Chapter five

1282 Words
Eunice Pagkarating ko sa eskwelahan ay agad Kong hinanap si Pamu.Balak kong mangopya, malaki ang ngiti ko ng agad ko syang nakita. "Pakopya ako..." Sabi ko sa kanya agad akong tumabi sa kanya at hinalungkat ang aking bag,inilabas ko na din ang work book ko. '' Ngayon pa lang ako gagawa!....may bwisita si tita.....di ako makabwelo". Sabay naming ginawa ang aming assignment. Basta kopya lang ako ng kopya. Nakisali na rin si Greg,wala din daw syang assignment.Wala pang balak pakopyahin ang gago kaya lang ay nakakaawa.Medyo mahigpit kasi ang aming teacher sa subject na ito. Ayon sa mga higher year nagpapahiya talaga ito ng estyudante.Bigla naman akong kinabahan ng malaman ko iyon. Naging tahimik ng dumating si Ms Arguelles ito ang aming teacher sa math. Matandang dalaga na ito at ayon nga sa iba ay ubod ito ng sungit. "Okay class pass your assignment?" Si mam Arguelles na agad na naupo sa unahan . Agad naman naming pinasa ang aming mga work book. "Okay!" Si Ma'am at agad sinulat Ang mga numbers sa board. "So....." Ani ma'am at isa isang tiningnan Ang workbook Bahagya akong kinabahan dito.Natapos ko itong sagutan pero Hindi ko alam kung papaano nakuha ang sagot .Panay na ang dalangin ko na hindi ako matawag. "Miss Arboleda! " nakangiting Sabi ni ma'am. Hindi ko alam kung pano Ako ngingiting pabalik Kay ma'am.Agad nyang inabot sa akin ang chalkboard. Nakakunot Ang noo ng lingunin ako ni Ma'am.Yumuko sya para tingnan Ang aking work book. "Miss Arboleda?..... your answer in your assignment is correct........" Si ma'am Natigilan Ako ng sinabi niya Yun. Bahagya akong tumungo para itago ang aking Mukha. Maiingay na estudyante Ang pumukaw sa amin.Madadaanan kasi Ang aming room Bago makarating sa laboratory.At isa Ang klase Nina Lukas nagagamit Nito Ngayon. "Copying is not allowed in my subject!" Si ma'am Halos mangamatis Ang Mukha ko ng sabay sabay na lumingon Ang mga nasa labas na estudyante sa akin. May ibang nagbulungan pa at kinalabit pa Ang lalaki sa unahan. Sa lakas ng boses ni Ma'am, narinig Hanggang labas Kaya Ang ibang dumaraan ay napapalingon sa Amin. "Go back to your seat now!"masungit na Sabi ni ma'am sa akin. "Anyone?.. " May isang kaklase Ako na tumaas Ang kamay.Binigay Naman agad ni ma'am chalk para ipagpatuloy nito Ang pagsagot . Mabilis naman akong umupo.Kinalabit agad Ako ni Greg. Nanglingunin ko sya'y tuptop pa nito ang kamay sa bibig halatang nagpipigil ng tawa. Bago matapos si ma'am Arguelles ay may pahabol pa ito."Ms Arboleda in my office" Bahagya lang akong tumango.Tahimik lang din ako sa mga sunod na subject balak kong after lunch pumunta sa office ni Ma'am.Ikakain ko muna ito para naman may energy Ako sa sermon ni ma'am. Nang matapos ang lunch ay agad akong pumunta sa faculty sinamahan din ako ni Pamu.Nang malapit na kami sa faculty ay agad kaming hinarang ni Greg.Kasama daw Naman sya sa mga komopya kaya sumama na din sa amin.Agad ko namang nakita ang table ni Ma'am .Sina Greg at Pamu ay nasa labas lang ng silid. "Good afternoon noon Ma'am" bati ko sa guro. Agad naman nyang binitiwan ang ginagawa mukhang nagccheck ng mga work book si Ma'am. "Miss Arboleda'' bati nya sa akin. "I don't want to happen again....." "Yes ma'am " nakatungo kong Sabi . Nasa kalagitnaan si Ma'am ng pangaral sa akin ng biglang may kumatok sabay kaming napalingon ni Ma'am.Isang nakangiting Lukas ang nabungaran namin. "Ma'am......." Agad na bati ni Lukas kipkip nya sa kabilang bisig ang isang libro .Mabilis akong umirap sa kanya ng magtagpo ang aming mga mata. "Ma'am tatanong ko lang po kung Hanggang saan ang sasagutan? " Binuklat pa nito ang dalang libro . "nasa Cr po kasi ako kanina...wala din pong nakasagot ng maayos sakin,. nalilito po sila kung sasagutan pa po ito?" Ani Lukas at tinuro pa ang isang pahina.Nanatili lang akong nakatingin sa kanila ni Ma'am si Lukas ay pasimpleng sumulyap sa akin agad itong mapansin ni Ma'am kaya Muli'y binalingan nya ako."Sige na ..Miss Arboleda...you may leave!...but next time don't do that again ....and be ready,tatawagin ulit kita " "Okay po ma'am" nakatungong sagot ko.Mabilis akong umalis.Naabutan Kong nakasimangot si Pamu sa labas ng pinto.Nang tanungin ko sya kung nasaan si Greg.Iniwan daw sya nito matapos makita ang kakilala,nagpasama daw kasi Ang babae sa library. "Antagal mo dun"nakasimangot na Sabi ni Pamu.Andito na kami Ngayon sa classroom buti nga at umabot pa kami sa first period Akala ko eh aabutin kami nga hapon ni Ma'am. "Hay naku!.....wag mo ng ipaalala ." Mabilis Kong tugon. binuklat ko ang pouch ko at mabilis akong naglagay ng pulbo ng Makita ako ni Pamu agad nyang sinahod Ang kanyang kamay para humingi.Nagretouch na kaming pareho.Mabilis na pahid pa ng lipgloss sa aking labi bago ko tinabi Ang aking pouch. Last period na ng ako'y makahinga ng maayos. Tatlong subject kami sa hapon. May short quizz Ang dalawang nauna kaya pakiramdam ko gamit na gamit Ang utak ko. "Parang ang sarap naman ng lugaw ngayon!" Si Pamu "Tara lugaw tayo." Yaya ko sa kanya Kasalukuyan kaming nasa flag ceremony ngayon.Matatangkad kami kaya nasa huli kami ni Pamu . "Ang gwapo talaga ni Julian'' Ani Pamu. Itutupi na kasi ang watawat at isa si Julian sa tatlong may hawak nito. "Oo nga ...." hagikhik kong sang ayon kay Pamu." May girlfriend na kaya yan? Ligawan ko kaya?" Agad akong kinurot ni Pamu.Mabilis kaming tumahimik ng mapansin ng isang officer na magulo kami sa pila. Mabilis kaming nakauwi ni Pamu.Agad akong nagpalit ng pambahay isang short at tshirt at may Mukha ni SpongeBob Ang aking sinuot.Nilabhan ko na din Ang aking uniporme.Tamang natapos na ako ng dumating si Pamu. "Kay Manang Bebe tayo huh!" Si Pamu matapos Kong pagbuksan ng pinto."Miss ko na ang lugaw dun tas lumpiang gulay". "Sige ........" Sabi ko at agad na sinara ang pinto. "Andun ba si Lukas ngayon?si Pamu "Hindi ko alam" "Ano ba yan magkasama kayo sa bahay di mo alam!" "Pakihanap ng paki ko dun! "Mataray kong sagot. Nakarating na kami at agad kaming nakahanap ng upuan.Mga ganitong oras kasi maraming tao sa karinderya ni Manang Bebe. "Parang wala pa si Lukas" palinga lingang sabi ni Pamu.Naghihintay na lang kami ng aming order. Mabilis kaming kumain ng makarating ang aming pagkain.Mabuti na lang at agad kaming nakahanap ng upuan may isang grupo ng mga kabataang babae ang dumating.Palinga linga ang mga ito.Agad na lumapit ang isa kay Manang Bebe. "Ay nagtext...di daw makakapasok ."rinig kong sabi ni Manang Bebe sa dalagita. "Ay wala si pogi!" Sabi ng isa sa mga dalagita ng dumating ang babae na nagtanong kay Manang Bebe "Andito naman ako.! " Mabilis na sabi ni Bentong isa sa mga cook ni Manang Bebe. "Naku! ...ang layo mo kay Lukas..."si Manang Bebe. Agad na nagtawanan ang mga kumakain.Kakamot kamot namang umalis si Bentong. Nang matapos ay agad kaming umalis ni Pamu.Niloloko pa ako at iba talaga daw ang hatak ni Lukas.Nilakad lang namin ang pauwi.Gusto pa sanang magtagal ni Pamu ngunit nagtext na ang tiyahin nya.Magpapaturo pa sana ako sa math kaya lang eh kelangan na daw nyang umuwi.Magagalit daw Ang tiyahin sa kanya kapag natagalan pa sya. Agad kong binuksan ang pinto ng makarating ako ng Bahay.Naabutan ko si Lukas na nakaupo sa sofa.Agad nyang pinatay ang tv ng umupo ako. "San ka galing?" Agad nyang tanong. Nanatili akong tahimik.Hindi sya pinapansin. "May subject pala si Ma'am Arguelles sa inyo bukas." Si Lukas Nakakunot ko syang binalingan ng tingin. "Nag absent ako.... "Ani Lukas. ''tuturuan kita... Nakita ko sa table ni ma'am schedule nya." Nakangiting Sabi ni Lukas.Mabilis nyang binuksan ang nakapatay na electric fan at itinutok sa akin. "Saan ka nahihirapan?" Sayo! Gusto kong sabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD