MY SAVIOR, MY HEARTBREAK
Chapter 1
Tanga sa Pag-ibig
“Ella, ikaw na naman?”
Napatingin ako kay Cathy na nakakunot-noo habang nakatingin sa cellphone ko.
“Ano na naman?”
“Kanina ka pa nakangiti diyan.”
“Wala.”
“Wala?” Umupo si Jessa sa tabi ko at sumilip sa screen. “Ay, si him.”
Agad kong pinatay ang screen ng cellphone ko.
“Hoy!”
Nagtawanan silang dalawa.
“Grabe kayo. Privacy ko 'to.”
“Privacy?” Cathy raised an eyebrow. “Eh bakit naka-smile ka na parang nanalo sa raffle?”
“May message lang.”
“Message?” Jessa snorted. “Ilang words?”
Napatingin ako sa screen.
Him: Good morning.
“Two words.”
Napatakip ng mukha si Cathy.
“Lord, dalawang salita lang, kinikilig na.”
“Hindi naman!”
“Ella,” Jessa said seriously, “six months na kayong nag-uusap.”
“So?”
“So… ano kayo?”
Napaisip ako.
“Hindi ko alam.”
“HA?”
Napatawa ako.
“Basta okay kami.”
“Okay?” Cathy repeated. “Girl, may relationship status ba kayong 'okay'?”
“Complicated.”
“Ang complicated lang dito ay utak mo.”
“Cathy!”
Nagtawanan ulit kami.
Pero maya-maya, napansin kong biglang tumahimik si Cathy.
She looked at me carefully.
“Ella, seriously.”
“Hm?”
“Masaya ka ba talaga?”
Nawala ang ngiti ko.
“Yeah.”
“Sure?”
Tumango ako.
“Sure.”
Hindi na siya nagsalita.
Instead, inabot niya ang kamay ko.
“Okay. Basta tandaan mo… kahit gaano mo siya kamahal, huwag mong kakalimutang mahalin sarili mo.”
Napangiti ako.
“Ang serious mo naman.”
“Serious talaga. Kasi kapag umiiyak ka ulit dahil sa lalaki, hindi kita yayakapin.”
“Bakit?”
“Papaliguan kita ng malamig na tubig.”
“Gaga!”
Tumawa kami.
Hindi ko alam na iyon na pala ang huling normal na araw ko.
Dahil nang gabing iyon…
May mangyayari na tuluyang magbabago sa buhay ko.
11:47 P.M.
Tahimik ang kalsada.
Masyado.
Hinila ko nang kaunti ang jacket ko habang naglalakad pauwi.
Late na akong nakauwi dahil pinilit nina Cathy at Jessa na kumain muna kami bago umuwi.
Next time, hindi na talaga ako sasama.
Kinuha ko ang cellphone ko.
Wala pa ring message.
Napairap ako.
“Busy daw.”
Biglang may narinig akong yabag sa likod ko.
Huminto ako.
Tumigil din ang tunog.
Napalingon ako.
Wala.
Napabuntong-hininga ako.
“Kinakabahan lang ako.”
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pero ilang segundo lang ang lumipas—
May kamay na biglang tumakip sa bibig ko.
Nanlaki ang mga mata ko.
“Hmm!”
Pumiglas ako.
Sinubukan kong sumigaw pero walang lumabas na boses.
May isa pang taong humawak sa braso ko.
“Bilis!”
“Bitawan n'yo ako!”
Nagpumiglas ako nang buong lakas.
Pero mas malakas sila.
Nagsimula nang bumilis ang t***k ng puso ko.
Hindi.
Please.
Hindi ngayon.
At bago pa nila ako tuluyang maihatak papunta sa isang madilim na sasakyan—
Isang malakas na boses ang umalingawngaw.
“BITAWAN N'YO SIYA!”
Napalingon ang dalawang lalaki.
May isang lalaking nakatayo ilang metro mula sa amin.
Tall.
Broad shoulders.
At kahit madilim ang paligid, kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.
Isa sa mga lalaki ang sumugod sa kanya.
Pero mabilis siyang umiwas.
Isang suntok.
Isa pang suntok.
At bumagsak ang lalaki.
Napatigil ako.
The other man ran.
Tumakbo ang lalaki papunta sa akin.
“Are you okay?”
Hindi ako makasagot.
Nanginginig ang buong katawan ko.
Lumuhod siya sa harap ko.
“Hey.”
His voice softened.
“It's okay. You're safe now.”
Napatingin ako sa kanya.
At sa unang pagkakataon, nakita ko nang malinaw ang mukha ng taong hindi ko alam na magiging pinakamahalagang tao sa buhay ko.
“What's your name?”
Hindi ako agad nakasagot.
“Ella…”
“Ella?”
Tumango ako.
He looked at me for a moment.
Then he said—
“I'm Zyden.”