"M-MOON?" Muli akong tiningnan ni Jasper. Naramdaman kong napadiretso siya agad ng tayo. At bumitiw sa mga kamay ko. "P-Paanong..." Hinigit ni Evan ang kamay ko. "Let's go!" mariin ang hawak ni Evan sa akin. Sumulyap pa ako kay Jasper na tila naestatwa sa kinatatayuan niya. "Ang careless mo naman, Moon! Hinila ko sila palabas ng back stage para tumakbo ka na..." Nakatalikod si Evan habang nagbibihis ako. "Okay na, Evan," sabi ko at hinarap siya. Pinahiram ako ni Evan ng mga damit niya. Nandito ako ngayon sa loob ng isang silid na inookupa niya sa loob ng hotel. Kapansin-pansin na mas maganda pa ang suite namin ni Jasper kaysa rito samantalang sila Evan ang nagmamay-ari ng hotel. Sabagay, noon pa man ay simple na itong si Evan. Hindi mo iisiping may kaya ang pamilya niya. "Akala ko kasi

