chapter four

1372 Words
Eunice Pasukan na naman.At gaya nga ng inaasahan ay tinuloy ni Lukas ang kanyang pag aaral sa aming eskwelahan.Fourth year High school na sya sa edad na 18,ayon kay tatay ay madalas na humihinto ito upang alagaan ang kanyang ama. "May bagong transfer sa fourth year!'' Sabi ng isang kaklase ko,kami pa rin naman ang magkakaklase at wala namang na idagdag sa Amin. "Ang pogi no?" Si Pamu sabay sulyap sa akin "Yung Lukas ba yun?'' tanong pa nito sabay ngisi sa akin.akoy namay inirapan lang sya "Sinong pogi!?....Ako ba??" Si Greg na kakarating lang nakangising tinuro pa ang sarili. "Hay naku!!!mahangin!" Nakairap na tugon ni Pamu mabilis na din itong lumipat ng upuan. Naglalakad ako patungong CR ng mapadaan ako sa room nina Lukas nasa pinaka dulong bahagi ito malapit sa may CR, kitang kita ko mula sa aking kinatatayuan ang paglapit ng ilang kakaklase dito. Nag iwas ako ng paningin ng ituro ako ng katabi nito. Maayos na natapos aming maghapon deretso ako sa pag uwi ko ng madatnan ko si tatay,nanonood ito ng tv sa Sala. " Ang aga mo Tay !" Bati ko dito at mabilis na hinubad ang sapatos. "Medyo masama pakiramdam ko'' sagot ni tatay sa akin malat ang kanyang boses at may paisa isang ubo. '' nagpapagod kasi kayo ...dapat di na kayo nagpapaabot ng gabi" "Naku madaming gastusin.....panay ang order mo ng Avon eh ..." Natatawang sabi ni tatay napasimangot naman ako dahil sa sinabi nito... "Bakit pa kasi kayo nagkupkop ng ibang tao Yan tuloy dagdag pa-" " Oh! Lukas andyan kana pala!" mabilis na sabi ni tatay,nilingon ko naman ang pinto at nakita ko ang seryosong mukha ni Lukas. "Kadarating ko lang po" nanatiling seryoso ang mukha nito.Pumasok ito sa kwarto pero ilang minuto lang ang inilagi nito. "Magtratrabaho ka pa rin ba?" Si tatay na nakatingin kay Lukas. "Opo .....Hanggang alas dyes lang naman po ako....." " Naku! Sabi ko naman sayo wag ka na mag Xtra dyan...." Iling iling na sabi ni tatay. "Sayang din po".....si Lukas matapos ay nag paalam na kay tatay. Ako nama'y tahimik lang sa isang tabi. Nakaupo ako sa aming sofa ng dumating si Lukas. Maingat na pumasok ito sa kwarto napagod ata ito dahil bahagya nitong minasahe Ang balikat.Kasalukuyan akong nanonood ng Princess Hours di ko mapigilang mapahagikhik sa mga eksena ni Janelle. Muling bumukas ang pinto ng kwarto dala na ni Lukas ang isang notebook. Nahihiya itong lumapit sa akin. "Okay lang ba sa kusina ako mag aral?" Tanong nito Bahagya lang akong tumango at pinagpatuloy ang panonood. Hindi ko sinasadyang lingunin si Lukas ng mapatili ako sa kilig ng halikan ni Prince Gian si Janelle.Agad naman itong nag iwas ng tingin at yumuko upang ipagpatuloy ang pag aaral ngunit nahagip ng aking paningin ang mumunting ngiti nito. Dumaan ang mga buwan na ganun ang aming naging sitwasyon,si Lukas na gigising ng maaga para mag handa ng pagkain namin, papasok sa eskwelahan,magtratrabaho at uuwi ito ng dis oras na ng gabi. Nasanay na din ako dahil ako ang naging tagabukas ng pinto nito.Okay lang naman sakin ganung oras din naman ang pinapanood. "Bat ngayon ka lang?" Masungit kong tanong kay Lukas "Nagpatulong pa si Cha sa assignment nya...." "Kasama ba yun sa trabaho mo? " Masungit kong sabi tinaasan ko pa sya ng kilay limang minuto bago mag alas onse ng sya ay dumating,nasanay ako na mas maaga pa sya dumadating dito. " Naki usap kasi si Manang Bebe ... Tanong nito ng mapansing nakapatay na ang tv. "tapos na Ang pinapanood mo?" " Kanina pa...'' Sabi ko at mabilis syang tinalikuran. Malalim na buntung hininga ang pumukaw sa akin. "Haaay ano kayang club ko? " Nakahalumbabang tanong ni Pamu ngayon kasi kami magpapasa kong san kaming club sasama . " Music club! ? ....Diba may boses ka naman ..." "Naku madaming sumali ngayon dun..tsaka andun si Gregory bwibwisitin lang ako nun..." Napagdesisyunan namin na mag theater club na lang kami wala kaming katalent talent kaya baka sa props na lang kami ilagay. "Anong club nyo?!" Kalabit sa akin ni Greg "Theater " mabilis Kong sagot "Huh Akala ko mag mumusic kayo!?" Nagtatakang tanong nito bahagya nitong tiningnan si Pamu na nakakunot ang noo sa amin "Pwede ba Gregoryo! "si Pamu. "Bakit?.. susundan mo si Eunice"? " Grabe ka naman!" Sagot nito "Hay naku Gregoryo kaya yun ang pinili namin nung nakaraan kasi nandun ang kapatid mo crush namin yun. Kinurot ko si Pamu ng sabihin niya iyon Kay Greg . Pero totoo naman yun. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto namin dun ay si Jullian , nakakatandang kapatid ni Greg . Hindi ko alam ang kwento ng buhay ni Greg basta ang alam ko nakakatandang kapatid nya ang nasa higher year at crush namin ni Pamu.Hindi ko din sila madalas makitang magkasama.Katulad din ni Greg sikat din ito sa School at magaling din ito kumanta bonus pa Ang pagiging pogi nito. "Talaga!??? " Ani Greg . "Oo!" Masungit na Sabi ni Pamu Hindi ko alam kung may silent war ang dalawa lagi ko kasing napapansin na laging naiinis si Pamu kay Greg .Mula ng maging kaklase namin Ang lalaki wala na itong ginawa kundi asarin ang huli. "Naku! baka si Eunice mapansin pa ...pero Ikaw!"???....sabay turo ni Greg kay Pamu na halatang nainis sa sinabi ni Greg.Sinabayan pa nito na nakakalokong ngisi.Maganda Naman si Pamu bilugan Ang kanyang mga mata na bumagay sa hugis puso nyang Mukha .Matangos din ang kanyang ilong. Tumahimik na kami ng dumating ang aming guro .Si Pamu ay nanatiling tahimik ngunit laging masama ang tingin Kay Greg. "Okay class! Please answer page 29-31 on your work book! That's your assignment.." Ano ba Yan! Isa Ako sa pinaka mahina sa math sa Amin.Kaya hangang hanga ako sa magagaling sa numbers ako kasi sa pera lang magaling. Maaga akong nakauwi ng bahay. Naabutan ko pa si Lukas na kakatapos lang mag laba. Maayos nyang sinampay ang aming uniporme. "Sa sunod ako na ang maglalaba ng akin."Sabi ko. "Sige" aniya. Mabilis itong pumasok ng kwarto at nagpalit.Mukhang papasok na ito ng trabaho . "A a"...... Bigla nya akong nilingon ng mapansing nakasunod ako sa kanya nakakunot at,seryoso ang mukha nito. "Bakit?" "Di ba magaling ka sa math !" Sabi ko at tinaasan sya ng kilay . ''hindi ko alam ..."sagot nya. Iniwas ko ang tingin ko .medyo nahihiya akong magpaturo pero wala namang ibang tutulong sa akin.Nabanggit sa akin ni tatay ang pagiging matalino nito. "May assignment ka? " Tanong nya bahagya akong tumango.Isang ngiti ang nasilayan ko sa kanya bago ginulo ang aking buhok. "Cute mo!..." Bahagya akong nagulat sa sinabi nya. Agad kong hinawi Ang kanyang kamay sa aking ulo at mabilis na inayos ang aking buhok. "Sige ..intayin mo ako mamaya ". Yun lang at nakangiti na itong lumabas. Ako namay naiwang nakatulala. Maayos kung inayos Ang work book ko na nakapatong sa table malapit sa sofa .Wala pa si Lukas kaya pumasok muna ako sa kwarto,naglagay din ako ng paborito kong pabango na inorder ko sa Avon. Panay na sng tingin ko sa orasang nakasabit sa aming dingding.Sinusubukan ko na ding magsolve ng problem pero di ko talaga magets kahit ginagaya ko na ang mga notes ko.Unti unti'y nakakaramdam na ako ng pagka inis sa aking sarili.Nagkalat na rin Ang mga papel ko sa lamesa .Pasado alas onse na nang pag buksan ko si tatay .Tinanong lang ako kung kumain na ba ako at mabilis na ding pumasok sa kwarto ,napagod daw sya sa buong maghapon pamamasada. Mahinang katok ang pumukaw sa akin inis akong tumayo at mabilis na binuksan ito. Pawisang Lukas ang nabungaran ko habol pa nito ang hininga ng makapasok sa pinto.Agad itong humarap sa akin . "Pasensya na...andaming tao tas biglang nagpatulong si Charity...." Ani Lukas na umiinom na ng tubig. Nanatili lang akong tahimik.Umupo na ako sa sofa at inuumpisahang iligpit ang mga papel na nagkalat. "Ahm... Nakagawa kana ba?....." Alanganing tanong niya. "Oo!" Mabilis kong sagot at padabog ko nang kinuha ang mga gamit ko . " Sorry .....nahirapan din kasi si Cha dun s-" "Okay na diba!? natapos na !....." putol ko sa sasabihin nito binigyan ko sya ng nakakatakot na irap bago tumalikod papasok sa aking silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD