INALALAYAN ko si Jasper para makasandal sa isang malaking puno. Pinaupo ko siya roon. Iginalaw ko ang ulo ko. Kaliwa at kanan. Ngunit kahit saan ako tumingin, walang katapusang punong-kahoy. Wala na ang suot na helmet ni Jasper. Tinapik ko ang pisngi niya na may bakas ng alikabok at basa ng pawis. Hindi siya nagresponde. Hindi pa naman ako marunong ng first aid. Mouth to mouth? Heimlich manoeuvre? O CPR? Ahhh! Ano na ang gagawin ko? "Sana si Banana na lang ang sinakyan namin! Baka hindi nangyayari ito ngayon!" wala sa loob na nasabi ko. "Langya naman talaga!" Tinapik ko ulit ang pisngi ni Jasper. Nagliwanag ang pag-asa ko nang kumilos siya. "Jas, gumising ka naman!" Para na akong maiiyak dito. Napasinghap ako nang magmulat siya ng mga mata. "M-Moon..." Hirap niyang sabi na parang malal

