Episode 2 (Undefined feelings)

614 Words
Kinabukasan nung nsa pampanga na kami, may signal na, pero may kumirot sa dibdib ko, ni isang message sa 3 araw na nawala ako, ni isang message nya ay wala. Naiyak ako bka past time lang tlga to. message sa 3 araw na nawala ako ni isang message wala nya wala. Naiyak ako bka past time lang tlga to. WELCOME HOME! Isang malaking tarpaulin ang sumalubong sa akin pag uwi ko sa apartment. May mcdo at milktea, nakaayos ang buong apartment na akala mo ay may narentahan ako na magaling mag linis. Makulay ang paligid. May mga fairy light at balloons. Nagulat ako ng sumabog ang party popper at sumigaw si Marco na "Welcome Home! " Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dhil sa gulat, "Hindi mo ba nagustuhan? Sorry pinakelaman ko ang kwarto mo, hayaan mo linisin ko nalang ulit" Tuloy tuloy nyang sabi habang pinupulot ang mga kalat galing sa party popper. Naiyak ako, di ko alam kung dahil sa saya o dahil sa sakit. "Sorry talaga. Akala ko kasi matutuwa ka." patuloy nyang sabi habang unti unti nag lilinis. "Ano ba tayo? Bakit ginagawa mo ang mga bagay nato? Bakit pinapasaya mo ako? Sinusunod sa lahat ng gusto ko? Bakit? Ano ba ang posisyon ko sa buhay mo? Past time mo lang ba ako? Naiinip ka lang ba? Gusto mo ba ako? Kasi kung hindi, itigil mo nalang. Tama na, sobrang nahihirapan na ako mag isip kung bakit ganito ka sakin. Sobrang sakit na. Sobrang sakit na Marco" sabi ko habang umiiyak. 5 minuto. 5 minuto ako naghintay, pero hindi sya kumibo. Dito na ako nagdesisyon na tama na. Tama na siguro yung laspas isang buwan akong sumaya sa kanya kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit nya ginagawa ang mga bagay na yon. "Umalis kana Marc, (tawag ko sa knya) Tama na sguro to. Salamat at sa maiksing panahon kahit paano sumaya ako, kahit sobrang bigat ng problema ko andyan ka. pero wala naman kasiguraduhan kung ano ba talaga tayo diba? Ni hindi mo ko masagot. Hindi ko alam kung hanggang saan ko pa kaya na ilihim yung mga katanungan ko sayo. Alis ka nalang. Ako na bahala dito. Salamat nalang sa pag aabala." Nasaktan ako nung nakita ko syang tumayo at lumabas ng kwarto, Pero mas nasaktan ako nung ilapag nya sa mesa ang susi ng gate at ng kwarto. Pagkasara ng pinto. Napahagulgol nalang ako sa sakit. Sobrang sakit, yung pagod ko sa byahe pagod sa Island hopping napalitan ng sakit. Kinabukasan, may pasok na ako. Pang gabi ako kaya naman 6pm palang kelangan ko na gumising. Mag ccomute lang kasi ako simula ngayon. Kaya nag ready nako, kinuha na ang mga gamit ko nagpunta sa banyo at naalala nnaman ang nangyari kahapon na parang kanina lang. Tumulo nnaman ang luha ko. Namimiss ko na ang kuya ko, sa mga panahon na nasasaktan ako sya ang laging nasa tabi ko. Pero dahil sa mga nangyayari sa pamilya ko. Kailangan ko umalis sa bahay at matutong mamuhay mag isa. Kaya kailangan ko lumaban. Para mawala ang sakit, nilublob ko ang mukha ko sa timba, at tuluyan akong naligo. Pagkatapos ko mag ayos, at mag linis ng kaunti sa kwarto ay lumabas na ako. Nsa 2nd floor ang kwarto kaya mag hahagdan pa. Tinapon ko na din ang mga kalat sa basurahan. Pero laking gulat ko ng makita ko ang motor ni Marco sa labas. Pero wala sya, kahit madilim alam kong kanya motor iyon. Hinanap ng mata ko ang may ari pero wala, di ko sya makita. "Sorry, sorry kung ginulo ko ang buhay mo. Di ko naman ginusto na maduwag. Pero pagdating sayo, natatakot ako naduduwag, "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD