Episode 6

736 Words
Kanina pa pala ako naka tapat sa shower at nakatulala, "Sam? anong nangyari sayo?" Halata sa boses nya na nag aalala sya. "Patapos na ako nyan" Sagot ko "Baka magkasakit ka mag iisang oras kana dyan" Sabi pa nya sakin. Isang oras na pala ako nag iisip dito. Hindi ko na sya sinagot, naligo nalang ako. Pagkatapos ko maligo, sya naman, habang ako lumabas para mag yosi. Nawala na din hilo ko. Nasama na sa tubig kanina, Pero eto nnaman yung takot ko na baka sa umpisa lang ganito si Marc. Na baka magsawa din sya sa akin. Dapat ko ba sabihin sa kanya ang takot ko? Ayaw ko mapilitan sya na ituloy tuloy ang mga ginagawa nya. Kung kami siguro. Kami talaga. Lame. Naka 2 akong stick ng yosi at naisipan ko ng pumasok, mag hahating gabi na din kasi. May pupuntahan pa kami bukas. "Tubig oh" Sabay abot ng tubig sa akin ni Marc "Dito ka lang muna ba? Mag yosi muna ako." "Manonood muna ako, magpapaantok" Sagot ko Tumango lang sya, naiilang ako. Di namin alam kung anong meron ba sa amin, Naiilang tuloy ako. Isang double bed at sofa bed andito, nka ready ang dalawang higaan. Siguro sa sofa bed sya kaya hinanda din nya. ------ Sinindi ko ang yosi, hihintayin ko muna sya matulog bago ako pumasok. Ayaw ko may mangyari sa amin. Kilala ko ang sarili ko, hindi ako perpekto pero sa pantulog nya ngayon, ibang iba sya. Baka anong magawa ko at maging dahilan para iwan nya ako. Mag iisang buwan na nung nagsabi ako na ligawan sya, hindi ko alam pero siguro pinayagan nya ako, kaya hindi ako gagawa ng bagay na masasaktan ko nanaman sya. 30 mins ako naghintay dito sa labas, siguro nakatulog na yon. Pagod sya maghapon at wala din syang tulog. Aalis pa kami bukas kaya papasok na ako. "Marc - naputol ang pag tawag nya dahil nagulat din ako at nagtama ang aming mga labi ---------- Tumayo ako pra tawagin sya. Sobrang dilim kasi kapag tumayo ako at patayin ang ilaw, makikiusap sana ako na patayin nya ang ilaw kapag nakahiga na ako pero "Marc - Nagtama ang labi namin, sa gulat ko nakamulat kaming dalawa. "Sorry Sam, Sorry" sabi nya "Sorry ka ng sorry dyan." "Nagulat ako, bakit gising ka pa kasi?" Tanong nya sakin "Ipapa off ko sana ilaw sayo, bigla ka naman pumasok" "Tayo na ba Sam?" Seryosong tanong nya habang nakatayo Hinalikan ko ulit sya. Mas mariin, napapikit nalang ako ng mata sa ginawa ko, parang nahiya ako at ako ang nag first move. Nagbitiw sya ng halik namin "Mali, mali to Sam. Ayaw ko itake advantage na dalawa lang tayo ngayon at hindi magiging dahilan na lalake lang ako kaya magagawa natin to" tuloy tuloy nyang sabi Sa inis ko, hinalikan ko ulit sya this time, ginalaw ko na ang mga labi ko, Pero inalis nya ulit. "Hahalikan mo ako o sisipain kita palabas at dun ka matulog?" Inis kong tanong Napatawa sya ng mahina at siniil ako ng halik, maharan nya akong hinalikan sabay namin ginalaw ang mga labi namin. Natawa sya ng bahagya "Gusto mo ba sa labas tayo maghalikan ?" Natatawang tanong nya Dun ko nalang narealize na nasa pintuan pa pala kami. Natawa kami pareho, at pumasok sa loob. "Salamat, salamat kasi tinanggap mo ako kahit na duwag ako." Panimula nya nung maka upo kami sa sofa bed. "Hindi ko makakalimutan ang araw nato Sam. Memorable ito sa akin. Unang punta ko sa bolinao kasama ang MAHAL KO" Sabay halik sa akin labi. Ngumiti ako sa kanya. "Unang beses ko din dito, sobrang saya ko din, Samahan mo ako puntahan ang mga lugar na never ko pang napuntahan ha?" "Oo naman" Humiga kami ng magkatabi sa sofa bed, nakatulog ako sa mga yakap nya. Pag gising ko, wala sya sa tabi ko, tinignan ko yung bed. Wala din sya. Tinignan ko anong oras na 7:15 am. -------- Pagkatapos ko halikan si Sam pinigilan ko ang sarili ko na may mangyari. At least nasabi ko sa kanya na mahal ko sya at masaya ako. Niyaka ko lang sya hanggang sa makatulog sya at nung alam ko na tulog na sya ng mahimbing nakatulog na din ako. 5:30 am palang pero gising na ako, siguro ay di ako sanay na may katabi, pero alam ko masasanay din ako. Lumabas ako para maghanap ng aalmusalin ni Sam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD