Nasa top searched yung pangalan ko sa internet. May iilang photos na rin ang na iupload na nakayuko habang dinudumog ako ng sandamakmak na reporters sa airport. Nanlaki ang mata ko nung may nakita akong larawan kasama si Enzo. Tatlong larawan, ito yung araw na namasyal kami ni Enzo sa New York para bumili ng gamit ni Ella. Yung unang larawan ay mag kahawak kamay kami. Pangalawa ay nakangiting naka tingin siya sakin at ang pangatlo ay yung papasok na kami ng store para sa crib na bibilhin para kay Ella Mabuti na lang at hindi masyado kita ang mukha ni Enzo sa mga larawang yun. Ngunit ang mga larawang ito ay nag sasabi na may relasyon nga talaga kaming dalawa. Kita ko kung pano sumabog ang notifications ng mga social media accounts ko. Lalong lalo na yung i********: ko dahil sa comments n

