Hindi ko alam kung anong gusto nya kainin, pero bumili ako ng Mami, pares tapsilog at tocilog.
Binilhan ko din sya ng kape dahil mahilig sya don, black man o may creamer, mainit man o malamig. Pero hindi ko kinalimutan ang tubig syempre.
Hindi na ako bumili ng akin dahil mahina sya kumain, for sure mas madami pa ang tira kesa sa nakain nya.
----
Nalibot ko na ang resort pero wala ang hype nayon, pati motor nya wala, mag 7 na ng umaga pero wala pa din sya. Tinignan ko ulit ang mga gamit nya, baka naturn off sa akin yon.
Pero narinig ko nag park sya ng motor.
"Ang aga mo nagising ah?" Tanong nya agad
"Baliw kaba? bakit ka bigla bigla umaalis?" Galit na tanong ko,
"Sorry, natakot kaba? bumili ako ng pagkain natin sa kanto, wala kasi dito e" dun ko nakita na may bitbit pala sya. Kaya inirapan ko nalang.
"Tara na sam, naayos ko na ang almusal." Aya nya sa akin.
" Eto kape" sabay abot ng tasa
"huh? bakit ang dami naman?" Paano ba namn 3 klaseng pagkain dala nya 3 cups ng kanin. Ano akala nya sakin? Masiba kumain?
Hindi na nyako sinagot at kumain nalang kami.
------
Ang saya na nakikita ko sya nakangiti at nag eenjoy sa mga tanawin, para syang bata na excited sa bagong laruan tuwin ipapark ko ang motor.
Hahawakan nya ang kamay ko habang naglalakad kami, titignan nya ako ng nakangiti kapag may nakita sya na nagustuhan nya.
Mga tawa nya sa tuwing may nagagawa sya sa mga tourist attraction, pangungulit nya sa mga bantay o kung kanino man ma picturan lang kaming 2. Sa mga pakiusap nya sakin na kuhanan ko sya ng maganda, at birong pagsusungit kapag blurred o hindi maganda ang kuha.
I hope this day never ends, or if it will, I will make sure to create a new memory with her.
Naalala ko noon nung biruin ako ng Reo sa kanya. Yung nagtataka nyang mukha at mangingiti nalang, Aira. Yan nalang nasa isip ko nung araw na yun, iba ang dating ng binibini na ito.
Akala ko hindi ko na sya makikita pa, isang linggo din sya nakabaksyon dahil inililipat kami sa ibang account,
Umaasa ako na sana magkasama kami ng training room, pero hindi pala. Pang umaga ako habang sya pang gabi.
Medyo nalungkot ako kasi hindi ko sya nakikita pero maigi pala na may kaibigan ka na maloko, Nesting na namin, Nakita ko sia sa pantry, napansin pala ni Reo na nakatingin ako, kaya after naming don gumawa siya ng Gc. Pero nag si left den.
Dun na nagsimula ang lahat. Dun ko say mas nakilala at mas minahal.
Hapon na ng nakabalik kami sa villa, alam kong pagod sya kay sabi ko huwag muna kami manood ng sunset at pahinga na soya, maaga den ksi ang alis naming bukas at may pasok pa kinagabihan.
Pumayag naman sya. Hindi ko maiwasan na mapaisip anong mangyayari pagbalik namin sa pampanga. Ganito pa din ba kami ?
Teka nga? Kami na ba? Hindi ko pa sya natatanong ng maigi, o kelangan pa ba magtanong? Naguguluhan din ako sa kanya. Kailangan ko na siguro sya ipakilala sa lahat bilang girlfriend ko. Sana hindi sya magalit kapag ginawa ko yun, o kelangan ko muna ipaalam sa kanya?
"Arrrgghhh, ang gulo. hindi ko alam kung ano na meron sa amin" Sambit ko ng malakas sabay ginulo ang buhok. Nandito ako sa balcony ng villa mag isa nag iinom habang nag iisip.
"Sabihin mo na kina Reo kung anong meron sa atin, sabihin mo yung gusto mo na mangyari sa atin pra hindi ka naguguluhan."
"Ay s**t, kanina ka pa dyan?" Nagulat nalang ako nung mag salita sya sa likod ko. Nababasa ba nya nasa isip ko?
Hahahahahaha. Tawa nya, ang sarap sa tenga, ang sarap pakinggan.
"Halata naman na litong lito kana kung anong meron sa atin, ako din kasi hindi ko alam kung tayo naba. Ayaw ko naman magtanong baka sabihin mo e excited ako, kaya kung anong sa tingin mo meron sa atin, yun na sabihin mo sakanila." Tuloy tuloy nyang sabi sabay sindi ng yosi.