Kinabukasan ay kahit na sobrang bigat ng pakiramdam ko ay bumangon ako para mag handa ng kakainin naming breakfast. Hindi ko na alam kung pano na tulog ang dalawa sa kabila dahil abala ako kay Vicky na mahimbing parin na natutulog sa kama ko. Nag hilamos muna ako at tinali yung buhok ko at kinuha yung card wallet bago ako lumabas ng kwarto ko. Napag pasiyahan ko na mag groceries muna ako sa baba ng pagkain dahil kakabalik ko lang dito walang kalaman laman yung ref ko kundi tubig lang. Napahinto ako sa pag lalakad nung nakita ko si Enzo na nakatayo sa kitchen sink ko na may iniinom na tubig nagulat din siya sa presensya ko "Gising ka na pala. Papasok ka na? " I tried to act normal infront of him naalala ko ang lahat ng mga sinabi ko sakanya kagabi dahil hindi naman ako lasing nun umilin

