SHEN “Dito ako matutulog. Tinatamad na akong magdrive, pagod na ako.” sabi niya sa akin. Kaming dalawa? Dito? Anong gagawin ko? Papayagan ko ba siya? Iniisip ko pa lang ay tumatayo na ang balahibo ko. Kaya ko ba talagang makasama matulog ang lalaking ito? Mapagkakatiwalaan ba siya? Paano kung may bigla siyang gawin sa akin? Hindi naman sa choosy ako pero kasi hindi naman niya ako naalala kaya hindi niya alam na may nangyari na sa amin noon. Ayaw ko lang talaga na malaman pa niya dahil baka alisin niya ako sa trabaho. Hindi rin naman ako takot na mawalan ng trabaho pero kasi mas okay na magtiyaga muna ako sa trabaho ko bilang secretary niya. Puwede ko rin naman gawin ang hilig ko pero ngayon ay mas priority ko ang maging regular employee na may inaasahan na sahod every month. Hindi rin

