Eunice
Hindi pumayag si tatay na mag stay in si Lukas mas maganda daw kung mag uwian na lang para may makasama daw kami.Umpisa na ng aming bakasyon kaya lagi lang akong nasa bahay, si tatay naman ay maagang umaalis.Si Lukas namay ganun din kaya lang ay umuuwi na sya sa hapon. Minsan ay dinadaanan sya ni tatay para sumama sa pamamasada. Ganun pa rin Ang Turingan namin ni Lukas para kaming hangin sa isat isa pagkaiba nga lang eh lagi ko sya sinisimangutan.
" Girl Ang pogi talaga ni Lukas!" Si Pamu,matapos makita si Lukas na kalalabas lang mula sa kwarto nakasuot ito ng jersey short at tshirt, bagong paligo din ito.
" Sang Banda?!......tunghay ko sa kanya at bahagya kong sinulyapan si Lukas.Malaki agad ang kanyang ipinagbago magtatatlong buwan pa lang mula ng dumating sya ay kitang kita na Ang pagbabago sa pisikal nyang anyo bahagya ng nagkalaman ang kanyang katawan.
"Girl ang daming nagkakagusto dyan.! balita ko eh yung anak ni Manang Bebe halos bakuran na yan "
" Baka syota Naman? "
" Ewan ko ..mas marami na ngayong kumakain dun simula ng magtrabaho sya dun " sagot ni Pamu halos lantaran na din itong nakatingin kay Lukas na nagtetext mukhang iniintay nito si tatay na magbusina sa labas para sumama ulit sa pamamasada.
Tipid na ngiti lang ang iniwan sa amin ni Lukas ni hindi man lang ito nagpaalam sa Amin.
" Talagang di ka kinakausap ni Lukas ah" usisa sa akin ni Pamu
" Mas okay!" balik kong sagot .Wala naman akong pakialan kahit hindi ako kausapin mas okay nga .
Maaga akong nagising kinabukasan balak naming mamasyal ni Pamu sa karatig bayan may katextmate kasi si Pamu at balak nyang makipag Eye Ball.Titingnan lang daw muna niya ang itsura.
Mabilis akong pumasok sa Cr.Nagsasabon na ako ng buong katawan at may shampoo na rin ang aking buhok na binababad ko lang.Nanlaki Ang aking mga mata ng may ipis na lumipad sa akin.Hindi na ako magkandaugaga sa paghila ng towel na nakasabit.Sobrang lakas yata ng sigaw ko na pati si Lukas ay napalabas ng kwarto.
''May ipis! ..
Dali dali Naman syang pumasok sa CR agad akong kumapit sa kanya ng lumipad muli ang ipis. Kaya ko namang Makakita ng ipis wag lang lumilipad .Hinubad nya Ang suot na tsinelas at agad pinukpok sa ipis.Mahigpit pa rin akong nakakapit sa kanyang braso habang ang isang kamay ko naman ay nakaipit sa towel ko..
"Wala na..." Ani Lukas napalunok ito ng mapasulyap sa akin agad naman itong nag iwas ng paningin.Pawis na pawis din ito mukhang natakot din sa ipis.
Bahagya ko syang tiningala medyo naiilang din ako sa pagkakadikit ng aming katawan.
"Ahhh !...". Nakapikit na sigaw ko tumulo na ang sabon mula sa ulo ko. At sobrang hapdi na rin ng mata ko. Mabilis Naman akong naipasok sa Cr ni Lukas, sya na din ang sumalok ng tubig sa timba para makapaghilamos ako ng mukha.
"Okay na yan..wala ng ipis .." nakaiwas na tingin na sabi sakin ni Lukas. Basa na ang suot nyang pang itaas na damit at namumula na ang kanyang leeg at tenga .Napasulyap pa sya sa akin ang kitang kita ko Ang sunod sunod nyang pag lunok.
"Okay! .." Sabi ko para itago ang hiya di ko din napigilan ang pag irap ng aking mata ng muli syang napasulyap sa akin.
Mabilis kong isinarado Ang pinto ng Cr at kitang kita Ang repleksyon ko sa salaming nakadikit sa pader.Halos mangamatis ang mukha ko ng mapansin ang aking itsura wala na sa ayos ang towel na nakapulupot sa akin, halos labas na din Ang aking dibdib. Sa laking bulas kong ito maraming di nag aakala sa edad ko..Maayos ng nakaporma Ang aking katawan bagamat di pa kalakihan ang aking dibdib di naman maitatangging nabiyayaan ako ng magandang hubog nito.
Nanonood Ako ng Tv ng lumabas si Lukas nakasuot sya ng cargo short at gray na t shirt .Umupo sya sa kabilang side ng sofa at nahuhuli ko syang napasulyap sa akin na agad ko namang ginantihan ng irap .Di pa natatagalan ng tumunog Ang kanyang cp.... nadampot ko pa ang aking cell phone sa pag aakalang akin yun..Magkaparehas pa kami ng ringtone.
Mahihinang katok Ang tumawag sa aming pansin,hinayaan ko na lang na pag buksan ni Lukas, wala di Naman akong inaasahan na bisita.
"Hi Lukas! ...."bati ni Charity mula sa labas,anak ito ni Manang Bebe kung san nagtrarabaho si Lukas.
"oh! Cha bat andito ka..? " Gulat na tanong ni Lukas bahagya pa nyang niluwagan ng bukas ang pinto.
"Nag alala kasi ako at di ka pumasok..nakalimutan ko off mo nga pala.." nakangiting sagot ni Charity bahagya pa itong sumulyap sa akin.
"Oo eh.." sagot Naman ni Lukas bahagya pa itong kumamot sa ulo nya.
"So ngayon kana magpapasama sa tyangge?'' masayang tanong ni Charity mabilis pa nitong kinawit ang braso ni Lukas.
"A-ah Sige ba.." sang ayon ni Lukas.Bahagya pa itong sumulyap sa akin.Nakita Kong inanyayahan din nitong pumasok Ang dalaga bago iniwan sa katapat kong sofa.
Pasulyap sulyap lang sa akin si Charity nang iwan ito ni Lukas. Ako namay dedma lang at patuloy Ang panonood.Di rin ako nagbukas ng usapan .Hindi ko din kasi close ito sa suot nito ngayong skinny jeans na tenernuhan ng black fitted blouse at black sandals ay masasabi Kong dalagang dalaga na ito kahit dalawang taon lang ang agwat mg edad sa amin nito. Madalas ang kasama nito ay mga kapwa cheer dancer,isa kasi ito sa mga cheerdancer sa aming school.
"Tara na!?" Si Charity bahagya pa itong napatayo sa kanyang upuan
Ako namay bahagyang nilingon si Lukas bahagya pa akong nagulat ng mamasdan ko Ang itsura nito.Nakapantalon ito at isang tshirt Ang suot,maayos na nakasuot ito ng sombrero. Amoy na Amoy ko Ang Bench nitong pabango ng umupo ito sa aking gilid para kunin ang luma nyang sapatos. Bahagya itong sumulyap sa akin at sinuklian ko naman ng isang matalim na tingin
"Alis muna ako" paalam nito.
"Nakaluto na pala Ako,..initin mo na lang pagkakain kana..." muling Sabi nya bahagya akong sumulyap sa kanya.
"Pwede ba umalis kana"...agsik ko sa knya...
"Nagiintay na sa labas Ang date mo!..."
''Sige A pag-"...
"Chu!" Putol ko sasabihin nito.Tumahimik na lang ito at mabilis na umalis.
Nakasuot na ako ng pantulog ng dumating si tatay. Ininit ko na din Ang ulam na niluto ni Lukas para ipaghain si tatay.
'' Dumating na ba si Lukas? " Tanong ni tatay matapos umupo para kumain.
"Hay naku Tay! Wala pa!...mukhang ginabi na sa pag dadate .....kabago Bago pa lang dito eh may gf agad!"
" Huh!?? Eh nagpaalam sa ak- " Marahang katok Ang narinig namin.
Maagap akong tumayo sa upuan upang pagbuksan si Lukas. Mabilis Naman itong pumasok at deretsong nagmano Kay tatay at dali daling inilabas Ang nasa isang supot.
"Sakto Tito!...may Dala po akong andoks " Ani Lukas at maligayang inilapit Ang manok Kay tatay .
"Mukhang madami kang napamili?" Maligayang tanong ni tatay habang nilalantakan Ang manok.
"Medyo po....pero may tinira pa din po ako....." Nahihiyang sagot ni Lukas kinuha pa nya ang mga pinamili at nilabas nya Ang isang tsinelas Kay tatay.
"Tito ito pala,may nakita po ako ...mukhang bagay sa inyo.." si Lukas at inabot Ang isang pares ng abuhing tsinelas.
Pumasok na ito ng kwarto dala ang kanyang pinamili.Ako namay nanatiling nakaupo sa sofa habang si Tatay ay kumakain.
"Ay kamusta pala lakad mo?". Si tatay kay Lukas na kalalabas lang,bagong palit na din ito ng damit.
"Okay na po!" Masiglang Sabi ni Lukas
Okay na ! mukhang napasagot agad nito si Charity ah.....
"Ay buti Naman at malapit na ang pasukan." Bigla akong natigilan sa aking iniisip sa sinabi ni tatay nakakunot ang aking noo ng binalingan si tatay.
"Ay papasok na sya sa pasukan...dito na sya mag aaral " maligayang Sabi ni tatay sabay tapik pa sa likod ni Lukas. Tipid na ngiti naman ang natunghayan ko ng balingan ko ng tingin si Lukas.
Wow!