"The truth is, I have feelings for you, I just don't want to ruin the relationship that we have right now. I am happy that you are always with me, that we are together. Hindi ko siguro makakaya na iwasan mo ko kapag umamin ako sayo, Mas masaya siguro kung may label tayo pero masaya at kuntento na ako sa kung anong meron tayo ngayon. Pasensya na kung di ko agad sinabi sayo. sa 3 days na wala ka sa tabi ko dun ko narealize na, t*ng*n*, bakit sobrang miss kita, bakit hinahanap hanap kita. Sa 3 days na nasa Zambales ka, ginawa kong kwarto ang kwarto mo kasi sobrang miss kita. Pasensya na talaga at di ko nasagot mga tanong mo"
Habang sinasabi ko ang mga katagang yan, nakayuko si Sam, nilalaro ang mga daliri. Hindi ko alam kung naririnig nya ba ako o naiinintindihan. Tinignan ko sya at "Bakit mo ibinalik ang mga susi ?" sinabi ko iyan.
Halata sa mata nya na nabigla sya, pero mas nabigla ako sa sagot nya. "Gusto kasi kitang ligawan, iniwan ko ang mga susi kasi manliligaw ako. Ayaw ko pumasok basta basta sa kwarto mo habang nanliligaw."
E bwisit pala sya. Ilang linggo na sya balik balik sa apartment, sabi nga nya 3 days syang duon umuuwi tapos ngayon na manliligaw sya e ayaw nya may susi sa apartment.
"Siraulo kaba?" Sabi ko. Tumingin sya sa akin ng may patataka
"Siraulo ka nga, ewan ko sayo. Bahala ka sa gusto mong gawin sa buhay."
"So payag kana na ligawan kita?" Tanong nya na may saya sa mata
Hindi ko sya sinagot. Eng eng naiinis ako sa kanya. Alam nya na may feelings ako sa kanya, kaya ganyan sya.
Alam ko na nakasunod sya sa akin. Sinuot ko ang helmet "Ihatid mo na ako sa bahay. Huwag kana ppunta mamaya don. Kaya kong mag commute papasok" Sabi ko bago kami umalis.
Nung nsa apartment na kami ay tuloy tuloy ako pumasok. Kailangan ko mag isip. Kahit na gusto ko sya at umamin sya sakin, yung naramdaman ko kahapon ayaw ko na maulit. Hindi lang naman sya ang unang boyfriend ko, pero sa knya ko lang naramdaman ang ganong klasing sakit. Dala siguro ng pagod, nakatulog agad ako.
Nung magising ako at tapos na mag ready para mag trabaho, may kumatok. "Good morning" Nakangiting sabi ni Marc, may dalang isang white flower at baunan na panigurado luto ng mama nya. "Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah" Tanong ko habang nakatingin sa relo, 7 pm palang. 9pm pa ang pasok namin. "Dinalhan kita ng dinner, pra bago ka pumasok makakain ka, eto pala white rose, lagi ko kasi napapansin na white rose ang lagi mong tinitignan sa mall. Kaya naisip ko na favorite mo ito." Sabi naman nya.
"Tulips ang favorite flower ko, pero salamat. Halika pasok ka, baka sabihin mo ang bastos ko naman"
Tumawa sya ng mahina "Sorry, sa susunod tulips na dadalhin ko"
Dahil long stem ang dala nya, kumuha ako ng bote ng soda at dun nilagay.
Hinanda nya ang dala nyang pagkain at pinag saluhan namin iyon. Tinignan ko ang calendar ko sa phone. January 18 2018 7 pm.
After namin kumain, sabay na kami pumunta ng trabaho. Eto nanaman ako masaya nnaman dahil sa knya.
Pero mas masaya si Missy. Abot tenga ang ngiti nya ng puntahan kami sa smoking area.
"Kayo na ba?" Usisa nya
"G**a, manliligaw daw sya"
"Pinayagan mo?"
"Bahala sya sa buhay nya sabi ko. Saglit nga. Iniwan mo ko sa Eggys kanina at dumating sya. Mag ka kuntsaba kayo no?" Pagtatakang tanong ko
"Sira, hindi no. Nakita ko sya sa labas ng Eggys, pinapasok ko. Alangan dun ako mag stay habang mag kausap kayo" Paliwanag nya.
"Magulo pa isip ko Missy, dko pa alam. Pero kanina pumunta sya sa apartment may dalang white rose at pagkain."
Nagulat ako sa tili ng kaibigan ko "Oh gosh! bakit white rose?" Pagtatakang tanong nya. "Purity? Virigin ka pa ba?" Hahahahaha natatawang tanong neto.
"Sapakin kita dyan. Tara na" Aya ko at pinatay na ang y*si.
At tulad kahapon, the same routine. same thing. After 9 hours of shift makakauwi na ako. 3 shifts nalang at day off na. Hinatid pa din ako ni Marc sa apartment, at nung papasok same routine, may dala food and sabay kami pumasok.
After 2 weeks na ganon balik balik ang ginagawa namin. Niyaya ako ni Marc sa pangasinan.
At dahil kaladkarin ako, sumama ako.
Pag ka out ng Friday, bumyahe na kami. Motor lang din gamit namin, after more than 4 hours, nasa bolinao na kami.