chapter one

1230 Words
Eunice "Tay kailangan ba talaga na pumunta kayo dun?" Nakasmangot kong tanong sa aking ama na patuloy sa pageempake ng kanyang bagahe . "Oo anak" "Wag kana lang pumunta kasi" pagpupumilit ko pa magbababyhe kasi ito patungong Batangas " Nak huling pagsilay ko na lang Kay pareng Imong yun...alam mo namang yun ang dumamay sa akin nung mga panahong lugmol na lugmok ako." Matalik na kaibigan ni tatay ang kanyang pupuntahan madalas nya kasi itong mabanggit sa akin.Ito daw ang naging alalay nya nung mga panahong iniwan kami ni nanay. "Okay! ....pero 3 days ka lang dun huh..mamimiss agad kasi kita" Sabi ko pa tumayo pa ako at lumapit sa kanya para umakap. Iniangat ko pa ang kamay ko sa medyo namumuti na nyang buhok .Matangkad si tatay pero di sya katabaan tama lang namana ko ata ito sa kanya na kahit malakas kumain ay di tumataba.. Pinaningkitan nya ako ng mata. Tuwang tuwa Ako pag ginagawa nya yun feeling ko ay bumabata ang itsura nya.Buti na lang at namana ko talaga ang looks ko kay nanay pero pogi naman ang tatay ko..basta pogi sya. Madalas kong tingnan Ang litrato ni nanay kaya masasabi kong sa kanya ko nakuha ang mukha ko. Lagi nga akong kinukuha na mama Mary tuwing magpapasko.Kaya andami laging galit sakin .Di daw kasi Bagay sakin kasi maldita ako.I have an angelic face with demonyitang ugali daw, kaya inis na inis sila sakin. "Madali lang talaga Ako anak paglibing nun eh bababyahe na ako pabalik dito" "Sige Tay! Ingat kana lang sa byahe" Umupo na kami at ako pa ang nagpasok ng ibang damit ni tatay .Hinanda ko na din ang toothbrush at suklay nya.Siguro kung Ako ang aalis kahit 3 days lang ako baka isang maleta ang dala ko si tatay kasi ay isang backpack lang.. "Maglock ka lagi ng pinto at wag ka nang gumala" " Opo Tay magtetext Ako Basta paloadan mo Ako ng unli" hirit ko pa baka lang makalusot. " Abay kakapaload mo lang kahapon ah'' '' Di ko kasi namalayan na di na pala Ako unli,di pa kasi ako nag unli kasi Akala ko unlimited text pa ako kaso Ayun nabawasan na..di na pwede mag unli'' "Ay sus! Ito oh" at inabot sa akin ang limang daan halos magtwinkle twinkle ang mata ko pag kaabot sa akin nito madali ko pang inilagay sa bulsa na short ko "Tipirin mo Yan Hanggang sa makabalik Ako,apat na araw din akong wala pasada kaya baka kapusin Tayo" Ani papa sabay sukbit ng bag sa kanyang balikat. Hinatid ko na lang sya sa pinto ng aming Bahay.Tama namang may pumarang tricycle kaya agad syang nakasakay "Ingat Tay!"sigaw ko at mabilis ding pumasok sa loob ng Bahay. Pangalawang araw ng wala si tatay.At magulo na Ang Bahay tambak na Ang hugasin.Aminado ako sa Sarili Kong tamad Ako haha.Madalas ay si tatay ang nagaasikaso sa Bahay.Kahit na Tama Tama lang ang kita ni tatay sa pamamasada ng jeep eh tinuturing nya akong prinsesa Sa edad ko kasing katorse ay wala pa akong alam na gawaing Bahay.Marunong Naman Ako magluto ng kanin sa rice cooker.Kaya ngayong wala si tatay ay madalas na lutong ulam ni Manang Bebe ang kinakain ko. "Tao po! Eunice! Lumabas ka dyan! Magbayad ka ng utang! " Eskandalosang sigaw ni Pamu Mula sa pinto. Kaagad akong tumayo at pinagbuksan ang Gaga,bwisit na babaeng ito nakakahiya . Tatawa tawa pa itong pumasok sa Bahay namin ,alam kasi ni Pamu Ang mga chismakers dito sa amin.Madalas kaming dalawa Ang pulutan sa chikahan nila. "Ang aga mo naman''usisa ko agad sa kanya madalas kasi ay hapon na ito nakakapunta dito sa Amin.Kabilang iskinita lang Naman ang sa kanila kaya madalas din ito dito. "Nag away na Naman sina tita!...at Ako na Naman ang masama!" Nanggagalaiti nyang sagot. Nakikitira lang ito sa kanyang tiyahin.Lolo at Lola na lang din ang nagpalaki sa kanya di rin Naman sya palakwento about sa parents nya.. "Eh masama ka Naman talaga!" Nakangisi Kong sagot habang sinisimulan Kong hugasan Ang mga Plato,Mukha kasing mahabang kwentuhan Ang magaganap. "Eh kasi ako na Naman ang Nakita ng maldita nyang anak'' "Hayaan muna! Alam mo naman na nakikititira ka lang kaya pagpasensyahan muna..pag ka umalis kana Jan ..pagtulungan na natin yan..!" "Naku makahanap lang ako ng matitirhan eh...''nalulungkot na saad nya.tinulungan na rin akong magbanlaw ng mga hugasin sa wakas napakinabangan din "Gusto mo dito kana lang! "Bigla syang napabaling sakin "Kaso katabi mo si tatay ! Haha!" Natatawa Kong asar sa kanya "Sira ka talaga! "Sagot nya sa akin at tinawanan na ako . "Speaking of Tito Lander .....kelan Ang dating nya? Tanong nito sakin .Tapos na kaming maghugas ng plato nag aabang na kami ng palabas sa chanel 2 tuwing Saturday ISWAK o It started with a kiss... Nagbukas pa sya ng pop corn para mas feel daw namin Ang panonood . "Bukas ....para maihatid nya Ako sa lunes sa School.." sagot ko sa kanya habang ang mga mata Koy tutok na tutok Kay Michael at Jennie ..Grabe ang kilig ko dito. Sabay pa kaming napasigaw ng biglang halikan ni Michael si Jennie.Hindi na maawat Ang kahahampas sakin ni PAmu. "Parang ansarap Naman ng Kiss" nakatutok sa tv na Sabi nya . "Magtigil ka nga! Malandi lang Tayo pero di Tayo pakarat Noh!'' "Grabe pakarat agad Diba pwede tikim tikim muna " "Naku Pamu kapag nabuntis ka ng maaga para mo na ring pinatunayan Ang mga chismakers nating kabrgy" Madalas kasi yan ang sinasabi nila samin ni Pamu na maagang mabubuntis puro daw kasi lalaki Ang Kasama namin hinahayaan na lng namin alam Naman namin Ang ginagawa namin.May mga tao talaga na kahit Anong paliwanag mo eh sarado na Ang isip. Magagabi na din ng nakaalis si Pamu sa Amin kung di pa sya tinext ng pinsan nya ay wala pang balak umalis Nakahiga na Ako ng mag beep Ang cellphone ko Tatay Nak nasa byahe Nako. Ako Cxigue Tay yngat ka:) Tatay Ok Mabilis Kong pinatay Ang cp ko at natulog Mamayang madaling araw Ang dating sigurado ni tatay.. Mahihinang katok Ang gumising sakin.Mabilis akong bumangon at dumiretso sa pinto "Eunice! Nak!" Marahang katok ni tatay "Sandali tay" excited Kong Sabi at binuksan na Ang pinto mahigpit na yakap Ang sinalubong ko Kay tatay namiss ko talaga kahit tatlong araw lang kmi Hindi nagkasama ngunit Ang pumukaw sa aking pag yakap ay ang dalawang mata nakamasid sa akin.Napakunot Ang nuo ko ng mamasdan Ang isang pigura sa aking likod matiim lang syang nakatitig sa akin na may tipid na ngiti "Tay"?? Tanong ko matapos umalis pagkakayakap Kay tatay.Maligaya nang pumasok Ang aking ama at Nakasunod Ang Matangkad at patpating lalaki.Nakasuot ito ng puting tshirt at kupasing maong na pantalon "Nak si Lukas nga pala" pakilala ni tatay sa Kasama nya.Magkaharap na kmi ngayong nakaupo sa lamesa kaya kitang kita ko na Ang Mukha nito ng masinagan ng liwanag.Masasabi Kong napakagwapo nito Bagay na Bagay Ang matangos na ilong nito sa Mukha .tipid itong ngumiti kaya lumabas Ang dimple sa magkabilang pisngi kung di nga lang ito payat baka maging model ito tiyak pagkakaguluhan ito dito samin "Bakit Kasama mo sya Tay? Balik tanong ko na nakakunot Ang noo "Nak.......dito na sya titira.." nakangiting sagot sakin ni tatay. Ako namay namay napanganga sa sinabi ni tatay nakakunot Ang aking noo at may talim Ang aking mata ng muli Kong tiningnan Ang patpating lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD