SHEN “We need to go, Jessa. Excuse us, late na kami sa trabaho namin,” sabi ng asawa ko at hinila na niya ako. “Bye, sissy.” pang-aasar ko kay Jessa. Halatang inis na inis siya sa akin. Pero ngumiti lang ako sa kanya para mas lalo pa siyang asarin. Wala ako time para maging mabait sa katulad niya. Hindi na kasi ako magpapa-api lalo na ang gwapo ng kakampi ko. Kung noong masungit pa itong lalaking ito ay gentleman na, mas lalo na ngayon na mabait na siya sa akin. Habang nasa daan kami ay hawak na naman niya ang kamay ko. “Breakfast muna tayo, wifey. Nagugutom na kasi ako,” sabi niya sa akin. “Okay, pero late na naman tayo. ‘Wag mong bawasan ang sweldo ko ha,” pabiro na sabi ko sa kanya. “Gusto mo dagdagan ko pa,” nakangiti na sagot niya sa akin kaya napangiti ako. “Ilan po ba ang in

