CHAPTER 2: Lean on me

1815 Words
MILA'S POV ''Mila, ayos ka lang? Bakit parang ang bitter ng mukha mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa, ah,'' tanong ni Yna na kakatapos lang kumopya sa assignment ni Paula. ''Wala. Ayos lang ako.'' ''Sigurado ka? Simula nung iniwan ka namin sa plaza, ganyan ka na eh. May problema ba? Mag-iisang linggo ka ng ganyan. Para kang babae na iniwan ng nobyo. Ang itim na ng eyebags mo, oh.'' Tiningnan ko lang si Yna at tumingin sa may bintana. Isang linggo. Isang linggo na ang lumipas mula nang makita ko ang lalaking 'yon sa may fountain. At isang linggo na rin akong pabalik-balik d'on pero ni anino niya hindi ko na ulit nakita. Alam kong may jowa na siya pero wala akong pakialam. Gusto ko lang naman siyang makita ulit para magpaturo kung paano maglaro ng skateboard eh. Napag-isip-isip ko kasi, committing suicide is too much but if I break any of my bones, maybe just maybe, they'll completely see my existence. Malalaman ko rin kung may pakialam ba talaga sila sa akin o wala. ''May nagugustuhan ka ba? Gwapo? Ayaw ba niya sayo? O may jowa na ba siya,'' tanong ulit ni Yna. Ang kulit talaga ng babaeng 'to. Sana siya nalang 'yong pinasama ko kay Paula sa canteen para bumili ng pagkain. ''Oy, Mila! May jowa ba?'' ''He already has,'' maikli kong saad. ''So, may crush ka nga? Who's the lucky guy? I mean, may mga nanliligaw naman sayo dati diba, pero wala kang sinagot kahit isa. Sobrang gwapo ba? Mayaman? Saan siya nag-aaral? Anong pangalan niya,'' sunod-sunod nitong tanong. Parang gusto ko tuloy magsisi kung bakit pa ako sumagot. ''Hindi ko alam.'' ''Hindi mo alam? Anong hindi mo alam? Wag mong sabihing--'' ''He already has a girlfriend but I never said he's my crush.'' ''Ano?! Eh, bakit ganyan itsura mo? Para kang...'' Napatakip ako sa tainga ko nang bigla siyang sumigaw. Required ba talagang sumigaw kapag nagulat? Talaga namang- ''Kung wala kang gusto sa kanya, bakit ang lungkot-lungkot ng mukha mo? Daig mo pa ang hinihiwalayan, ah.'' ''Ano bang pinagsasabi mo. Ganito naman talaga ako palagi. Kailan pa ako naging masaya." ''So, alam mo ba kahit pangalan niya? Saan siya nakatira?'' ''Hindi.'' ''Hindi? Sana tinanong mo. O kahit pangalan niya lang sa facebook." Umiiling-iling ito na para bang disappointed sa akin. "Wala nga akong sariling f*******:," mahina kong bulong. "Ewan ko sayo, Mila. Mababaliw ako sayo eh. Ang hirap mong intindihin. Ano ba talaga ang dahilan at hinanap mo ang lalaking 'yon?" "Skateboard," "Huh?" Ngumiti lang ako kay Yna at sinaksak ang earphones sa tainga. Year 2021 (present day) I'm now a college graduate, dapat may trabaho na ako ngayon. Dapat naging guro na ako, but I'm still jobless. I'm still lurking, playing around. Why should I be serious in my life, my parents didn't even attend my graduation day. They didn't even congratulates me when I graduated as a c*m Laude. Now my father is having an affair. Ang galit ng mama ko na supposedly para sa papa ko, sa akin na naman ibinuntong. My family is really amazing. Ipinanganak lang yata ako para pagbuhusan ng galit nila. ''Oo nga pala, Mila. Gusto mo bang sumama mamaya? Nag-aya si Jeff ng inuman,'' aya ni Yna na busy kaka-type sa cellphone niya. Magkasama pa rin kaming tatlo hanggang ngayon. Kaya lang nabuntis si Yna noon kaya huminto siya sa pag-aaral, siya lang 'yong hindi naka-graduate sa aming tatlo. Sadly, nakunan din siya after two months dahil nahuli niya 'yong boyfriend niya na may ibang babae. Pang-sampu na yata niyang nobyo 'yang si Jeff eh. Hindi na nadala. ''Anong oras,'' tanong ko. ''9PM? Kita na lang tayo sa Rico's bar.'' Rico's Bar, 'yan 'yong lagi naming pinupuntahan simula pa noong college. Diyan kami laging tumatambay at nag-iinuman kapag may okasyon. Pero ngayon, bakit parang kinakabahan ako? Or Am I just being paranoid? SUMANDAL ako sa upuan nang makaramdam ako ng pagkahilo. Pakiramdam ko umiikot ang buong paligid. I usually has a high alcohol-tolerance, pero bakit parang ang bilis kong nalasing ngayon? Dahil ba medyo matagal-tagal na akong hindi nakainom? Ilang linggo din kasi akong hindi nakagala dahil sa pangangabit ng magaling kong ama. ''Mila, cr lang ako, huh,'' paalam ni Lexa sa akin. Tumango lang ako at pumikit. Maya-maya lang ay agad rin akong napadilat nang maramdaman ko ang isang kamay na biglang umakbay sa akin. ''Mila, ayos ka lang? Parang nahihilo ka na ah,'' tanong ni Mark. Isa sa mga kaibigan ni Jeff. Gaya ni Jeff isa 'rin siyang police. Naging police lang yata ang mga 'to para dumagdag sa problema ng gobyerno. Wala naman silang ibang ginawa kundi ang uminom at mambababae. Tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin. ''Inaantok lang ako.'' ''Talaga? Bakit parang namumula na yata ang mukha mo? Ayos ka lang ba talaga?'' Sinubukan niya akong hawakan pero mabilis kong winaksi ang kamay niya. Inilibot ko ang paningin sa paligid, hindi ko na makita sina Yna. Gusto ko ng umuwi pero paano ako makapag-paalam sa kanila nito? Saan ba sila nagpunta? Ang weird na talaga ng pakiramdam ko. Parang unti-unting umiinit ang katawan ko na hindi ko maipaliwanag. ''Kung hinahanap mo sina Paula, umuwi na sila kanina pa.'' Gulat na napatingin ako kay Mark dahil sa sinabi niya. ''Umuwi? Bakit hindi--'' ''They're drunk, at nasa cr ka kanina. Kaya hinatid na lang sila ni Erick.'' Imposible. They wouldn't left me here. Kahit noon, kapag nag-iinuman kami, kahit lasing na lasing na kami, sabay pa rin kaming umuuwi pero bakit ngayon... Tumingin ako sa paligid. Ako na lang ang natira at ang mga kaibigan ni Jeff. Lahat sila nagtatawanan, halatang lasing na rin. Si Lexa na kanina magc-cr lang, wala na 'rin. Hindi na bumalik. They didn't... ''What the!'' Napaigting ako nang maramdaman ko ang kamay ni Mark sa binti ko. Naglalakbay ito papunta sa legs ko. ''Ano ba? Alisin mo nga 'yang kamay mo,'' sita ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin sabay taas ng kamay. Psycho. Tumayo na ako nang hawakan niya ako sa kamay. ''Saan ka pupunta? Uuwi ka na,'' may ngisi pa rin sa labi nitong tanong. Sabog na talaga ang lalaking 'to. Winaksi ko ang kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad. Pagiwang-giwang na ako pero wala akong pakialam. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Saktong pagdating ko sa may pintuan nang bigla akong matumba. Buti na lang nakahawak ako sa may siradura. Lumalabo na talaga ang paningin ko. f**k! Not now, please. Not now. Palabas na ako nang may humarang sa harapan ko. Si Mark at Vince. May kakaibang ngisi sa labi nila habang nakatingin sa akin. ''W-what? May kailangan ba kayo? Kung wala, uuwi na ako–'' ''Hindi pa tapos ang inuman, diba? Bakit parang nagmamadali ka?'' Sinubukan akong hawakan ni Vince pero humakbang ako palayo. ''I...I just need to go home. May iniutos pa sa akin ang mama ko,'' palusot ko. Lalo namang lumawak ang ngisi niya sa labi. ''Talaga? Kailan pa naging sunod-sunoran sa utos ng mama niya ang isang Milanie Villaroel? Mila naman, ang taas pa ng oras oh, samahan mo na lang muna kami dito. Para naman tayong walang pinagsamahan niyan, eh.'' There's lustful on his voice. It seems like they're tempting me. Ang pula ng mga mata nila. Naka-drugs ba ang mga gagong 'to? ''Sorry pero kailangan ko na talagang--'' Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng sakit. Ang katawan ko parang nag-aapoy na sa init. May nilagay ba silang drugs sa ininom ko kanina? ''Okay ka lang, Mila? Namumutla ka yata? Gusto mo bang umupo muna para--'' ''Hi–hindi. Wag na. Ayos lang ako.'' ''Sige na. Para namang–" ''If she wants to go home then let her go,'' putol ng isang malamig na boses. Sabay kaming napatingin sa harapan. ''Sinong–'' Para akong napako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ito. Hindi ako makagalaw. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Ang galit naman sa mukha ni Vince ay biglang napalitan ng takot. Tila naging isa itong maamong pusa. Kita ko pa ang panginginig ng paa nito habang nakatingin sa lalaki. ''Se--Serg? A-anong ginagawa--'' Serg? 'Yan ba ang pangalan niya? Naglakad siya palapit sa akin. Bawat hakbang niya ay siya 'ring pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa kalasingan ko o namamalikmata lang ako pero, nandito siya. He's standing right in front of me. Staring at me with his cold, ranging eyes. ''You shouldn't be here, Miss." Ang cold ng boses niya. Pakiramdam ko nagsitaasan 'yong balahibo ko sa braso. Parang ibang tao 'yong nasa harapan ko. Ang mala-anghel na imahe ng lalaki sa isip ko seven years ago ay napalitan bigla ng mala-yelo niyang mukha. ''You don't look well. Ayos ka lang,'' tanong pa niya sa akin. Wala sa sariling tumango ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, para akong naiilang bigla sa presensiya niya. ''Kung may problema ka dito, pwede mong sabihin sa akin. I can help you. I can even kill them if you want," malamig nitong saad sabay sulyap sa dalawa na kanina pa walang-imik sa gilid. Ngumiti lang ako ng pilit at umiling. ''Can you walk? Should I take you home?'' Gulat na napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. ''Hi–hindi na. Kaya ko ng umuwi mag-isa,'' mahina kong sagot. ''Are you sure?'' ''O--oo. Sige. Salamat.'' Nakaisang hakbang pa lang ako nang bigla na naman akong makaramdam ng pagkahilo. Akala ko matutumba na ako nang may maramdaman akong kamay na nakahawak sa bewang ko. Pakiramdam ko nasa loob ako ng pelikula. Ganitong-ganito 'yong mga nangyayari sa bidang babae eh. Kapag nadudulas, sinasalo agad ng bidang lalaki. Tapos magkatitigan silang dalawa, maiinlove ang babae sa lalaki, ganoon din ang lalaki. Tapos... ''You're too drunk. You can't go home like this,'' bigla niyang saad dahilan para mabalik ako sa realidad. Mabilis ko siyang tinulak pero ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang bigla niya akong binuhat. Bridal style. ''Te--teka...anong ginagawa mo? Put me down!'' Nagpumiglas ako pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. ''In case you don't know me, I'm Sergeant Raven Benitez from–'' ''Sergeant,'' gulat kong bulyaw. ''So, don't be scared and trust me.'' His face remained emotionless. But the last word that came out from his mouth made me even more speechless. ''If you feel sleepy just lean on me. I'll take you home unscratched.'' It makes me feel more secure. Parang ang safe ko kapag kasama siya. As if he's my armour. All my doubts, bigla itong naglaho. Pero paano, how did he become a sergeant? How did he end up being a police, that sweet skateboarder? ''You two, prepare your explanation report tomorrow. It must be on my office before 8 or else...'' His words, his actions, even his expression, he's really no longer that guy. He had completely become a different person.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD