NAGULAT ako sa sinabi niya. Bakit ako? Pero bago ko pa iyon natanong ay nakabalik na si Jasper dito sa loob ng study room. Tatlong araw na nagpapabalik-balik ang doktor. Palagay ko ay magaling na ang mga sugat ko. Maging si Jasper ay hindi na nagrereklamo at diretso na rin ang paglakad. Hindi naman na pumarito muli si Rey. Pero hanggang ngayon, puzzle pa rin sa akin ang sinabi niya na ako ang dahilan ng pagpunta niya rito sa villa noong araw na iyon. "Narito na ang doktor, Jasper." Si Tatay Baron na galing sa labas habang kami ni Jasper ay nag-aagahan. Nagtaka si Jasper. "He's too early," at uminom ng tubig. "Good morning guys!" Muntik nang maibuga sa akin ni Jasper ang iniinom niyang tubig. "What are you doing here?" Pabagsak na ibinaba ni Jasper ang baso niya. Napatitig naman ako s

