Nagulat pa ako ng marinig ko sya na nagsalita sa likuran ko, nakatago pala sya sa likod ng gate.
"Okay lang. Sge na mauna na ako." sabi ko kase 45 mins nalang at malalate na alo
"Tara na, sabay na tayo" aya nya
"hindi na. Kaya ko. Sanay ako nag jjeep. Hayaan mo nalang ako please? "
Sabay ako naglakad palayo sa kanya. Malapit lang naman ang sakayan ng jeep sa tinutuluyan ko. Kaya agad din akong nakasakay.
Hindi ko sya nilingon. Dahil baka bumaba ako at sumabay sa kanya.
Pagdating sa office, syempre nauna sya saken.
Pero parang tahimik ang mundo. Halos walang nag sasalita. Parang ang dami nilang ginagawa at walang nag kikibuan.
Kaya ako, nag log in na at kumuha ng kape.
"Kmusta ka? " tanong ni Missy.
Tinignan ko sya ng may pagtataka
"Namamaga mata mo, mugtong din mata ni Marco, may nangyari ba? " usisa pa nya.
'Wala to. Magkakape ako, gusto mo ba" Pag iwas ko sa tanong nya
"Hmp, parang di moko kaibigan ah" Kunwaring tampo naman nya
"Huwag dito, mamaya na pag out natin. Baka hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Okay?"
Ako kasi yung tao na hindi pinag hahalo ang personal na buhay sa buhay trabaho. Kaya ayaw kong pinag uusapan ano man ang problema. Kung ano man ang problema na meron ako ay iniiwan ko iyon sa labas.
Dahil kung maghahalo lahat ng stress ko sa buhay baka di na ako buhay ngayon.
Baka nung naranasan ko yung bagay na yun sa sarili naming tahanan e nagpakamatay na ako.
9 hours ang nakalipas at natapos na ang shift ko, natapos ko lahat ng backlogs dahil nag paka busy ako. Kumain lang ng 15 mins nag yosi at pumasok ulit nung lunch time. Pero hindi na ako nag mini break,
Pagtapos ng shift, nag aya si Missy na mag almusal. Kinwento ko lahat ng nangyari.
"Okay ka lang ba Sam?" Tanong nalang nya
"Oo naman, di pa naman kami para masaktan ng sobra. Umasa lang sguro ako kaya ganito" Sagot ko at nangiti sa knya.
------------
Napaka duwag ko pala talaga. Hindi ko man nasabi na gusto ko sya, mali, na Mahal ko na pala sya. Napipi ako nung mga oras na yon.
Hindi ko man sya napaigilan na mag commute. Dahil duwag ako, mahina.
Para akong hindi lalaki sa nangyari.
Eto ako, nakatignin sa knya habang kumakain sila sa eggys. Sa sobrang close ng dalawang ito marahil nasabi na nya ang kaduwagan ko.
Pero nakita ako ni Missy at nag message sa akin.
"Alam mo di ko alam sino paniniwalaan ko, yung sinasabi ni Sam o yung mga galaw mo, Aalis na ako, samahan mo sya dito"
Mag rereply pa sana ako pero nakita ko sya palabas na. "Samahan mo na sya don. Mamaya nalang daw sya uuwi."
Naglakas loob ako na pumasok sa Eggys.
Natatakot ako na baka kapag umamin ako sa kanya e mailang sya sa akin at hindi na ako pansinin, baka mag bago ang pagsasama namin.
"Sam" tawag ko sa kanya.
Napatingin sya sa akin ng may gulat. "Bakit alam mong andito ako? " Tanong nya
"Sorry kung sinundan ko kayo ni Missy kanina, gusto ko lang makasigurado na makakauwi ka ng maayos. Sorry kung iniwan kita nung nakaraan. Mag papaalam sana ako na linisin ang kalat na ginawa ko sa kwarto mo"
Siraulo nga siguro ako, hindi yan ang nasa isip ko kanina pero yan ang lumabas sa bibig ko.
"Nalinis ko na, pero yung mga balloons andun pa. Ako na bahala don" sagot nya, patayo na sana sya pero pinigilan ko
"Pwede ba tayong mag usap? kahit saglit lang, pakinggan mo ako" Sabi ko, sana this time mag karoon ako ng lakas ng loob na umamin at magsabi sa kanya.
"Anong pag uusapan natin? Hindi naman tayo diba? Hindi break up ang nangyari sa atin, walang tayo Marc," Yan ang lumabas sa bibig nya,
Eto na nga ba ang ayaw ko, nararamdaman ko naman na hindi nya ako gusto, ako lang sguro ang feeling na baka masuklian nya ang nararamdaman ko.
"Please?" pag mamakaawa ko
"Kung gusto mo mag explain, huwag dito. Madaming tao."
"Tara sa Carmelite" Aya ko sa kanya,
Lumabas kami at susuotan ko sana sya ng helmet tulad ng dati, pero kinuha nya iyon at sya na mismo ang nag suot.
Nag byahe kami, hanggang makadating sa carmelite, simbahan ito sa pampanga na may maliit na park kung saan pwede ka lang maupo pero pwede ka din mag dasal.
Eto ang una namin pinupuntahan non bago kami mamasyal dalawa.
"I'm sorry if I'm a coward. I did not mean to hurt you or give you false feelings." Panimula ko