NAALIMPUNGATAN ako sa mararahang katok sa labas ng silid ko. Sumulyap ako sa orasan. Mag-aalas sais pa lamang ng umaga. Sino bang kakatok ng ganito kaaga? Si Jasper, nagkikita na lamang kami sa hapag. Si Don Diego, tanghali na magising kapag Linggo. Si Mang Dong marahil dahil maagang nagigising iyon para mamalengke kasama ang kusinero. Sumasama siya hanggang supermarket para bantayan ang ipapamili ng tagaluto. Bahagya ko lamang ibinukas ang pinto. Naka-isang pirasong t-shirt lang ako at shorts kaya sinungaw ko lang ang ulo ko para mapag-sino ang kumakatok. "Morning, Babe!" Naisarado kong muli ang pinto dahil sa gulat. Pambihirang Evan ang agang nang-aasar. Malilintikan ako nito dahil sa kagagawan niya. Gulo-gulo pa ang buhok niya. Medyo maga pa ang mga eyebags. Kumatok siyang muli. "

