Episode 9

771 Words
Isang linggo kaming hindi nagkita ni Marc, umuwi kasi nanay nya kaya nag file sya ng vacation leave. Napag usapan naman namin na ipapakilala na nya ako sa mama at kapatid nya. Kaya isasama nila ako sa tagaytay dahil sabi ni Marc hindi pa ako nakakapunta doon. Excited ako na kinakabahan. Naka ilan na akong boyfriend or kahit girlfriend pero eto yung first time ipapakilala ako. Ang dami kong tanong sa isip ko kung magugustuhan ba ako ng mama nya or kung anong mangyayari. Hindi ko alam kung anong dapat gawin sa ganitong paraan kaya thursday palang inaya kona si Missy sa apartment para tignan kung ano ano ang mga dapat dalhin, o kung ano ang gagawin. Ng naayos ko na ang lahat tinuruan ako ni Missy pero wala din akong nakuhang matino, same kami ng lovestory noon, wala kaming nakilala sa pamilya ng mga ex namin kaya wala din syang maibigay na suggestions. 6am palang ng saturday e nag chat na si Marc sa akin, "by, nasa labas na ako ng office nsa parking sina mama, wait nalang kita dito." Sobrang excited naman neto na umalis, 1 hour pa ang out ko ah. Pero dahil wala akong magawa andun na sya, hinayaan ko nalang. Saglit nalang din naman kahit isang oras pa. "Ma, si Sam pala. Sam si Mama tapos yung bunso namin si Macey" Pakilala ni Marc sa akin sa pamilya nya. "Sa wakas may anak nakong babae." Tuwang tuwa si Tita Mia at niyakap ako ng mahigpit. Sobrang sarap na may taong excited na makita at makilala ka. Ganito pala ang pakiramdam ng ipakilala sa pamilya. Nakakahiya na nakakataba ng puso sa init ng pagtanggap nila sa akin. "Welcome to the family Ate" sabi ni Macey sa akin. Sa passenger nako pinaupo ni Tita para maging komportable daw ako, bago kmi nakalabas ng pampanga nag drive thru muna kami sa starbucks. Treat daw ni Macey dahil masaya sya at may ipinakilala na kuya nya na babae. May mga naging girlfriend naman daw kuya nya pero hindi nya pinakilala ng ganito sa kanila. Magdadala lang sya ng babae sa bahay nila pero yun na yon at wala na hindi na nila makikita. Less than 2 hours lang ang byahe. Walang traffic at hindi kami nag stop over dahil walang ngalay ngalay sa pag bbyahe. "Ganito pala ang feeling kapag masarap ang upuan sa byahe. Walang sakit sa katawan" Biro ko sa kanya ng makadating na kami sa hotel. "Gusto mo ba hindi ko na ibalik kay tito ang kotse?" Tanong nya "Baliw ka ba? Sa tito mo yan, baka habulin ako ng itak non" Habang natatawa kaming dalawa. ' Hayaan mo Sam, bago ako bumalik sa NZ, bilhan ko si Marc ng kotse pra hindi na kayo naka motor sa mga tour nyo" Sabi ni Tita na kinagulat ko. "Naku, Nagbibiro lang po ako hehe." Nahihiya kong sagot. "Ako ma, hindi ako nag bibiro." Sabi naman ni Marc kaya siniko ko sya. "Balak ko naman talaga yon, dahil alam kong hindi ka sasama sa amin ni Macey. Lalo na at andito ang mahal mo." Sa sinabing eto ni Tita napatingin ako kay Marc, wala syang nababanggit sa akin about dito. "Oh, hindi mo alam Ate?" Takhang tanong naman ni Macey sa akin. "Baka nabanggit na sakin ng kuya mo diko lang matandaan, Hehe" Sabi ko pero may inis na sa akin dahil bakit nya itatago yung ganong bagay. "Eto ang susi sa kwarto nya. Same floor magkaiba lang tayo ng room. wala na kasi available na family room kaya hiwalay tayo. Tawagan nyo kami kung kailan tayo maglilibot ha" Putol ni Tita sa tensyon naming dalawa ni Marc. Sa 26th floor and mga room namin, sa dulo kami ng hallway habang sila sa bandang gitna. "Galit kaba? Tanong nya sa akin pagka lapag nya ng mga gamit namin. Pagkatpos aayusin ko iyon sa drawer dahil hanggang tuesday kami dito. "Hindi naman, pero bakit hindi mo nabanggit sa akin?" Tanong ko "Hindi ko naman kasi plano talaga na sumama sa kanila, kaya siguro hindi ko na din nasabi pa. Sorry" "Bakit ayaw mo? Dahil ba sa akin? Ayaw mo ba makasama mama mo ? Every 2 years mo lang sila nakikita." "Alam naman ni mama na ayaw ko doon, andito sa pinas ang buhay ko, dito ako masaya kaya hindi nya hahadlangan yon. Ang tagal nyang single mom sa amin kaya alam nya kung saan kami masaya mga anak nya at full support yon. At kung aalis ako, isasama kita. Kahit gaano ako katagal na maghintay sayo na mag ready sa pag alis mag hihintay ako." Sabay halik sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD