Hindi ko kinuha ang kamay ni Doctor Gideon San Huwes Infante. Napakurap-kurap ako at hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Hindi malabong malaman ng mga San Huwes kung ano ang tunay kong kasarian. Isa ring San Huwes ang kaharap ko ngayon! "Miss Moon, if I were you, I'll take the hand of this crazy man. Don't be anxious coz I'm worthy to be trusted," aniya at kumindat pa sa akin. Seryoso akong napatingin sa kamay niya. "E-Ewan ko, doc. Hindi lang kasi ako ang mawawalan ng trabaho. Pati na itay ko." Nabigla ako nang kunin niya ang kamay ko. "Nice meeting you, Miss Moon. Call me, Gideon, please." Sinakop ng dalawang kamay niya ang palad ko. Nakangisi pa rin siya. Kahit na sinabi niyang mapagkakatiwalaan siya, sa isang bahagi ng isip ko ay may nagsasabing hindi siya totoo. Nasa ganoong

