~ ~ ~ *Enzo's Pov* ~ ~ ~
" Yohooo!! Nakikinig ka ba sakin Enzo?" pag agaw ni Lovely ng atensyon ko
" Oo " pag sisinungaling ko
" Kung nakikinig ka ano yung huling sinabi ko? "
" Gwapong gwapo ka sakin?" Biro ko sakanya bigla niya naman hinagis sa mukha ko ang mga bondpaper na hawak hawak niya
" Ang lakas din ng trip mo no. Teka huhulaan ko. Si Dianne ang iniisip mo no"
" Sino pa ba?? Pssh! Patingin nga" sabay hablot ng bondpaper
" Akala ko ba kakalimutan mo na siya?"
" Im trying. Hindi mo ba nakikita? Kung babae ka sana edi baka nakamove on na ako nun"
Ng dahil sa sinabi ko ay napatawa siya "are you kidding me Enzo?? Hindi tayo talo pare and for your information mas marami pa ang magaganda kong chicks kumpara sayo"
Kung ano po yung nasa isip niyo ay tama. Gusto ko lang pong iclarify sainyong lahat na tomboy po si Lovely hindi lang halata sa ayos niya kaya hindi ko siya girlfriend. Puro palabas lang ang lahat ng yun. Kahit ako nga hindi agad naniwala sakanya na ganun siya dahil sobrang ganda niya. Nakakatawa ngang isipin kung pano kami unang nag kita. Alam niyo ba yung larong clash of clans?? Yun dun kami unang nag kakilala. Akala ko mga lalaki ang kalaro ko ang galing niya kayang mag laro parang adik sa game na yun tsaka hindi lumalayo ang skills niya sa paglalaro sa akin. Mabuti nga at napapayag ko siyang mag kunwaring girlfriend ko.
Ang pagkikita namin nina Krystal, tito Dwight at tita Coleen sa restaurant ay nag kataon lang first time lang naming mag kita nun tsaka hindi ko alam na tomboy pala siya. May balak pala siyang lokohin ako kaya nag suot siya ng dress. Nung nakaalis na sila ay ilang sapak ang natamo ko kay Lovely dahil nga pinakilala ko siya bilang girlfriend ko. Akala ko nga nagalit siya dahil may boyfriend siyang iba tapos natatakot siyang malaman ang tungkol sa ginawa kong pag pakilala yun pala tomboy siya at mas matinik pa siya sa mga babae kesa sakin.
Nang dahil sa eksenang yun ay parati na kaming mag kasama ni Lovely at napapayag ko siyang mag kunwaring girlfriend ko hanggang sa makamove on ako kay Krystal ngunit ang kapalit nun ay ang pag tutor ko sakanya.
"Psssh! Eh kung totohanin na lang kaya natin to?? Tutal wala namang may nakaalam tungkol sa totoo mong kasarian"
"Eh kung tadyakan kaya kita dyan??"
"Pssh! Uwi na tayo gabi na. Basahin mo na lang ulit yung mga merong linya."
"Ok" sagot niya habang nag liligpit ng kanyang gamit. Tumayo na ako tsaka naunang lumabas
~ ~ ~
"Kuya bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo kay ate Dianne?" sulpot ng kapatid ko
"Paano ka naka akyat dito?" nasa bubong kasi ng bahay namin ako kasalukyang nakaupo
"Kuya alam ko ang lahat ng mga secrets na hindi alam nila mommy. Katulad neto. Hindi alam ng mga magulang natin na meron ka palang ginawang secret door paakyat dito. Alam ko na sa tuwing nalulungkot ka ay dito ka pumupunta para makapag isip. Alam ko rin na hindi mo talaga girlfriend si Lovely nag papanggap lang kayong dalawa dahil isa siyang tomboy"
ㅇㅅㅇ
"P p pano mo nalaman?" nauutal na sabi ko
Pano niya nalaman ang tungkol kay Lovely??
"Pinaimbestiga ko siya dahil masama yung kutob ko sa tuwing makikita ko kayong dalawang mag kasama. I even hire a guy to keep an eye on her. Kung saan siya pupunta at ang galaw niya. Kaya napag alaman ko na maliban sayo ay kadalasan lalaki ang kasama niya and worst?? May sinend saking picture na may kahalikan siya babae inside the club so that means tomboy siya" kasalukuyang umupo rin siya sa tabi ko
"Alam mo na pala" ang nasabi ko na lang. Wala rin namang saysay kung idedeny ko pa sakanya ang katotohanan
"Yun lang ang isasagot mo sakin kuya?? Im your sister kuya. Bakit ka nag sinungaling sakin? Bakit hindi mo sinabi sakin na ako pala ang gusto ni Lovely at hindi ikaw."
Boink!!
"Ouch" maarteng sabi niya
"Akala ko kung seryoso. Pssh" napailing ako
"Ano kuya maganda ba?? Napaniwala ba kita?? Pwede na ba akong mag artista?" sabay hawak sa braso ko
"Pssh! Puro ka kalokohan"
"Binibiro lang kita kuya. Ilang araw na kasi kitang nakikitang nag mumukmok"
".. "
"Mahal mo siya no" bigla ko namang nilingon ang kapatid ko na kasalukuyang nakatingin sa malayo
Pati ba naman ito alam niya? ? Kung minsan ko lang siya makasama siya pa yung unang nakahalata. Bakit yung taong minamahal ko ay hindi niya nararamdaman?
"At hindi mo sinabi sakanya ang nararamdaman mo? Na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman mo para sakanya?"
Tumingin ako sa harap sabay iling
"Bakit kuya?? Natatakot ka ba sa magiging reaksyon niya?"
"*sigh* hindi dahil sa natatakot ako. Nangako ako kay kuya Alex. Hindi ko kayang hindi tuparin ang pangako na yun."
"Anong pangako?"
"Pangakong kahit kailan hinding hindi ko iiwan si Krystal. sa oras na kailangan niya ako ay nanjan ako sa tabi niya bilang kaibigan. Kaya habang maaga pa iiwasan ko muna siya hanggang sa mawala na itong nararamdaman ko para sakanya. Makakahinga ako ng maluwag kung si kuya Alex ang makatuluyan niya dahil alam kong hinding hindi siya"
"Kuya advice ko lang to sayo bilang nakakabata mong kapatid tutal nandito na rin lang naman tayo sa rooftop at tayong dalawa lang naman. Hindi ba yang ginagawa mong pag iiwas kay ate ay parang iniiwan mo na rin siya. Pano ka niya tatawagin kapag may problema siya kung ikaw mismo ang nag sabing ayaw mo na siya makita. At kuya pag dating sa pag ibig walang kaikaibigan away kong away. Kung ako yung babae mas pipiliin ko yung taong ipinaglalaban niya ako dahil pinapatunayan niya rin sakin na maasahan ko siya at kaya niya akong protektahan kahit anong mangyari. Wag mong basta bastang bitawan ang kamay niya kung hindi ka pa handang makita na hawak ito ng iba. Kung pwede lang lumaban ka kuya pero kung siya na mismong mag sasabi sayo na bitawan mp siya siguro that's the time na bitawan mo na talaga yung kamay niya"
Ginulo ko ang buhok niya "aissh kuya naman eh" pag reklamo niya sabay ayos ng kanyang buhok
"Kanino mo natutunan ang ganyang bagay ha? O di kaya may boyfriend ka na no?" sabay sundot ng tagiliran niya
"Kuya haha ano ba hahaha nakikiliti ako jan." Huminto lang ako nung nakita kong mukhang hindi na siya makahinga dahil sa tawa "nababasa ko lang yun sa libro no. Try mo kayang mag basa ng w*****d para sa ganun ay may matutunan ka rin tungkol sa sinasabi nilang pag ibig hindi yung puro sakit ang inaaral mo."
"Yes po boss!" natatawa kong sabi sakanya sabay tayo
"Teka teka at saan ka naman pupunta?" nag tatakang tanong niya
"Kila Krystal. Babawiin ko na yung sinabi ko sakanyang layuan ako. Naisip ko nang dahil sa pag iiwas na ginagawa ko sakanya ay pareho lang kaming nasasaktan"
"That's my kuya. Go kuya!! Fighting!! " pag checheer ng kapatid ko habang nag aaja pose
"Fighting" sagot ko naman bago bumaba ng rooftop
~ ~ ~
"Anong ginagawa mo dito" walang emosyong sabi ni Krystal
"Aigoo! Nasa Pilipinas ba talaga ako? Bakit parang lumamig ata?" nag kunwaring nagiginawan pa talaga ako ngunit hindi nag bago ang emosyon niya. Nasa tapat ng bahay nila ako ngayon. kahit mag hahating gabi na ay pinuntahan ko parin siya
"Tssk!" Akamang aalis na siya kaso pinigilan ko siya sa pamamagitan ng pag hawak ng kanyang braso
"Krystal can we talk?"
"Para saan pa? Hindi ba sabi mo iwasan na kita dahil ayaw mong magalit sayo si Lovely?" naktaas kilay niyang sabi. Naririnig ko parin ang galit sa boses niya
"Look i'm sorry hindi ko sinasadya."
"It's okay. I just can't believe na mas pinili mo pa siya kesa sakin."
"hindi sa mas pinili ko siya kesa sayo Krystal, "
"bakit kung makipag salita ka ngayon parang walang nangyari kanina? Enzo umamin ka nga sakin pinag lalaruan mo lang ba ako?" hindi makapaniwala niyang sabi sakin
umiling ako dahil hindi ko naman talaga siya pinag lalaruan. Akamang mag sasalita na sana ako kaso nag salita siya ulit
"Kung wala ka nang sasabihin pa pwede ka ng umalis. Gabi na" sabi niya sabay talikod
"Wala na kami ni Lovely."
Nakita ko siyang napahinto tapos dahan dahan siya lumingon sakin
"Nakipagbreak na ako sakanya. Naisip ko na nag padalos dalos ako sa pagdedesisyon ko kanina. Na hindi ko dapat ipagpalit ang matagal ko ng kaibigan sa kakakilala ko pa lang na babae. Sorry Krystal alam kong nahihirapan ka. Sorry dahil .." hindi pa ako tapos sa pag spespeech ko ng bigla siyang nag salita
"Mabuti naman at alam mong nahihirapan ako. Alam mo ba kung ilang gabi ako hindi makatulog sa kakaisip kung anong ginawa ko sayo na naging dahilan kung bakit mo ako iniiwasan. Pero dahil sabi mo na break na kayo ay okay na yun sakin." tsaka siya ngumiti sakin sabay yakap na ikinabigla ko "wag mo na ulit yun uulitin Enzo. Alam mo namang wala na akong ibamg sasandalan kung hindi ikaw lang"
"I will and Im sorry" sabi ko sabay yakap pabalik sakanya
[ kinaumagahan ]
"ano yung gusto mong sabihin sakin Enzo?" sabi agad ni kuya Alex nung makalayo na kami sa mga kaklase niya.
Pagkatapos kasi ng klase ko ay siy aka agad ang pinunta ko
"Tungkol ito kay Dianne"
"What about her?"
"gusto ko lang sabihin saiyo na liligawansi Dianne" mukhang nagulat siya sa sinabi ko
" pero hindi ba bestfriends kayo? "
" oo but that doesn't mean na hindi ko na siya pwedeng ligawan"
saglit siyang nanahimik. Yung parang iniisip niya talaga ang isasagot niya nabigla ako ng inilahad niya ang kanyang kamay sabay sabing " may the best man win" agad ko namang inabot yung kamay niya
__________________
Vote. Comment. Share. BeAFan