SHEN “Don’t cry, baby. I’m sorry, I’m sorry hindi dapat kita hinahalikan,” sabi niya sa akin na para bang natataranta siya sa pag-iyak ko. Pinunasan rin niya ang luha ko pero mas lalo lang akong naiyak. “Wilzan, ano ba ang parusa kapag minahal kita?” lakas loob na tanong ko sa kanya. “Parusa?” tanong niya sa akin na para bang nagtataka siya. “Oo, parusa. Ano ba ang parusa kapag minahal kita?” tanong ko sa kanya. “Kapag minahal mo ako ay—” “Ay ano?” tanong ko sa kanya dahil hindi na ako makapaghintay sa sagot niya sa akin. “Ay hindi ko rin alam ang ibibigay kong parusa sa ‘yo. Siguro saka na lang kapag nangyari na. Sa ngayon ay nandito tayong dalawa, nagtutulungan.” sagot niya sa akin. “Tama ka,” sagot ko sa kanya. “Huwag ka ng umiyak. Hindi mo naman kailangan na umiyak,” sabi niya

