NAKAPATAY na ang ilaw sa loob ng silid. Bukas ay pabalik na kami ng mansyon. Bumabalik sa alaala ko ang buong maghapon na nagdaan. Ngunit iisa lang ang paulit-ulit na sumasagi sa utak ko. Ang mga tingin ni Jasper. Kung paano siya nagalit. Kung paano niya sinabing hindi lang siya basta boss ko. Makailang beses akong huminga ng malalim. Ipinikit ko rin ang aking mga mata. Mula nang magsilbi ako sa mga San Huwes, sari-saring karanasan, iba't-ibang damdamin pero lahat iyon, involve si Jasper. Na para bang sa kanya umiikot ang buhay ko. Nakatulugan ko na ang pag-iisip nang magising ako sa mga halik sa aking leeg. Akala ko ay nananaginip lamang ako, pero gumapang ang halik sa balikat ko at may mga ungol ng babae sa diwa ko... Napatalon ako sa kama. Bumagsak ang panga ko nang makita si Ka

