HINDI makapag-trabaho ng maayos si Amber dahil sa presensiya ni Archer. Nanatili lang kasi itong nakamasid sa kanya. Pakiramdam tuloy niya ay binabantayan ng binata ang bawat kilos niya. Naasiwa din siya sa ginagawa nito. Gusto nga niyang sitahin ito pero baka may ibang ipakahulugan ang binata roon. Dalawang araw na simula noong mag-umpisa sila ng kanyang staff na magtrabaho sa bahay ng mga ito. At hindi niya alam kung paano niya nakayanan ang dalawang araw na iyon habang nakikita niyang magkasama si Archer at si Nikki. Bumuntong-hininga na lang si Amber at pilit na lang binabalewala ang presensiya nito at itinuon ang buong atensiyon sa ginawa. Mayamaya ay pasimple niya itong tiningnan ng marinig niyang tumunog ang ringtone ng cellphone nito. Nakita niyang inilab

