SHEN “I’m home,” nakangiti pa na sabi ko pero bigla na lang nawala ang maganda kong ngiti dahil sa bumungad sa akin. Ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Tanong ko sa sarili ko. “Why are you here?” tanong sa akin ni Wilzan na nandito rin nakakunot pa ang noo niya na para bang hindi niya alam na ito ang pamilya ko “Hi, Sir.” nakangiti na bati ko sa kanya. “I’m asking you, why are you here?” tanong niya ulit sa akin. “I’m here beca–” “Dito kasi nakatira ang mama niya. Katulong namin ang mommy niya,” si Jessa mismo ang nagsabi. Ang galing talaga ng bruha na ito na gumawa ng kwento. “Pero tinanong kita kung kilala mo siya pe–” “Hindi naman kami close. Minsan talaga umuuwi siya dito dahil–” Umupo na ako sa mesa kaya nasa akin ang atensyon nilang lahat. Hindi ko sila pinansin. Naglag

