Kanina pa ako dito sa likod netong si Marc, mukhang malalim ang iniisip at hindi nya napansin ang prisensya ko. Siguro iniisip din neto kung anong meron sa amin at kung ano na mangyayari.
"Arrrgghhh, ang gulo. hindi ko alam kung ano na meron sa amin" Sabi nya, napangiti naman ako, ang cute kasi nya lalo na nung ginulo nya buhok nya
Sa totoo lang gusto ko na din sabihin kay Missy ang lahat. Alam ko na isa si Missy sa matutuwa.
Nag tambay lang kami dito habang nag mmusic.
10pm na ng magdesisyon kami na magpahinga.
4:00 A.M gumising na kami para makapag breakfast at check out namin ng 5:00 A.M. Nag kape at biscuit lang kami para di kami datnan ng init sa byahe. Maayos naman na ang lahat sa villa, nakapag check out before 5, at nagbyahe.
After more than 2 hours, nakarating kami ng Manaoag. Magpapasalamat sa safe na byahe at bakasyon nung mga nakaraan na araw.
2 hours sakto nasa pampanga na kami. Mas masakit sa katawan ang byahe sa motor kesa sa tour na ginawa namin. Nka ilang stop over din kami para magpahinga.
"Uwi muna ako ha, hinahanap nako ni mama." Paalam nya sa akin.
"Ingat ka" sabay hinalikan ako sa labi.
Sa paghalik nya may kung ano akong naramdaman.
-----------------------
Nakakapagod ang byahe. Naaawa ako kay Sam kapag nag sstop over kami. Halos 5 hours ang byahe namin pauwi ng pampanga. Dahil nadin dumaan kami sa Manaoag kaya medyo matagal ang byahe.
Hinahanap nako ni Mama kaya uuwi muna ako, Excited na ako sabihin kay Mama ang relasyon na meron kami ni Sam, nakkwento ko si Sam sa kanya kapag mag kausap kami sa video call, umuwi sya kagabi mula New Zealand kaya kinailangan ko umuwi ng bahay dahil hinahanap nya ako.
Sa susunod na day off namin ipapakilala ko si Sam kay Mama.
Ang saya saya ko, isa na ito sa pinakamasayang moment namin ni Sam simula nung magkakilala kami.
"Welcome back ma!" Sabay yakap kay Mama na 2 taon kong hindi nakasama.
"Sabi ng kapatid mo may girlfriend kana daw? " Eto yung pasalubong nya sa akin pagkatapos ng 2taon na di namin pagsasama.
"Tsismoso talaga yon. Ipapakilala ko din sya Ma, dko pa kasi nasasabi na nakauwi kana e. Kamusta byahe mo kahapon? Nag bolinao kasi kami ni Sam kaya di kita nasundo" Tuloy tuloy kong sabi
"Sam, so Sam pala pangalan nya. Ipakilala mo na sa akin anak, excited na ako at may babae na sa pamilya naten. 4 nga kayong anak ko pero puro lalake naman. Wala akong naayusan, yung kuya mo ayaw mag girlfriend sa New Zealand. Yung mga kapatid mo naman ewan ko ba sa kanila."
Reklamo ni mama, Pangalawa ako sa magkakapatid, si kuya at yung sumunod sa akin nsa New Zealand. 2 taon na din, pero hindi pa sila pwede umuwi ng pinas dahil kailangan nila matapos ang 4 na taon na kontrata sa trabaho nila. Si mama naman every 2 years umuuwi.
"Isasama mo ba si Sam anak doon?" Tanong ni Mama. Balak ni Mama na pgbalik nya doon ay isabay na kami ng bunso namin. Pero ayaw ko pag usapan dahil hindi papayag si Sam panigurado.
"Hindi ko pa nasasabi Ma, ilang araw palang naman kami mag on. Hindi pa namin napag uusapan yan." Sagot ko kay Mama
Ayaw ko din naman umalis, matagal ng alam ni Mama yon kahit wala pa si Sam sa buhay ko. Masaya ako dito kasama ng mga kaibigan ko. Kahit malayo sila at namimiss ko masaya ako at kontento ako kung anong meron ako.
Isang linggo na ang nakakaraan at magka chat lang kami ni Sam, pinaalam ko din sa knya nung monday palang na di ako makakapasok at nag file ako ng vacation leave kahit 3 linggo dahil umuwi nga si Mama.
Ngayon na day off na nya, susunduin ko sya. Ppunta kami sa Tagaytay, ipapakilala ko na din sya.
Namimiss ko sya ng sobra kayak kahit isang oras pa bago sya mag out eh nasa labas na ako at nag hihintay. Kasama ko na sina mama at yung bunso namin para deretso na kami sa byahe.
Nagpag usapan na din namin ni Sam ang pamilya nya, Kung kelan sya ready dun kami uuwi sa knila. Medyo magulo din kasi ang pamilya nya. Kaya maghihintay ako hanggang sa ready sya. Darating din kami don.