"THAT is so you, man!" pumalakpak na wika ni Evan. Napayuko na lang ako. Ano iyon? Parang problem solving? Trial and error? Hindi na talaga magtitino si Jasper. Malas ng babaeng iibig sa kanya. Dahil siguradong masasaktan lang ang babaeng iyon. Ano naman kung sinomang babae iyon? Ano bang pakialam ko? Napagsalikop ko ng madiin ang mga daliri ko. Ang sumunod na activity ay lalong walang kwenta. Gusto kong kausapin ang nag-isip ng mga games at tuktukan sa ulo! Limbo rock ang sumunod. Iyon bang may mahabang kawayan at unti-unting bababa habang ang team ay paliyad na lulusot. Walang kakwenta-kwenta, 'di ba?! Pero 'wag ka! Ang saya nila! Maraming mga babae ang nagtanggal pa ng pantalon para raw hindi istorbo. Syempre pa, gustong-gusto ng mga lalaki. Hindi man lang nahiya ang mga babaeng iyon,

