Pag gising ko walang Enzo sa tabi ko ngunit rinig ko ang pag agos ng tubig sa loob ng bathroom. Dahan dahan akong bumangon, inayos ang yung bed namin bago tumungo sa walkin closet para makapag pili nang isusuot papuntang OB. Nakakahiya kay Ella dahil bigla bigla na lang kami nawala ni Enzo sa hapag kanina, tapos nakatulog pa ako pagkatapos ng ginawa namin ni Enzo. Black cami croptop, denim shorts and white cardigan ang napili kong suotin ngayon. Isa isa ko itong nilapag sa bed Narinig ko ang pag bukas ng pinto galing sa bathroom at niluwa si Enzo na basa pa ang buhok. White bathroom towel hugging his waist Tumingin siya sakin saglit pagkatapos ay sa mga damit na nilatag ko sa bed. Humakbang siya para mas makita ito ng mabuti. Tahimik siya kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi ba niya

