~ ~ ~ *Dianne's Pov*~ ~ ~
"Anong mas maganda?? Ito o ito??" sabay pakita ng dalawang dress kay Enzo. Ngayon na kasi yung araw na mag kikita kami ni kuya Alex at ninenerbyos na ako sa kung ano ang susuotin ko para mamaya. Kaya pinapunta ko si Enzo dito sa bahay para siya titingin kung okay lang ba ang isusuot ko kaso mukhang wala naman siyang gana iparinig sakin ang kanyang saloobin busy lang siya sa kakabasa niya ng kanyang libro.
"Hindi ka naman ganyan noon Krystal ah. Hindi ba sabi mo kahit anong isusuot mo ay babagay naman sayo?" mabilis lang siyang tumingin sakin tapos ibinalik niya naman yung titig niya sakanyang libro.
Naitapon ko na lang ang dalawang dress sa bed tsaka umupo dun
Konting konti na lang talaga mapupuno na ako sa lalaking to. Bakit napakamoody niya?? Noon ang dali lang nitong patawanin eh pero nung nakaraang araw ni isang tawa wala akong may narinig mula sakanya. Mukhang may problema
"Enzo mag tapat ka nga sakin?? May problema ba tayo?" seryoso kong tanong
"Wala" agad niyang sagot
"Eh kung wala pala bakit ganyan mo na lang akong ituring? Bakit parang hindi ikaw yung kababata na nakilala ko?"
Pakiramdam ko talaga kasi na may sumanib na kung ano sa katawan niya
Nakita kong binitawan niya ang kanyang highlighter na hinahawakan tsaka huminga siya ng malalim
"Look Krystal akala ko ba isang dinner date lang ang pupuntahan mo?? Pero kung makabigay oras ka sa pagpili ng isusuot mo parang pupuntahan mo na yung engagement party mo." sabi niya bago tumayo at lumabas ng kwarto.
Kahit anong pag tawag ko sa pangalan niya ay direderecho parin siya sa paglakad
Ano na naman ba ang pumasok sa utak niya ngayon?
At bakit ba parati na lang kami nag tatalo?? Hindi naman kami ganito noon. Nag tatalo kami pero pabiro lang naman yun. Hindi humahantong sa walkout no. Hindi katulad ngayon na mukhang nasasanay na si Enzo sa pag wawalk out.
"Pssh!! Kung hindi mo ako tutulungan. Edi wag!! Hmmmp. Kaya ko namang pumili ng isusuot no!" pumunta na ako sa walk in closet ko para kumuha pa ng mas maraming dress para marami akong pag pipilian.
Nakailang suot hubad ng damit pa ang nagawa ko bago nahanap yung sa tingin ko ay babagay sa appointment ko ngayon.
Nag lagay muna ako ng light makeup bago lumabas ng kwarto. Nung nakababa na ako ay nakita ko siyang nakaupo na nag aaral sa living room. Nag lakad ako papunta sakanya
"Okay na ba tong suot ko?" tanong kong nung nakalapit na ako sakanya agad na tiningnan niya ako nula ulo hanggang sa paa
"Ok lang. Nag mukhang tao ka na" walang emosyon niyang sabi
Ano bang problema niya?? Bakit ba ganito na lang siya mag salita sakin??
Aalis na nga lang ako. Bago pa masira itong araw ko.
Iniwan kong nag aaral siya tutal mas importante rin naman sakanya yang pag aaral niya kesa sakin >_
~ ~ ~*Enzo's Pov*~ ~ ~
*sigh*
Yan ang unang nagawa ko nung nakalabas na si Krystal ng bahay nila. Binitawan ko na yung ballpen tsaka sinara yung librong kunwari kong binabasa.
Sa totoo lang hindi naman ako nag aaral dahil wala rin naman may pumapasok sa utak ko dahil ang iniisip ko ay si Krystal buong araw.
Bakit ganun ganun na lang siya mag handa para sa pagkikita nila ni kuya Alex?? Eh kung gagala nga kami ang sinusuot niya lang ay shirt, denim jeans tsaka havaianas. Tapos ngayon may nalalaman pa siyang dress
Tsssk!!
Hindi ako naseselos
Dahil sobrang selos na selos ako
Pucha!!! Hindi parin ba nahahalata ni Krystal na mahal ko siya??
Kung hindi pwede ko ba siyang iuntog?? Kahit isang beses lang??
Inayos ko na yung gamit ko tsaka tumayo na mabuti pang matulog na lang ako sa bahay. Baka kung ano pa ang magawa ko dito
~ ~ ~*Krystal's Pov*~ ~ ~
"Good evening ma'am" bati sakin ng isang staff nung papasok na ako sa restaurant na pag mamay ari namin. Si mommy yung nag mamanage neto. Simple lang naman yung restaurant na ito ang nag papaganda lalo dito ay yung mga pictures na si mommy mismo ang kumuha
"Nanjan na ba siya?" ang tinutukoy ko ay si kuya Alex
"Yes po Princess nandun na po siya sa pinareserve niyong room"
"Okay mabuti kung ganun. Alam ba ito ni dad"
"Hindi po Princess"
"Good. Wag na wag mo itong sasabihin sa magulang ko kung malalaman nila ito lagot kayong lahat sakin"
"Maasahan niyo po" nag patuloy na akong maglakad sa kung saan si Alex
Ayaw kong malaman nila mommy ang tungkol dito no. Siguradong patay ako dun sakanila pag nalaman nila ito at sa mismong restaurant pa talaga namin ko ginawa yung dinner date namin
Hindi ko maalis yung ngiti na meron ako ngayon dahil iniisip ko pa lang na makakasama ko na siya sa isang dinner ay parang naeexcite na ako
Agad naman siyang tumayo nung nakita na niya ako.
"Hi" bati pa niya habang hinihila yung bakanteng upuan na nasa harapan niya
"Hello. Sorry dahil medjo late na ang dating ko" kasabay nun ay ang pag upo ko. Ang gentlrman pala ng lalaking to
"It's okay" nakangiting sabi niya
"..."
"..."
".."
Isang katahimkan ang bumalot sa aming dalawa hindi ko akalain na mawawalan rin pala ako ng salita
"Sainyo ba itong restaurant" pag umpisa niya
"Hmm. Oo"
"I like this place"
pwedeng I like you na lang yung sabihin mo?? Hahaha.
"Syempre maganda at pogi kaya ang may ari neto" biro ko na naging rason kung bakit siya ngumiti
Ang pogi niya talaga!!
"Bakit kinakatakutan ka ng karamihan sa EHU? Mapababae man o lalaki"
"Cuz i'm gorgeous" simpleng sagot ko naikinatawa niya
"Haha. Dianne you know what?? Ang cute mo at sa tingin ko mali lang ang pagkakilala ng karamihan sayo. "
Kyaaah!! Sinabihan niya akong cute. ^--^
~ ~ ~*Enzo's Pov*~ ~ ~
Lingon sa kaliwa
Lingon sa kanan
Upo sabay gulo ng buhok
"Arrrgghh"
Push up 50x
Sit 100x
"Arrgghh!! Bat hindi parin ako makatulog?"
"Aisssh!! Krystal ano bang ginawa mo sakin at nag kaganito ako sayo"