Nasa loob na siya ng kanyang banyo kasalukuyan na siyang naliligo nakatutok ang kanyang mukha sa umaagos na tubig mula sa shower ramdam niya ang lamig ng tubig.Ito lang ang nagagawa niyang paraan upang magising ang kanyang diwa sa katotohanan nang matapos siya ay agad naman niyang kinuha ang nakasabit na tuwalya sa dingding ng kanyang banyo ipinulupo niya ito sa kanyang bewang bago siya lumabas upang magpalit.Kailangan parin niya pumasok sa kanyang opesina upang maasikaso ang kanyang mga gawain kahit ganito siya ay alam niya ang mga responsebilidad niya. Madaming umaasa sakanya na mga tao sa kompanya niya kaya hindi siya pwedeng huminto ng dahil lang sa may nawala sakanya. Oo masakit sa parte niya dahil naiukit na yun sa puso niya, pero paano ang ibang tao?Hindi naman sakanya umiikot ang mundo kaya tuloy lang ang buhay.Matapos na siyang makabihis ay agad siyang lumabas sa kanyang pinto at agad na nagpunta sa kanyang sasakyan. Binabati pa siya ng bawat taong makasalubong niya pero tuloy tuloy nalang siya sa paglalakad. Mr. isnabero ang tawag sakanya ng mga kababaihan sa kanilang kompanya dahil pili lang ang mga babaeng kinakausap niya siya na ang umiiwas sa mga ito lalo na kung nakikita niyang may ibang motibo ang mga ito sakanya.Halos lalake na din ang mga tauhan niya meron din mangilan lingan na babae pero mga matatanda upang maiwasan ang gulo. Gaya ngayun ay wala na naman siyang secretarya dahil tinanggal niya ito ng bigla nalang itong maghubad sa harapan niya.Pero mapilit ang kaibigan niyang si Ed ito ang gumagawa ng paraan upang magkaroon siya ng mga sekretarya gaya ngayun meron na naman itong na recruit na bago pero pagkatapos nalang daw nang tatlong buwan bago niya ito ipasa sakanya upang mamiss naman daw niya ang walang babae sa tabi niya.Pumayag naman siya sa kundisyon nito dahil abala lang talaga sakanya ang mga babaeng sekretarya.Nang makarating siya sa kompanya ay agad siyang nangtungo sa accounting department may nakalimutan kasi siyang mga papeles duon na kailangan na niya ngayun kaya naman dinaanan na niya ito bago siya magtungo sakanyang opesina. Ganito siya wala siyang inuutusan na iba maliban nalang kung okupado na siya at hindi na niya kaya dun siya maguutos.Nang makuha ang kanyang pakay ay agad naman siyang lumabas at nagtungo ulit sa elevator pinindot niya ito nasa mas mababang floor kasi ang opesina niya hindi gaya ni Ed na nasa pinaka mataas mas gusto naman niya iyon para mas madali siyang makapunta sa mga kailangan niyang puntahan.Tumunog ang elevator hudyat na bubukas na ito nang bumukas ay nagulat pa siya dahil sa babaeng nagsasalita magisa natawa siya sa itsura nito kung hindi lang niya nakita ang id nito ay iisipin niyang baliw na ito.Pumasok na siya pumwesto siya sa tabi ng babae napangiti siya ng hindi man lang ito natinag sa kina tatayuan niya.Tumikhim siya para makaramdam ang dalaga agad naman lumingo ito sa gawi niya binati niya ito at binigyan ng pinakamagandang ngiti.''Hi, bago ka lang dito ngayun lang kita nakita? Oo sir,Oh I see!Nginitian nalang siya ng babae tumunog na ang floor na marahil ay pupuntahan nito pero bago pa ito makalabas ay nilapit niya ang mukha sa punung tenga nito.Huwag kang magsasalita ng nag-iisa baga mapagkamalhan ka nilang baliw but don't worry isa ka namang magandang baliw.Natawa naman ito sa sinabi niya at tuluyan na siyang iniwan ng babae.