~ ~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~
" seatbelt please " nakangiting sabi ni Enzo nung makasakay na siya ng kotse
Mula kaninang pag gising ko ay ganito na si Enzo.
Weird!!
As in super duper weird. Siya yung gumagawa ng lahat hindi niya ako pinapayagang gulamaw ni taas nga ng kamay hindi ko magawa.
" why are you doing this?" tanong ko kasabay ng pagsuot ko ng seatbelt
" ganito manligaw ang isang Enzo Mariano. Hindi ko hahayaang mag trabaho ang mahal ko. Gusto ko ako ang gagawa ng lahat "
napatawa ako dun sa sinabi niya tsaka ko siya nilingon "are you kidding me? Pano kung ikakasal na kayo? Hindi mo parin ba siya papatrabahuin para naman kumita ng pera"
" syempre naman responsibilidad yan ng lalaki sa pamilya niya. Siya ang mag tatrabaho para makakuha ng pera habang ang babae naman ay nasa bahay lang nag babanatany ng magiging anak nila"
" alam mo Enzo sa panahong ito dapat yung babae tsaka lalaki parehong nag tatrabaho para hindi sila magigipit sa pera. Kung gaano kabilis ang oras ganun din kabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin"
" Yeah I know that pero ayaw kong makitang nahihirapan ang babaeng mahal ko tsaka hindi talaga mawawala sa isang pamilya ang magkaroon ng financial problem pero makakahanap parin yun ng solution"
" by what? By getting a loan? Enzo ayaw kong magkaroon ng utang sa ibang tao dahil sa oras na mag simula kang mangutang tuloy tuloy na yun na hindi ko na mapapansing unti unti ka na pala nababaon sa utang"
" okay I understand." nakangiting sabi niya sabay hawak ng left ear ko. Pansin ko lang kanina pa niya to hinahawakan yung tenga ko.
~ ~ ~
" hey ako na ang mag dala niyan. Kaya ko naman eh" pano ba naman kasi pag baba namin ng kotse niya ay agad niyang inagaw sakin yung gamit ko na kaya ko namang dalhin
" ako na. Remember nililigawan kita. Sanayin mo na yung sarili mo dito dahil aaraw arawin ko nang gagawin ito"
" hindi ka ba nahihirapan? I mean mabigat na nga yang bag mo idagdag mo pa yung mga gamit ko"
" No its okay. Kaya ko naman" nakangiting sabi niya pero halata sa mukha niya na nahihirapan siya sa pagbubuhat ng mga gamit ko
" psssh! Sinungaling akin na nga" saka ko inagaw yung gamit ko tinangka niya pa itong pigilan "hep hep hep. Sabi ko ako na. Tingnan mo nga kay aga aga pawisan kana" nung nakuha ko na yung mga gamit ko ay agad ko namang dinampot sa loob ng bulsa ko yung panyo tsaka ko pinunasan ang mukha niyang pawisan
" aigoo! Talikod" pag utos ko agad naman siyang tumalikod sakin. Pinasok ko sa shirt niya ang kamay ko na may panyo
hep hep hep
wag kayong green jan nga readers
pinupunasan ko lang naman yung likuran niya. Mahirap na baka mag kasakit si Enzo. Mag aaral pa kaya to.
" okay done" tinap ko ng makailang beses ang likuran niya bago niya ako ulit hinarap
" salamat ^_____^" with his killer smile
sa hindi malamang rason ay napangiti ako. Hinawakan ko yung mukha niya saka sapilitang pinalingon sa ibang dereksyon. Hindi kasi ako kumportable kung paano tumingin sakin si Enzo
Ito na ba yung tinatawag nila na kahit tingin lang ng taong minamahal mo ay mabubusog ka na?
Anong naman yung connect ng tingin sa taong gutom?
Aissh!! Ano ba tong pinagsasabi ko. Nababaliw na talaga ako!
" pasok na nga lang tayo. Baka mapakamalan pa tayong baliw dito" nakangiti kong sabi saka nauna ng lumakas. Baka kung ano pang kabaliwan ang magawa namin dito
" KRYSTAL!" sigaw niya agad ko siyang nilingon
" saranghae. Kita tayo mamaya. Sabay tayong mag lunch" ^___^
napailing ako sa sinabi niya.
saranghae??
Nadu saranghae Enzo
~ ~ ~
" Nerd kung meron mang ipapacopya ang prof alam mo na ang gagawin. Okay?"
nag okay sign lang siya tapos ipinikit ko na ang aking mga mata.
" Good Morning class. I am Mr Gamboa. Ako muna ang magiging teacher niyo pansamantala kaya ang hinihingi " bati ng prof nung makapasok na siya sa classroom. Agad namang bumati ang mga kaklase ko maliban sakin. "hindi muna ako mag kaklase ngayon. Sa halip ay kailangan nyong mag pakilala sa harap para makilala ko kayo kahit papano."
hindi ko na narinig pa ang sunod niyang sinabi dahil nakaidlip na ako nun
" and last but not the least the girl besides the window. Hmm Vicky can you wake her up"
" ah sir. Ako na lang po ang mag papakilala sakanya. Natutulog po kasi"
" No I won't allow it. Unfair yan para sainyo. Kaya Vicky pwede mo ba siyang gisingin"
"Hindi po talaga Sir"
" and why not? Im the teacher here"
" sir"
" excuse me miss. Mind if you introduce yourself infront of the class" rinig kong sabi niya at nararamdaman ko yung presensya niya sa tabi ko ngunit hindi ko yun pinansin nanatili parin akong nakapiki "tinuruan ka ba ng mga magulang mo na maging magalang sa ibang tao? Lalong lalo na sainyong magiging guro ha miss?" naramdaman ko yung maduming kamay niya na pumatong sa balikat ko
" tanggalin mo yang kamay mo bago pa may mangyari sayo" cold na pag banta ko sakanya habang nakapikit parin
" tatanggalin ko to sa oras na tatayo ka papunta sa harapan"
tssk! Sino siya para sundin ko?
dumilat ako tsaka tiningnan ko siya ng sobrang sama " pag sinabi kong tanggalin mo tanggalin mo hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko?" saka ko agad tinanggal yung kamay niya na nasa balikat ko
" aba bastos ka ah"
"tssk! Ako pa talaga yung bastos dito? Eh ikaw nga dito ang nang gigising eh" naiinis kong sabi. Napansin ko rin na sumama ang tingin niya sakin ganun din naman ako.
Kahit kailan hindi ako nag papatalo sa laban. Si Krystal ata to at wala akong pakealam kung sino siya
" let's go to the dean's office. NOW!" galit na sabi niya
Oh no I'm scared!
Psssh!
" pumunta kang mag isa dun." sabi ko bago lumabas ng kwarto. Wala na akong plano pang pumasok ulit sa klase niya. Makita ko palang yung mukha niya sira na agad ang araw ko
Tssk!
dumerecho ako dun sa cafeteria kung saan kami mag kikita ni Enzo. Bumili muna ako ng makakain namin bago humanap ng magandang pwesto.
" 390 po lahat" cashier
inabot ko ang 500 bill sakanya "keep the change" saka ko dinala yung tray na puno ng pagkain namin
nung makahanap na ako ng magandang pwesto ay tinext ko kaagad si Enzo na nandito na ako sa cafeteria para hindi na niya ako susunduin dun sa dept building ko
Ham and cheese pizza with mogu mogu drink lang ang binili ko para sakin habang burger, fries and cola naman yung binili ko para kay Enzo. Baka gutom siya kaya dinamihan ko na yung inorder ko para sakanya
Hindi nag tagal ay nakikita ko na si Enzo papunta sakin "Ang aga mo ata ngayon?" tanong pa niya sabay upo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko
sasabihin ko ba sakanya na nakipagsagutan ako dun sa prof ko? Baka magalit siya sakin
wag na lang
" ah maaga kasi kami dinismiss ng prof namin kaya ganun. Enzo nagugutom ka ba? Kain ka" pag iba ko ng topic. Baka kasi mabisto niya ako. Malalagot talaga ako neto sakanya
" salamat. Sana hinintay mo na lang ako. Ililibre pa naman sana kita"
" marami pa namang next time hindi ba?"
habang enjoy na enjoy kami ni Enzo sa pag kwekwentuhan ay biglang tumunog ang radio speaker ng EHU.
Ang radio speaker ay kung saan yung mga mascom students lang ang merong authority na gumamit nun. Pwede kang rumequest ng mga kanta, bumati sa kaibigan mo o hindi kaya merong announcement ang iba't ibang org
[ May I request Dianne Krystal Valdez to please go to the CMA dean's office now. Again may I request Dianne Krystal Valdez to please go to the CMA dean's office bow ]
f^ck anong kalokohan to?
sa oras na tiningnan ko si Enzo ay binigyan niya lang ako ng ANONG KALOKOHAN NA NAMAN BA ANG GINAWA MO NGAYON look
napa peace sign ako sakanya "some misunderstanding lang ang nangyari"
tiningnan niya ako ng masama " lagot ka sa daddy mo pag nakarating ito sakanya. Ilang araw ka na naman bang igrogrounded? "
" aissh!! Hindi ko naman yun kasalanan eh" parang bata kong reklamo
" kailan ka pang umamin na meron kang kasalanan sa ginawa mo?" sabay tayo "tara na pumunta na tayo dun"
hindi pa ako tumayo kaagad kaso hinawakan niya ako sa wrist ko tsaka hinila pa tayo
" ehh Enzo naman promise wala talaga akong ginawa "
" kung wala kang ginawa hindi sana tayo ngayon papunta sa dean's office ngayon."
~ ~ ~
kumatok muna ng tatlong beses sa pinto bago kami pumasok
" good morning po ma'am" magalang na bati sakanila ni Enzo
tiningnan ako ni Enzo ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay
" Please sit down " sabi naman ng matabang dean ng CMA samin
agad tiningnan ko ng masama ang Prof nung nakita ko siya na nandito din pala sa loob ng office
so siya pala talaga ang ng papunta sakin dito
Pssh! Let's see kung hanggang saan ka.
" so Dianne we meet again" pag umpisa ng dean
" yeah and so? " mataray na sagot ko
bigla akong palihim na pinisil ni Enzo sa braso "ouch!!" bulyaw ko saka ko rin siya palihim na inapakan
" so ano na naman ba ang ginagawa mo ngayon?"
" you should ask him not me. He's the one who complain so dapat sakanya mo itanong yang bagay na yan"
" kita mo yung sinasabi ko Ms Dean? Ang bastos talaga ng batang yan. I can't take this anymore!"
oh so bakla tong prof na to?? Pssh >_" I dont care. Sanay na rin naman ako eh. Yung sila na nga tong nang uumpisa ng gulo ako pa ang nagiging masama dahil mas madami silang natamong sugat kaysa sakin kaya agad nila ako nirereport sa office. Sa tingin mo ba gusto ko yun?" hindi siya makasagot sakin. " kung may sasabihin ka mamaya mo na sakin sabihin. Mainit ang ulo ko ngayon baka kung ano pa ang masabi ko sayo at ikagalit mo naman. Ibigay mo sakin ang susi ng kotse" nag dalawang isip pa siya kung ibibigay niya yun sakin o hindi pero sa oras ng kinuha niya yung susi sa bulsa niya ay agad ko yun hinablot
~ ~ ~
" Hello mom?" sabi ko nung sinagot na niya ang tawag ko
[oh anak bat ka napatawag?]
" Im just asking kung meron kayong minor projects ngayon na pwedeng ibigay sakin."
[ meron kaming isang project dito na nag hahanap ng pwedeng pamalit na model ]
" gusto ko po yun. Okay lang ba?"
[Yes it's okay but wala ka bang class ngayon?]
" meron pero nagkaproblema lang. Mamaya ko na ikwento sayo pagdating ko jan"
~ ~ ~
" what he said that to you?" mom tumango ako bilang sagot " what is his name? Sino siya para pag sabihan ka ng bastos? At hinayaan siya ng dean sabihin yun sayo? Gosh!! Kailangan ko na ata kunin ang shares namin ng dad mo sa university na yun. " pag dating ko kasi sa office niya ay ikinwento ko na kay mom ang lahat na nangyari sakin kanina dun sa EHU
" no need ma. I already handled it. Pinagsabihan ko na yung dean na alisin ang walang manners na professor na yun kanina."
" that's good but still I need to talk with the board members para hindi na maulit ang ganitong sitwasyon sa ibang estudyante. Kung hind ikaw ang na bangga niya edi kawawa ang estudyante na hindi man lang kaya ipaglaban ang kanyang sarili. "
pagkatapos nag set ng board meeting sa EHU si mommy ay pumunta na kami kaagad sa venue kung saan gaganapin ang shoot
mabilis lumipas ang mga oras at nakauwi na ako sa bahay. Natapos ko rin ang shoot ng walang problema. Hindi naman ako nahirapan dun dahil ang babait ng mga staff sakin.
habang nagapapahinga ako sa aking kwarto ay biglang meron akong natanggap na text mula kay Enzo
[Akyat ka ng rooftop dali]
ano na naman ba to?? Aawayin niya naman ba ako?
tumayo na ako at nag suot ng jacket bago lumabas ng kwarto
_______________
Vote. Comment. Share. BeAFan
|Belle ❣️