chapter two

1383 Words
Eunice Nakasimangot Kong tiningnan Ang aking ama.Maliit lang aming inuupahang Bahay may dalawa lang itong kwarto isa sa akin at Kay tatay. "San naman sya tutulog?" tanong ko mababakas sa aking boses ang inis. "Sa Ngayon ay tabi muna kami,malaki Naman ang kwarto ko tsaka madalas Naman akong wala" sagot sa akin ni tatay Nakatingin lang sa akin ang patpating lalaki.Makikita sa kanyang mga mata na naiilang sya.Masama ko pa syang tiningnan. "Tay di Ako sanay na may ibang kasama sa Bahay" nakasimangot kung tugon "Maghahanap po Ako ng trabaho... Pagnakahanap po Ako... maghahanap po Ako ng matitirhan " singit ng lalaki very manly Ang boses nya.Napatigil Ako at tiningnan sya agad naman syang nag Iwas ng paningin "Nak dito na lang sya..Ay grabe ang dinanas nitong batang ito dun, kitang kita kung pano sya kutyain ng mga Kapatid ni Imong!....abay ayaw kopkupin at di daw nila tunay na kamag anak..'' Nilapitan ako ni tatay.Nanatili lang akong nakatingin sa patpating lalaki nakatungo ito marahil ay nahihiya. "Kaya nak..dito na lang Siya,mabait na bata yan...di na yan iba sa atin tsaka ayaw mo nun may kuya ka na" nakangiti pang Sabi ni tatay. "Di ko sya Kapatid!"may agsik Kong tugon Kay tatay. Natatawa si tatay sa sinabi ko marahil ay ramdam ni tatay na ayaw Kong pumayag na dito tumira Ang lalaki.Subalit alam ko Naman na di Ako titigilan ni tatay hanggat di Ako pumapayag . "Okay! Basta pag nagkawork ka na lipat kana huh" Sabi ko na lang saka mabilis na pumasok sa kwato. Naririnig ko pa ang pag aayos nila ng gamit sa kwarto ni tatay maliit lang Naman ito pero kasya sa dalawang tao.Maliit lang Naman na tokador na naglalaman ng mga damit ni tatay ang laman nun kaya sigurado akong magkakasya sila.Wala din namang dalang gamit Ang patpating lalaki bukod sa Sarili nya isang bag lang na nakasukbit sa likod Ang Dala nya. Maliwanag na nang magising Ako deretso Ako sa banyo para maghilamos ngunit nakasara ito.Naririnig ko ang lagaslas ng gripo sa Cr tiyak kong naliligo Ang tao sa loob. "Tay! " Nagmamadali Kong katok sa pinto "Matagal kapa? Naiihi na talaga Ako..." Tatlong katok pa ang ginawa ko at biglang bumukas Ang pinto .Tumutulong tubig sa Mukha ng patpating lalaki Ang nabungaran ko .Nabasa na Ang suot nyang damit siguro'y dahil sa pagmamadaliy di na nagawang punasan Ang sarili.Dali dali syang tumabi upang makapasok Ako. "Ang tagal mo huh!"angil Kong Sabi sa kanya bago ko sinara Ang pinto "Kakapasok ko lang....."narinig Kong sagot nya . Nakahanda na Ang lamesa ng lumabas Ako Mula sa banyo ,naligo na rin Ako para sa aking pagpasok. "Naku salamat Lukas !..magaling ka palang magluto ." Nagagalak na Sabi ni tatay at sumandok na ng adobo at kanin .. "Anak!Halika na at kumain.."Alok sa akin ni papa Tatayo na sana si tatay para ipaghain Ako ng si Lukas na Ang naghanda ng pagkain ko ito na rin Ang naglagay ng kanin at ulam ko . "Ay upo kana Lukas!.. sumabay kana sa Amin .."Alok ni tatay Kay Lukas na nakatayo lang malapit sa Amin. "Mamaya na po Ako pagkatapos nyo." mabilis na tugon nito.Nakatingin sya sa kinakain ko at may konting ngiti sya labi ng makitang halos makalahati ko agad Ang inihain nya sa akin. "Lukas hindi ka katulong dito...kaya sumabay kana.." Mabilis namang kumuha ng pinggan si Lukas.Nanatili akong nakayuko at kumakain.Infairness masarap talaga sya magluto.Tahimik lang din ito kumakain.Nilagyan pa nya Ako ng isang basong tubig sa aking tabi. "Lukas kaw na muna Ang bahala dito sa Bahay " Sabi ni tatay ..nagaasikaso na sya at Mamasada na. " Ay ito ba Ang baon ko.?" Tanong ni tatay Kay Lukas .kapit nito Ang isang Tupperware at sa kabila Naman ay tubig . "Oh ginawan mo din pala si Eunice,salamat Lukas maasahan ka talaga." Nagmamadali Kong kinuha Ang aking baon.Hinabol ko pa si tatay para sumakay at maihatid Ako sa eskwelahan dalawang buwan na lang din Naman at magbabakasyon na kaya konti na lang Dala Kong gamit. Nagkakagulo Kong mga classmate Ang bumungad sakin ,kanya kanya sila ng trip sa Buhay.Mabilis Kong pinuntahan si Pamu na nagbabasa ng libro pero alam Kong Pocket book Ang nasa nakaipit sa pahina nito. "Pamu !??" Kalabit ko dito at saka ko binaba Ang Dala Kong body bag sa katabi Kong upuan. "Bakit??."tanong nito. "wag ka magulo dyan ..patapos na Ako dito ,palitan Tayo." bahagya lang ako nitong tinapunan ng tingin at mabilis na ibalik sa binabasa nya. Inayos ko na lang akong buhok para Hindi sya abalahin.Muling nagkaingay ng dumating ang grupo nina Greg may Dala itong gitara ,Kasama nito si Tim at Kiko. "Greggy !" Tawag ko rito .mabilis naman akong nilapitan nitong may ngisi sa mga labi gwapo din Naman kasi itong isang to .Bad boy looks pero Sabi nila bad boy daw talaga Kilala Ang pamilya nila sa bayang ito.Madalas syang masangkot sa mga gulo sa loob man o sa labas ng eskwelahan. " Oh Anong satin Eunice?! May bente pa ako Sayo " nangmakalapit ay agad ko syang binatukan.Magkaibigan kami simula 1st year pa,isa sya sa pinaka close Kong lalaki kaya Minsan madalas kaming ipareha sa isat isa. ''akala ko ba libre mo Yun?" "Wala ng libre Ngayon!.." madaling Sabi nya pinitik nya pa Ang noo ko Kaya Naman hinabol ko sya nagkanda Kanda bangga bangga na Ako sa upuan para lang mahabol Ang lalaki. "Letse ka talaga ang sakit huh''! Sakto namang dumating na Ang aming guro kaya dali dali naming inayos Ang nagulong upuan ,pinulot ko na rin Ang bumagsak Kong bag na natabig kanina kakahabol ko Kay Greggy Madaming tinuro si ma'am Lyra isa ito sa mga ayaw Kong guro pagkatapos kasi nito magturo ay kaagad na nagbibigay ng short quizz. "Get 1/4 sheet of paper'' si ma'am na agad binura Ang nasa blackboard. Ako namay agad na binuksan Ang bag para kumuha ng papel .Malangis na papel papel Ang nadampot ko ..Nagmamantika Ang mga gamit ko sa loob ng bag .Ang aking pouch na lalagyan ko ng aking pampaganda ay nagkaroon na rin ng mantsa. "Pucha Naman oh!'' bulong ko inis na inis Ako Kay Lukas mukhang hindi mabuti Ang pagkakatakip nya sa baon ko .Mabilis Kong kinalabit si Greg na namimigay ng papel isa Ako sa humingi sa kanya buti di nagrereklamo ito sya kasi ang hingian ng mga classmate ko pag may pa quizz Ang aming guro. Maayos na natapos Ang pa quizz ni ma'am.Dala ko pa din ang inis lalo na ng mag lulunch na.Bumili na lang ako ng ulam at pinagtyagaan Ang kanin sa baon ko.Natapos Ang maghapon ko sa School na mainit Ang ulo ko mukhang nakakaramdam din Naman si Pamu kaya di rin nakikisabay. Isang malakas nakatok lang at agad akong pinagbuksan ni Lukas mukhang nagulat pa at salubong Ang aking kilay di rin maayos Ang pagkakabitbit ko sa bag ko. "Alam mo ba Ang nangyari sa gamit ko!? " Asik ko sa kanya.nagtataka nya akong binalingan. Tinapon ko sa kanya Ang bag ko.Nagulat naman sya pero agad nyang nasalo. "Wag kang makikialam....pati pag gawa ng baon kinakareer mo,Bida Bida ka Kay tatay!....... "Nakikita mo ba Yan!?" Sabay turo ko sa hawak nyang bag.Tiningnan nya Naman ito at muling inangat sa akin ang paningin Makikita sa mga mata nya Ang takot.. "Pasensya na...lalabhan ko na lang..." Mabilis nyang Sabi ..maingat nyang nilabas Ang mga gamit sa loob ng bag. "Bahala ka!" Mabilis ko syang tinalikuran at pumasok na sa kwarto Ilang linggo na Ang lumipas simula ng mangyari Yun di na rin nangingialam si Lukas sa baon ko pero Siya parin Ang nagluluto ..Kapag Ako namay nasa Sala madalas ay nasa loob sya ng kwarto.Hindi rin kami naguusap .Sa loob ng ilang linggong madalas siyang isama ni tatay sa pamamasada.Kilala na rin agad sya dito sa Amin .Marami akong naririnig na nagpapacute sa kanya.Madalas ay may naririnig akong kausap sya sa cellophone sa kwarto. Linggo na at sabay sabay kami nag uumagahan rest day daw ni tatay.Nanakit daw ang kanyang buong katawan "Tito magtratrabaho po Ako dyan Kay Manang Bebe Taga hugas at serbidor po" paalam nito Kay tatay . "Baka mag stay in po Ako dun." Sabi nito habang patuloy na kumakain.Ako namay tahimik lang. Si tatay ay biglang natigilan.Mukhang di na namin matitikman Ang masarap na luto ni Lukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD