Nagpunta agad kami sa mga tourist attraction dito sa bolinao.
Etong mga sandali nato, wala akong pagod na maramdaman, nakaka enjoy na ang saya sa feeling kahit 2 lang kami.
Malapit ng mag sunset. Kaya nag set up na sya sa tabi ng dagat, ng mat at pagkain. May upuan din na foldable.
Habang ako, sinet up ko ang camera para kuhanan ng time lapse ang sunset.
Iniisip ko kung, ano ang mangyayari sa gabing ito. Tequila naman ang dala namin kaya di ako malalasing.
Kinakabahan na ako baka eto na yung araw na may mangyari sa amin kahit wala pang kami.
Sasagutin ko na ba? Pero hindi ko pa naman sya pinayagan manligaw ah. Wala pa man ako sinasabi.
Sa dami ng iniisip ko di ko napansin na ako nalang mag isa.
"Huh? Nasaan na yung taong yon?" Tanong ko habang palinga linga sa paligid.
"Para sayo" Sabay abot ng bouquet of tulips.
"Saan mo galing to? Wala naman ganito sa motor kanina ah" Tanong ko
Pinulot ko lang dyan, iniwan yata nung may ari" Pilyong sagot nya
"Thank you ah"
1 minuto, 10 minuto, hanggang 1 oras, isa at kalahating oras at tuluyan na nga nawala ang sun, madilim na pero andito pa din kami. Naubos na din namin ang pizza at kalahati pa ang tequila. Sa loob ng mahigit isang oras namin dito, di pa kami nag uusap. Tinginan lang konting ngiti, sasabay sa kanta.
"Ano na ba tayo?" Tanong ko
"Ikaw para sayo ? Ako masaya ako sa kung anong meron tayo." Sagot nya
"Di ko din alam e, masaya din ako Marc. Di ko ramdam ang pagod kapag kasama kita, di na ako natatakot na baka, ako lang ang may feelings sayo. Basta alam ko masaya ako " Pagkatapos kong sabihin yun, nagulat ako nung hawakan nya ang aking pisngi at hinalikan sa noo.
"Puso nalang natin ang may alam kung anong meron sa atin. Di ko man maririnig sayo yung sagot mo na Oo, ayos lang sa akin. Basta alam ko na di ka mawawala sakin."
"Huh? Ano bang tanong mo at kelangan ko sagutin?" Pag susungit ko,
"Ewan ko ba sayo. Ubusin na natin to at ng makapasok na tayo" Putol nya
"Wala na ba tayong nabili?" Parang nabitin ako sa isang bote ng tequila, Ganito sguro kapag masaya ka di ka tatamaan ng lasing.
"Tama na, isang bote na nainom natin 2 lang tayo. Baka malasing ka, kahit pa alam ko na malakas ka uminom.'
Napasinmangot nalang ako
Pinapanood ko lang sya habang nag liligpit ng mga gamit.
Medyo nahihilo na ako siguro dahil more than 24 hours na akong gising kaya nararamdaman ko ito.
Habang madami syang dala, inalalayan nya ako maglakad hanggang makapasok sa villa.
"Ayusin ko lang ang mga gamit natin, Handa ko na ba ang hot water sa cr?" Tanong nya habang busy sa ginagawa nya
"Ako na Marc, Salamat" Sagot ko ng may ngiti. Sa una lang kaya to? Paano kung magtagal kami? Ganito pa din ba sya sa akin? Pero kami na ba? Sinagot ko na ba talaga sya nung araw na binigyan nya ako ng bulaklak? Ganto na ba ako ka easy to get?
Parang wala man 24 hours simula nung sabihin nya na gusto nya manligaw pero parang kami na. Ganito na nga siguro ang panahon ngayon. Kahit walang ligawan na mangyayari magiging kayo.
Eto ba ang relasyon na pang matagalan? Yung mga nanligaw sa akin noon ng ilang buwan sandali lang ang relasyon namin. Siguro magtatagal kami ni Marc. Sana mag tagal kami dahil ayaw ko na. Tama na yung mga naranasan ko noon. Tapos na ako mag experiment sa sarili ko.
Tama na yung patong na patong na problema sa buhay ko. Ilang taon na akong nahihirapan sa pamilya ko ayaw ko na sumabay pa yung problema sa relasyon.
Tatanggapin naman siguro ni Marc na broken family ako, na di ako lumaki sa magulang ko. Bagkus inalagaan at pinalaki ako ng pinsan ni mama na tinuturing ko na din magulang.
Ang pamilya ni mama fe ang dahilan bakit ako malakas na tao ngayon, bakit nakakaya ko lahat kahit pa na malaki ang nagagawang kasalanan ng asawa nya sa akin, kahit na masakit at kailangan ko umalis doon sa bahay namin, nag papasalamat pa din ako sa kanila. Hindi ko pa nga nasasabi kay kuya si Marc.
Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon nya. Alam ko naman na kahit anong desisyon ko o sino piliin ko susuportahan nila ako.
"Basta masaya ka bunso, masaya na din kami. Kapag malungkot ka at gusto mo umiyak nandito lang kami ni Ate para sayo." Yan ang mga salita nila sa akin nung beses akong na broken.
"Sam?"
Nagulat ako ng kumatok si Marc sa pinto ng banyo.