PAREHO kaming napatalikod. Natakpan ko ang bibig ko. Ilang beses ko bang titiisin ang mga ganitong eksena? Ilang ulit kong makikita ang alaga niyang pakalat-kalat? "P-Pasensiya ka na, pare..." Boses ni Jasper sa likod ko. Narinig ko pa ang tunog ng zipper niya. "Lalaki ka rin kaya naiintindihan mo naman, 'di ba?" Sa halip na sumagot ay padukwang kong kinuha ang kumot sa kama ko saka nagtalukbong. "Pare, galit ka ba? Nakita mo naman na ito rati 'di ba?" Oo nakita ko na! Palaging sa isang kisapmata! At naiinis ako dahil hindi ako masanay-sanay sa kaka-display mo ng sandata mo! Nanggigigil ako sa galit hindi ko alam kung kay Jasper o sa sarili ko! "Moon..." Umuga ang kama. Punyet* huwag kang tatabi sa akin! Mahihimatay ako! "Huy! Galit ka ba?" Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ano ba ang gaga

