyang si Archer ang naghihintay na bisita niya sa baba. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makita niya ito na nakaupo sa mahabang sofa sa may sala nila. Nakapatong ang magkabilang siko nito sa hita at nakapatong ang kamay sa noo nito. Nang maring siguro nito ang mga yabag niya ay nag-angat ito ng mukha patungo sa gawi niya. Ngingitian na sana niya ito ng mapatigil siya nang makita niya ang pamumula ng mga mata nito. What’s wrong with him? May

